***Floreza POV*** "T-TIYONG Cesar? B-Buhay kayo?" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nasa harapan ko ngayon si Tiyong Cesar. Ang kapatid ni tatay. Kaya pala, pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha nya. Sya ang tiyong kong nakasama namin ni Ate Stacey sa nahulog na owner type jeep sa bangin. Buong akala ko ay patay na rin sya. "Ako nga ito Floreza.." Lumapit ako sa tiyuhin at yumakap. Naluha ako sa tuwa na makitang buhay sya. Sobra talagang mapagbiro ang tadhana. Pero kung buhay sya, ibig sabihin.. Humiwalay ako ng yakap sa tiyuhin. "Kung.. Kung buhay kayo tiyong, i-ibig sabihin.. b-buhay din sila nanay at tatay?" Bumangon ang malaking pag asa sa puso ko. Bigla kong namiss ang tunay kong mga magulang. Pero malungkot na ngumiti si Tiyong Cesar. "Wala na sila Floreza. Sa kas

