***Remus POV*** SUMIMANGOT ako habang pinagmamasdan si Floreza na kausap si Buknoy. Tuwang tuwa sya dito at may papalo palo pa sa braso. Parang gusto ko tuloy ipitin ang leeg ni Buknoy hanggang sa magkulay violet sya. "Uy, simangot na simangot ang uncle ko. Jeling yarn?" Nilingon ko si Stacey at sinamaan ng tingin. Pero nginisihan lang nya ako. "Huwag mong sabibin na nagseselos ka pa rin kay Buknoy? Ang laki na ng tiyan ni Floreza, o. Manganganak na nga nagseselos ka pa." "Di ko lang kasi maintindihan kung bakit sa lahat ng taong gustong makita ni Floreza ay yang Buknoy pa." "Eh kasi nga naglilihi pa rin si Floreza. At si Buknoy ang trip nya ngayon. Naku! Baka maging kamukha nya ang anak nyo. Ganun daw yun, eh. Kung sino daw yung laging gustong makita ng buntis ay sya daw ang

