***Floreza POV*** SARAP na sarap ako sa kinakain kong manggang kalabaw na hilaw na sinasawsaw ko sa tsokolate. Sawa na ako sa sawsawang bagoong at asin na may sili. Trip ko namang isawsaw sa tsokolate at bongga ang lasa. Nagsasabong ang asim at tamis. "Ayos ka lang, sis? Ano ba yang trip mo?" Tanong ni Ate Stacey na nakangiwi. Hindi lang sya ang nakangiwi kundi pati si mommy, nanay at sila Ate Vida. Ngumisi ako. "Ang sarap kaya, ate. Try mo." Inumang ko sa bibig nya ang manggang may tsokolate. Umiwas naman sya. "Ayoko nga! Di ko talaga maintindihan ang trip mo. Ganyan ba trip ng mga naglilihi?" "Ewan ko sa iba. Ganito ang gusto ko eh." Sabi ko at kumagat muli ng manggang may tsokolate. "Noong nagbuntis ako kay Floreza, may cravings din ako. Pero di ganyan ka-intense." Natatawang

