***Floreza POV*** "COLLEGE kami ng daddy mo ng maging magkasintahan kami. Sabay naming naabot ang mga pangarap namin. Sya bilang isang piloto at ako naman ay modelo. Ang mommy ko noon, ang lola mo, tutol sya sa pagiging modelo ko. Wala daw akong mararating sa pagmomodelo. Pero ang daddy mo ay todo ang suporta sa akin. Sinamahan pa nya ako sa mga audition noon." Napangiti ako sa kwento ni mommy. May ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa lapida ni daddy. Kahit matagal ng wala si daddy at may asawa na syang iba ay kita ko pa rin sa mga mata nya ang pagmamahal nya kay daddy. "Kaya nung nawala sya.. kayong dalawa.. halos mabaliw talaga ako noon. Kulang na lang ipasok ako ni mommy sa mental dahil di ko na kinakaya ang depression. Kamuntikan na rin akong magpakamatay. Binalak ko na ngang

