CLAUD's
"RITCHELLE!"
Tumakbo si Kate ng makita niya si Elle at niyakap siya nito ng sobrang higpit. Bakas ang saya sa mata nito.
"MY OH SO BEAUTIFUL CO-CAPTAIN BESTFRIEND!"
"Masaya rin ako makita ka, Kate!" Niyakap niya pabalik si Kate at namilog ang mga mata nito sa gulat. Hindi kasi nagpapakita ng kahit anong emosyon si Elle sa harap ng ibang tao. Kahit pa kay Kate na tumuturing sakanyang bestfriend.
"My gosh! Hindi ako makapaniwala na nandito ka na ulit!" Pinaikutan pa niya ito ng tingin na akala mo isang modelo ang nasa harap niya.
Ang ganda na meron si Elle ay walang kapantay. Lalo na yung karisma at ugaling demonyita niya. Kaya nga ako nagka gusto sakanya.
Nawala ang ngiti nito sa mga labi ng mapadako sa gawi ko ang tingin niya. Napalitan ito ng pagtataka katulad ng mga nakaka salubong at naka kita sa amin na kapwa namin estudyante ng pumasok kami kanina.
Para kaming bagong specie na nasa ilalim ng microscope at masusing pinag aaralan ng mga mapanuring mata.
Ang kaibahan lang ay human cctv ang nagmamasid sa amin at hindi isang dalubhasa.
Dalubhasa pala ang iba sa tsismisan.
Lumapit ito sa akin habang hila niya sa braso si Elle. Tiningnan ko si Agatha at nakatingin din ito sa akin habang naka kunot ang mga kilay. Sumiksik siya sa leeg ko habang inaalo ko siya kasi nalulukot na yung mukha niya. Nagbabadya na itong iiyak. Malakas pa naman ito pumalahaw. Yung tipong matataranta lahat ng nakakarinig dahil halos hindi ito makahinga.
Babies are full of dramas.
Paglaki nila yung mga masasakita na nararamdaman nila ay piliti nilang itatago para hindi sila makakuha ng atensyon na ayaw nila.
Parang timang na tinutusok ni Kate ang pisngi ni Agatha. Tinusok ko rin yung pisngi niya at hinampas ang kamay ko.
"Don't do unto others what you don't want to do unto you."
"Sinisigurado ko lang naman na totoo. Isusumbong kita kay Clair!"
"Pagbuhulin ko pa kayo."
"Ritchelle, oh!" Parang bata na naghahanap ito ng kakampi. "Anyways, mamaya na kita kukulitin. Cheer practice kaya kailangan na namin ang cheer captain kasi malamang hindi ninyo alam pero bukas na ang opening ng foundation week." Kinuha niya sa akin si Agatha at pinugpog ng halik sa mukha. Tuwang tuwa naman si Agatha.
Hinapit ko sa beywang si Elle bago namin sinundan si Agatha papunta sa pwesto kung saan sila mag-pra-practice.
Sa bleacher na lang kami pumwesto ni Agatha para mapanood namin sila ng maayos. Nakapag palit na rin si Elle ng cheering uniform niya na lagi niya daw iniiwan sa locker pagkatapos malabhan.
Kung anu anong formation ang sinusubukan nilang gawin habang sinusundan ang beat ng music nila.
Nakakamangha talaga panoorin iyong mga tricks nila. Mas humanga ako ng binato nila iyong pinaka maliit sakanila at nagpa ikot ikot ito sa ere. Syempre si Kate iyon.
Delikado ang ginagawa nila pero all out support pa rin dapat kasi ginagawa nila iyong best nila para mabigyan ng magandang show ang school bukas.
"Agatha, look ka kay Mommy!" Sinundan niya ng tingin ang itinuro ko. Pumapalakpak ang maliliit na kamay ni Agatha habang tumatawa siya. "Galing galing ni Mommy Elle!" Nag baby talk ako. Tila naman naiintindihan niya ang sinabi ko at sumangayon.
Sumasayaw kasi si Elle habang napapalibutan ng teammates. Parang follow the leader pero sexy ang dating.
Pinupunasan ko ang tumutulong laway ni Agatha ng mapa angat ako ng tingin dahil sa mga taong nakapalibot sa harap ko.
"Yes, officers?"
Namalayan ko na lang na pilit nila akong pinadadapa kahit na hawak ko si Agatha. Wala silang pake kahit na masaktan ang anak ko.
Ginawa ko ang dapat gawin bago pa ako tuluyan mawala sa sarili ko. Pilit akong pumipiglas sakanila ng hindi nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ni Agatha.
Iniabot ko siya kay Kate ng makalusot ito sa mga taong naka blue na uniform at may badge pa sa bulsa nila sa may dibdib.
Fake officers!
DON'T LET THEM TAKE YOU!
Let us TAKE OVER!
Nakaluhod na ako sa field habang ang dalawang kamay ko ay nakatakip sa magkabilaang tenga. Nababaliw na yata ako dahil sa naririnig ko.
Umiikot na ang paningin ko. Minsan lumilinaw tapos magiging malabo. Naririnig ko na rin ang halos lahat ng t***k ng puso ng mga ito. Maging ang taong nagsasalita sa mga earpiece nila ay naririnig ko.
Nang huminga ako ng malalim ay naamoy ko ang amoy ng taong gusto kong pabagsakin.
Alexander.
Kill him!
I'M THIRSTY. DRINK HIS BLOOD!
"Huwag ka ng manlaban, bata!" Habol hiningang bulong sa akin ng pulis na ito. Ako lang yata ang nakaka alam na hindi sila totoong officers.
Dapang dapa na ako sa field at naipaikot na nila ang kamay ko sa likod ko. Nang mai-lock na nila ang posas sa parehas kong kamay ay dumating si Clair.
"Claud!" Tinulak niya ng pabalya ang mga dumagan sa akin. Tinulungan niya akong makatayo habang namimilipit pa sa sakit ng katawan ang mga hinayupak na ito.
Hinanap niya ang susi sa bulsa ng mga lalaki pero wala siyang nakita maliban sa connection ng earpiece nila at spycam. Sinira niya ang mga cable nito para hindi na sila macontact ng leader nila.
"Wala sakanila ang susi-- nevermind!" Malakas kong pinaghiwalay ang mga kamay ko kaya naputol ko iyong posas.
Hinanap kaagad ng mata ko si Kate dahil nasa kanya so Agatha. Nakita ko siya sa sulok at pilit pinapatahan sa pag iyak si Agatha na halos hindi nanaman makahinga.
"Huwag mo muna akong pagalitan, Clair."
"Wala sa plano ko iyon. Bahala na ang tatlo sa iyo."
"Huwag mo rin akong tanungin dahil hindi ko sila kilala."
"Hindi na kailangan. Ilang araw ko na sila nakikita dito sa campus. Pinagtatanong ka sa mga estudyante dito gawa ng kinidnap mo daw si Ritchelle." Napaismid naman ako sa narinig ko sakanya. Kahit papaano malaking tao si Elle mahihirapan ako itago siya.
Agad ko naman binuhat si Agatha ng makalapit kami sakanila. Hindi pa rin ito natitigil sa pag iyak kahit na pinapatahan ko siya.
Pilit niya itinuturo ang palabas sa campus kaya't sinundan ko ito ng tingin at narealize kong wala si Elle.
"Kate, nasaan si Elle?" Noon ko lang din napansin na umiiyak ito. Habang hawak sa isang kamay si Agatha ay pilit ko pinaharap sa akin si Kate. Napaaray pa ito dahil sa pasa niyang nahawakan ko.
"K-kinuha ng mga kasamahan ng mga pulis na iyan."
"Hindi sila legit na pulis!" Naisabunot ko ang isang kamay sa buhok ko. Leche! Hindi na natapos ang mga gulo sa buhay ko.
Lumapit ako sa bumulong sa akin kanina at hinawakan ito sa kwelyo niya. "Saan dadalhin ng mga kasamahan mo si Ritchelle?"
Ngumisi muna ito sa akin bago nagsalita, "Sa lugar kung saan hindi mo na siya makikita pa."
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya na halos hindi na siya makahinga. Sa tindi ng pagkakahawak ko sakanya ay napansin ko ang isa nanaman sa singsing ko ang nahati at nalaglag sa damo.
Finally!
Nagsalita ba ako? O nasa isip ko lang iyon?
Lalong lumaki ang mga mata nitong lalaki ng tiningnan ko ito deretso sa mata. Namumutla na rin siya.
"Demonyo ka!"
Ako? Eh, sila nga itong sunud sunuran at bayaran sa paggawa ng masama. Panigurado din na hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa nila ito para kumita ng pera.
"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas na siya at iniwan siya ng mga kasamahan niya na kumaripas na ng takbo na katulad niya ay parang nakakita ng isang nakakatakot na nilalang. Hinahampas na nito ang mga kamay ko.
Lalo lang niya ako ginalit ng nahataw niya sa braso si Agatha. Walang gana naman nakatingin sa kanya si Agatha.
Isang malakas na sigaw ang lumabas sa bibig ko kasabay noon ang pagluhod ni Clair sa damuhan at pagtakip ni Agatha sa tenga niya.
~
Seven hours na nakakalipas simula ng makuha nila si Elle ng sapilitan. Matapos maka recover ni Clair mula sa nangyari sakanya kanina maging si Agatha ay dumating ang tatlo na halos pangapusan na ng hininga.
Hindi lang basta sila hinihingal, eh, halos bakas sa mukha nila ang paghihirap sa hindi ko alam ba dahilan dahil hindi na nila ako binigyan ng pagkakataon na magtanong. Bigla na lang nila ako hinila papunta dito sa bahay na kinalalagyan namin ngayon.
Hindi ko rin binibigay kahit kanino si Agatha kahit na kilala ko pa ang tatlo. Parang koala na nga si Agatha kanina dahil ayaw rin bumitaw sa akin.
Noong dumating lang si Nanay at Tatay tsaka ko binitawan si Agatha dahil nagpapabuhat ito sakanila.
Pero maiba tayo ng usapan, simula kasi ng bumalik iyong tatlo matapos nilang mawala ng ilang buwan ay parang ang laki na ng pinagbago nila.
Scratch that.
Malaki talaga pinagbago nila. Dumami rin ang mga sikreto nila. Lagi nilang sinasabi kapag nagtatanong kami ni Clair na darating yung araw masasagot lahat ng katanungan namin.
Ang labo nila.
Sobra.
Pero mas malabo yung nangyari sa akin kanina. Para akong may sapak. Hindi ako naghahallucinate o ano kanina may dalawang boses akong narinig sa isipan ko.
Ang isa sakanila naramdaman ko ang presensya ng matapos masira iyong singsing ko sa gitnang daliri.
Napahiyaw ako sa sobrang lamig na naramdaman ko ng magbuhos ako ng tubig.
"Anak, anong nangyayari sa iyo!?" Kumatok si Tatay ng maraming beses dahil hindi ko magawang magsalita dahil sa panginginig ng labi ko.
"Hoy abnormal ka, Claud!" Halos gibain na ni Clair ang pinto ng banyo. Yamot pa rin ito sa akin kasi pinaluhod ko siya kanina. Akala naman niya gusto kong lumuhod siya sa harap ko.
Asa siya!
"M-malamig."
"Ano!?"
"Malamig kako."
"Anong pako? Natusok ka ng pako?"
"KAKO MALAMIG, GAGO!"
"GAGO KA RIN!"
Sa ibang bagay lang talaga malakas ang pang dinig ng hinayupak na iyon.
Pagkalabas ko sa banyo ay agad na bumungad sa akin ang pagmumukha ni Clair. Nakapameywang ito at nakanguso na parang pato.
"What's up ugly duckling?" Pinupunasan ko pa ang buhok ko na parang wala lang. Tumalim ang titig nito at tinalikuran ako.
"Dalian mo nandyan na ang wonder pets."
Sino?
Si Nathalia, Kristop at Dom.
Agad naman akong nagbihis sa kwartong pinahiram nila sa amin. Hindi daw sakanila itong bahay pero kung mamg imbita sobrang game na game.
Nadatnan ko silang lahat sa salas. Si Nanay ang may buhat kay Agatha. Kinuha ko siya kay Nanay at ako na ang nagkarga dahil nahihirapan si Nanay sa bigat niya.
Mabilis lumaki ang anak kong ito. May growth something yata sa gatas na iniinom niya.
"Clair, try mo nga dedehin yung milk formula ni Agatha baka sakaling lumaki ka." Kulang na lang umusok na ng tuluyan ang ilong nito. Nagpipigil naman ng tawa ang iba kaya lalong sumama ang hitsura niya.
"Pwede ba? Lubayan mo ang cute size kong height!"
"Tumigil na nga kayong dalawa sa asaran ninyo. Mamaya kayo na mismo ang magkasakitan niyan. Dadaigin niyo pa ang kwento ni David at Goliath." Hinampas ni Nanay si Tatay sa braso dahil sa sinabi nito. Natawa na lang si Tatay at naupo sa tabi ko.
"Anyways, oldies and teenagers, tulad ng sinabi ko kanina dito muna kayo pangsamantala maninirahan dahil delikado na sa dati ninyong bahay."
Hinayaan ko na lang sila magusap usap. Hindi a ako nakinig at tinuon ko na lang ang atensyon kay Agatha. Bukod kay Ella siya pa ang isang nakakapag pakalma sa sistema kong sobrang gulo ngayon.
"Hahanapin natin si Mommy Elle, ha?" Ilang araw pa lang niya sa akin ang bilis na niya lumaki. Naihahakbang na kasi niya ang mga paa niya at nakakapag lakad ng tuwid. Kaso kung minsan tamad talaga maglakad, ay, lagi pala tinatamad.
Tumingin ito sa akin at ngumiti bago tinuloy ang paglalaro ng kamay ko.
Hutaena!
Kung hindi ko lang kailangan isipin ang kapakanan ni Agatha at nila Nanay kanina pa ako umalis para hanapin si Elle.
Hindi ko lang sinasabi at pinapahalata pero kanina pa ako wala sa sarili ko. Hindi nila alam kanina na umalis ako.
Ang hirap hanapin ang isang tao na pilit tinatago sa iyo.
Mas mahirap kapag ang nagtatago sakanya ay mayaman. Alam niyo na, marami silang resources.
Tapos sobrang gulo pa sa isipan ko. Idagdag mo pa itong dalawang boses na ito.
Kung anu ano ang sinasabi nila sa akin. Minsan nakikita ko ang sarili ko sa isang memorya na nagpla-play sa isipan ko.
Malabo ang memorya na iyon tanging sarili ko lang ang malinaw. Ang problema hindi ko tanda kung saan iyon. Pamilyar ang lugar pero pagkatapos wala ng.
"Da.."
Lumingon ako kay Agatha at nakangiti ito sa akin. May isa itong ipin sa ibaba na patubo na.
Tumalon sa tuwa ang puso ko ng marinig siyang tawagin akong Da. Iyayabang ko sana kay Elle, wala nga pala siya.
~
Nasa kwarto na kami nagpapahinga ng pumasok si Clair. Nahiga ito sa tabi ko at yumakap sa akin.
"Libre chansing!" Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahahanap natin ang asawa mo. Tapos kapag nahanap na natin siya pababagsakin natin yung mga nagtatago sakanya."
Asawa.
Kilig.
Naupo ako sa ibabaw ng higaan namin. Hinila ko si Clair para maupo sa harap ko. Kinuha naman niya si Agatha na gising na gising pa at kinandong.
"Seryosong usapan, Clair. Walang hokus pokus. Kailangan ko mahanap si Elle. Siya lang ang katahimikan ko. Tsaka nagsisimula pa lang ako manligaw sakanya tapos ganito kaagad? Ang panget!"
Walang pakundangan ang pagmamaktol ko sakanya.
"Tutulungan nga kita hanapin siya. Sa ngayon bumaba muna tayo dahil may ipapakilala si Kristop sa atin na makakatulong daw."
"Bakit hindi mo kaagad sinabi? Tara na!"