***Stacey POV*** "UNCLE Ale!" Tuwang sambit ko at malalaki ang hakbang na lumapit sa tiyuhin na bagong dating. Sumunod naman sa akin si Bryce. Ngumisi sya ng makita ako. "Stacey." Yumakap ako kay Uncle Alessandro. Yumakap din sya sa akin at hinalikan ako sa buhok. Ito ang kaibihan nila ni Uncle Remus sa akin. Gentle sya sa akin at sweet. "Akala ko di ka makakarating eh. Muntik na akong magtampo." "I'm sorry, sweetheart. May hinabol lang akong meeting. Dumiretso na ako dito agad pagbaba sa airport. Anyway, congratulations. I have a gift for you pero naiwan sa mansion." "Thank you, uncle." "Welcome to our province, Boss Alessandro." Bati ni Bryce kay Unlce Alessandro. "And welcome to our family, Bryce." Nilahad ni Uncle Alessandro ang kamay kay Bryce at tinanggap naman yun ng hu

