***Bryce POV*** "WELCOME back, Boss Bryce." Bati sa akin ng mga tauhan ko pagbaba ko bigbike ko. Galing akong Cavite mula sa isang buwang bakasyon ko. Tinanguan ko ang mga tauhan. Sinukbit ko ang helmet sa side mirror ng big bike. "Kamusta dito sa mansion?" Tanong ko sa mga tauhan. Mga tauhan ko sila sa agency. Nagsisimula pa lang ang agency na pinapatakbo noon ng ama ko ay ang Gallardo ang kauna unahan nitong naging kliyente. Nakilala ang aming ahensya dahil din sa kanila. At nang pumanaw ang aking ama dahil sa sakit ay ako na ang nagpatuloy nito. "Maayos naman boss ang mansion. Pero dumating na noong isang araw ang pamangkin ni Boss Remus. Ang anak ng kapatid nya." Balita sa akin isang tauhan. Tumango naman ako. Nakarating na sa akin ang balitang yun. Sampung taon ring hinanap

