***Stacey POV*** **three months later..** "CONGRATULATIONS!" Sabay sabay na bati ng mga bisita pagdating namin ni Bryce sa reception na ginanap sa malawak na bukid na pag aari nila Bryce. Napahagikgik ako ng sabuyan kami ng mga petals ng puting rosas at bigas. Tuwang tuwa at masayang masaya ang lahat. Maraming mga bisita na halos mga kamag anak lahat nila Bryce. Present din ang mga kaanak ko gaya nila papito, Uncle Remus, Floreza at Baby Rom, Mommy Gilda, Tito Diego, Liam at ang nobya nyang si Denice. Kasama din sila Manang Rosita, Mang Rogelio, Ate Vida at Ate Mary, ilang mga bodyguards. Humabol naman si Tiyong Cesar. Mabuti nga at nakarating sya dahil sobrang busy sya ngayon sa bago nyang trabaho. Maingay ang reception. Nagmistula ngang pyesta pero masaya. Kanya kanya bigay pa ng m

