***Floreza POV*** ILANG minuto na akong nagduduwal sa sink. Nailabas ko na ang lahat ng kinain ko pati ang nainom kong milktea. Pero naduduwal pa rin ako at bumabaliktad pa rin ang sikmura ko. Puro naman laway ang lumalabas. Nanlalambot na ako at pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Nakakaramdam na rin ako ng hilo at nanginginig na ang mga tuhod ko. "Beh, ayos ka lang ba?" Tanong ni Denice na hinahagod hagod ang likod ko. Bakas sa kanyang boses ang pag aalala. Hindi naman ako makasagot dahil naduduwal na naman ako. "Ano bang mga kinain mo kanina? Omg! Baka na-food poison ka bii!" Bulalas pa ni Bia. Umiling iling ako. "H-Hindi ko alam -- uwackkk!" Muli akong dumuwal at laway na naman ang nilabas ko. Tumitindi na ang hilong nararamdaman ko. Tumingin ako kay Denice. Nanlalabo na a

