Chapter 12

1541 Words

Floreza POV LUMINGON ako at namilog ang mata ko ng makitang humahabol sa akin si Sir Remus. Namumula ang kanyang mukha at galit na galit sya sa habang tinatawag ako. "Floreza! Come back here! Malilintikan ka talaga sa akin!" Umiling iling ako at mas tinulinan pa ang takbo. Hindi ako hihinto dahil siguradong maaabutan nya ako, at kapag naabutan nya ako siguradong yari ako. Umikot ako sa malaking kumpol ng halaman patungo sa likod ng kusina. "Floreza!" Nilingon ko si Ate Stacey na tinatawag ako. Takang taka sya kung bakit ako tumatakbo pero umawang ang labi nya nang makita si Sir Remus na hinahabol ako habang galit na galit na tinatawag ako. Hindi ako makalapit sa kanya, dahil tiyak bago pa ako makalapit ay naabutan na ako ni Sir Remus. Tinulinan ko pa ang takbo papasok sa kusina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD