***Remus POV*** "KUH! Napakagandang balita naman nito. Dininig na rin sa wakas ang panalangin ko. Ang magkaroon ng baby dito sa mansion." Tuwang tuwang sambit ni Lolo Mariano na malawak ang ngiti sa labi. "Excited na akong lumabas ang apo ko." Sambit ni Mang Rogelio. "Ako rin.. Naku, ang saya saya naman! Lola na ako." Naluluha sa tuwang saad ni Manang Rosita. Lahat ng tao sa mansion ay masaya sa magandang balita na buntis si Floreza. Lalo na ako. Parang sasabog na nga ang puso ko sa sobrang saya. Sabik na sabik na akong mahawakan ang baby ko. "Congratulations po sa inyo ser, Floreza." Bati ng mga kasambahay sa amin. "Thank you." Nakangising sabi ko naman at tumingin kay Floreza na tahimik lang at tipid na ngumingiti. Napapansin ko na kanina pa sya tahimik. "Are you okay, anak?

