***Floreza POV*** NAGING malaking balita ang pagkahuli aa mga rebelde lalo na sa pagkapatay ni Ka Mando. Napatay sya ng mga pulis dahil nanlaban habang tumatakas, ayon sa interview ng mga reporter sa general. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil walang masamang nangyari kay Remus. Nakauwi syang walang galos. Yun lang ay lima sa security ang sugatan pero agad din silang dinala sa pagamutan. "Thanks god.. walang masamang nangyari sayo Remus.." Anas ko habang nakayakap kay Remus. Nakasandig ang pisngi ko sa kanyang malapad na dibdib at pinapakinggan ang t***k ng kanyang puso na para akong hinehele. Naramdaman ko ang maliliit nyang halik sa aking buhok habang hinahaplos nya ang aking likod. "Nag alala ka ba sa akin?" Tumingala ako sa kanya. Hinalikan naman nya ako sa noo at ilong. "So

