***Remus POV*** KUMUNOT ang noo ko sa sinabi ng tiyuhin ni Floreza. "What the hell are you talking about?" "Hindi ko tunay na pamangkin si Floreza, Remus Gallardo. Hindi nya tunay na magulang ang kapatid at hipag ko. Gaya ni Stacey ay dinukot din sya ng samahan noong sanggol pa sya sa pangunguna ni Ka Mando. Pinatay ni Ka Mando ang tunay nyang ama ng makuha ang malaking pera kapalit nya. Pero hindi na sya binalik sa tunay nyang ina. Ang kapatid at hipag ko na ang nag alaga sa kanya gaya din ng pamangkin mo." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Cesar. Parang may malaking kamao ang sumuntok sa dibdib ko. Para din akong binuhusan ng malamig na tubig. Bumuhos bigla sa alaala ko ang galit na binunton ko noon sa batang si Floreza na inosente at walang kamalay malay. Sinaktan ko sya at tinrat

