***Floreza POV*** NAPATAAS ang isang kilay ko ng makita si Kuya Bryce na nakasandal sa haligi ng mansion habang naninigarilyo. Ngayon ko lang sya nakitang nanigarilyo. Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinitingnan nya. Nakatingin sya kay Ate Stacey at Tiyong Cesar na nagtatawanan sa gazebo. Bigla kong naalala ang nakita ko kagabi sa balcony sa second floor. Ang halikan nila ni Ate Stacey. Hindi ko pa nakokompronta si Ate Stacey. Lumapit ako kay Kuya Bryce at kinalabit sya sa braso. Salubong ang kilay na lumingon sya sa akin. Mukhang bad trip sya. "What?" Ngumisi ako. "Ang sungit natin ah." Bumuntong hininga sya at mariing naglapat ang labi. "Ano meron bakit mukha kang bad trip, kuya?" Usisa ko. "Wala." Tipid na sagot nya. "Weh?" Hinagis nya sa lapag ang sigarilyo at ini

