***Floreza POV*** PAGPASOK ko sa school ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil may nakabuntot sa aking dalawang bodyguard. Agaw pansin naman talaga si Kuya Mon at Kuya Efren. Malalaki ang katawan nila at parehas ng suot. Parehas pang naka-shade. "Ay, anong drama to? Bakit may kasama ka ng dalawang chaperon?" Tanong ni Bia na nakataas ang isang kilay at sinuyod ng tingin si Kuya Mon at Kuya Efren. Bumuntong hininga ako. "Sa loob ko na ipapaliwanag." Sabi ko at binalingan si Kuya Mon at Kuya Efren. "Dito na lang kayo sa labas mga kuya." Tumango sila. Pumasok naman ako sa loob ng classroom at sumunod si Bia at Denice. "So, anong meron, day? Bakit hanggang dito sa loob ng campus kasama mo ang mga bodyguard mo? Don't tell me may tangka sa life mo?" Nilingon ko si Bia at Denic

