PANGSIYAM

2420 Words
ELLE'S "EMERGENCY!" "Huwag ka ngang O.A." "Kailangan mag undergo ni baby Agatha ng surgery. Help, Elle." Nang hinarap ko siya ay naka extend ang kamay niya habang hawak si baby Agatha na inosenteng naka tingin sa akin. "Papalitan mo lang siya ng diaper niya." Bumalik sa niluluto kong tanghalian namin ang atensyo ko. "Ako? Ikaw na lang!" Pumunta siya sa gilid ko at pilit binibigay sa akin si baby para ako ang magpalit ng diaper nitong puno nanaman panigurado ng poopoo. Tumayo ako at hinarap siya at pinang turo sakanya ang spatula. O siyansi? Basta iyong ginagamit sa pang prito na minsan ng naging pamalo sa kanya ni Nanay ng minsan naka gawa ito ng kalokohan. Sa dami ng kwento ni Tatay tungkol sakanya pakiramdam ko tuloy ay lalo akong napalapit sa isip bata na ito. "Kita mong nagluluto ako ng almusal natin tapos sa akin mo pa iuutos ang pagpapalit ng diaper?" Bagsak ang balikat niya. Kung mag poopoo kasi si Agatha parang imburnal sa sobrang baho kahit na gatas lang naman ang iniinom pa lang niya. Inosenteng naka tingin sa kanya si baby ng ihinarap niya ito sakanya, "Fine. Pero uuwi na tayo bukas ng umaga!" "Hindi pa nga pwed--" "Basta! Period!" Bumalik na sila sa loob at hindi na niya ako hinayaan na kontrahin siya sa gusto niyang mangyari. Kahit slightly modern bahay kubo itong ginawa niyang bahay ay mas ramdam ko ang pagiging at home dito kumpara sa mala mansyon na bahay ni Sebastian. Hindi ko na siya kinikilalang ama simula ng para niya akong ibinubugaw para lang lumago ng husto ang kumpanya. Dahil gubat ito syempre marami ang insekto. Ilang beses na nga akong nakakagat pero wala naman akong magawa. Alangan naman ipakagat ko din kay Claud ang mga iyon. Pwede din naman tutal may sa aso talaga yata siya. Si baby Agatha lang naman din ang inaalala ko at baka madengue siya kapag nag tagal pa kami dito. Wala rin kuryente at maayos na paliguan dito. Yung batis na tinatambayan namin ay nakakapagpa relax sa akin. Ang ipinagtataka ko lang bakit may gubat dito. Kasi kahit hindi ako masyadong nagagawi sa labas ng city ay kahit papaano alam ko ang mga lugar dito. Nevermind. Ibang klase ang gulong pinag daanan namin sa pag aalaga kay baby. Hindi magkanda ugaga si Claud noong beses niya nilinisan si baby Agatha. "Kung clueless ako sa exam mas lalo na sa ganito." Naririnig kong binubulong ni Claud sa sarili niya noon. Kaya wala rin tigil ang pag tawa ko na lalong nakapag painis kay Claud. Inilublob niya ang kalahating katawan ni baby sa batis para daw deretso na itong mahuhugasan ng mga maliliit na agos ng tubig. Nang makita ko siya pagkatapos kong sumunod sakanila ay halos itulak ko na siya sa batis. Kung hindi lang niya hawak si baby ay ginawa ko na. "Sana hindi ka na lang nag anak kung ganito lang din gagawin mo!" "Anak anak ka dyan, eh, hindi naman ako ang nag ire sakanya!" Kinuha ko si Agatha sakanya bago siya tuluyan itinulak sa batis. Tumama pa nga yung likod niya sa bato buti na lang hindi ganoon kasama ang landing niya. Pagkatapos ko magluto ng tanghalian namin ay nagpa kulo ako ng tubig para pang timpla ng gatas ni baby. Hindi ko naman na ito hinayaan na kumulo dahil kailangan maligamgam lang ang tubig. Mula dito sa pwesto ko ay naririnig ko kinakausap niya si Agatha habang nag baby talk siya. Malakas kasi ang boses ni Claud kapag nakakaramdam ng excitement. Isa sa mga ugali niyang napapansin ko simula noong mga panahon na pinahihirapan ko sila ni Clair. Nadamay lang naman si Clair dahil hindi mapag hiwalay ang dalawa. Hindi alam ni Claud pero kinakamusta kami ni Clair. Narereceive ko ang message niya kapag may naliligaw na signal sa phone ko nitong nakaraang mga araw. Ngayon kasi deadbatt na ang phone ko. Nasabi din ni Nathalia na alam na nila Tita at Tito ang nangyari at uuwi agad ang mga ito kapag pwede na. Mas pinagkakatiwalaan daw ako ng dalawa dahil mas matino akong kausap at wala daw sapak. Hindi katulad ni Claud na kailangan pang tawagan bago malaman ang kalagayan. Tamad daw mag type ng message. "Ay! Abnormal ang baby Agatha!" Rinig kong sabi niya ng makita ito sa papag na nagpapalit ng diaper. Nahihirapan siya dahil malikot na ang anak niya. Hanga rin ako sakanya pero hindi ko sasabihin baka lumaki ang ulo. Kahit isang sulat lang ang nakuha niya at hindi kilala an tunay na magulang ni Agatha ay tinaggap pa rin niya ito. Kahit na sapilitan. Biglaan man ang responsibilidad nakikita ko naman siyang ginagawa lahat ng makakaya niya. “Anong klaseng get up yan? Para kang magnanakaw.” Tanong ko ng makita siyang may takip pa na tshirt sa pagmumukha niya. Yung tipong construction worker. “Protection get up.” Nailing na lang ako at iniabot ang tinimplang gatas ni baby. “Tsaka kung magnanakaw man ako hindi gamit ang nanakawin ko!” “Talaga bang kinokonsider ng magnanakaw ang nanakawin nila?” “Aba naman syempre! Tanungin mo ako dali kung anong nanakawin ko kung sakali.” Alam kong kalokohan nanaman ang ibibigay nitong sagot dahil sa pagiging excited niya. “Ano?” Walang ganang pagtatanong ko at buong galak niyang sinagot. “Ang puri mo.” Automatic na dumikit ang palad ko sa mukha niya. Hindi naman niya ininda ang sakit at tumawa pa nga ng pagka lakas. Habang ang mukha ko ay pulang pula sa kahihiyan. “Napaka manyak mo talaga. Sa harap pa mismo ng anak mo ka nag gagaganyan!” Kinuha ko na lang si Agatha sa kanya at pinadede ito sa bote habang hinehele para makatulog na at maka kain na kami ng tanghalian. Masama na ang tingin ko sakanya kaya sinusubukan na niyang pigilin angnoag tawa niya. Sinipa ko siya sa binti pero nailagan niya. Naalala ko ang ginawa kong pagsipa sa pinagmamalaki ng Alexander na iyon. Bullseye. Sana hindi na dumami lahi niya. “Titigil na ako huwag ka ng manipa.” Kahit masama ang tingin ko sakanya ay lumapit pa rin siya at niyakap kami ni Agatha mula sa likod bago niya ako bigyan ng magaan na halil sa sintido. Isa sa paraan niya para pakalmahin ako. Hindi naman ako nakakaramdam ng pag angal bagku payapa pa sa pakiramdam. Aware ako sa ginagawa niya para tulungan akong ma-overcome ang takot ko sa tuwing naaalala ko ang ginawa ni Alexander sa akin. Buti na lang talaga naka takas ako ng gabing iyon. Wala naman masyadong nangyari sa buong mag hapon namin maliban doon sa pang bwibwisit niya sa akin. Kaya ngayon nakasiksik ako ng higa sa tabi ng pader habang nasa gitna namin iyong hotdog na unan na dinala ni Clair dito. Naalimpungatan ako ng kinumutan ako ni Claud. Napansin niya sigurong nilalamig ako. Ramdam ko ang init na nagmumula sakanya ng mapalapit siya ng bahagya sa akin. Ang weird talaga ng isang ito. Actually pati sila Nathalia, Dom at Kristop may pagka weird din. Si Clair lang yata ang matino sakanila. Napunan ni Kate ang nawawalang kawirdohan ni Clair. Hindi niya napansin na nagising ako at nakita siyang lumabas. Sa sobrang liwanag ng buwan sa labas ay para na rin may nakasinding maliit na ilaw dito sa loob. Pag labas ko ay mas naappreciate ko ang liwanag ng paligid dahil sa buwan na parang nag niningning sa liwanag sa kalangitan. Malakas rin ang hampas ng hangin dahil parang umiindayog sa ang mga dahon at sanga ng puno. “Claud?” Nakita ko si Claud na naka luhod sa lupa. Paran hirap na hirap siya sa nararamdaman niya. “H-huwag-- fpuck-- hindi ikaw ang minumu-- huwag kang lumapit!” Sinong hindi lalapit kapag nakakita ka ng katulad niya na halos mamilipit na sa nararamdaman niya. "Ang init mo. Inaapoy ka ba ng lagnat?" Mabilis kong naalis ang kamay ko ng nahawakan ko siya sa pagitan ng batok at shoulder niya. Natataranta ako dahil sa nangyayari sakanya. "Hindi. Ano lang--" "Ano?" Nanginginig na ang boses ko sa pinagsamang lamig at kaba. "Basta. Pumasok ka na sa loob tapos itabi mo na lang si baby sa ito. Magiging okay din ako." Hindi ako pumayagp ng sinabihan niya akong bumalik na sa loob. "Gusto mo papuntahin ko si Clair o kahit sino sa tatlo? Kinakabahan na kasi ako sa totoo lang. Baka ano ng nangyayari sa iyo." Pinilit niya makatayo ng tuwid at inalalayan ko naman siya. Hindi ko na inisip ang init niyang nakakapaso. "Walang signal dito tapos deadbatt na rin ang cellphone mo diba?" "Yung phone mo ang gagamitin ko." "Walang kwenta iyon dahil hindi naman ako nagloload. Tsaka wala ngang signal. Pumasok ka na doon. Walang kasama yung anak natin." Hinampas ko ito sa balikat ng mahina. Nahihirapan na nakuha pang mag biro. "Anak mo lang. Idadamay mo pa ako!" Hinawakan ako nito sa mukha at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin. "Sa pagkakataon na ito iniisip ko na pamilya tayo. Ako ang Dada. Ikaw ang Mommy." Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Buong oras na ganito kami iniisip na pala niyang pamilyadong tao na siya sa piling ko at ni Agatha. Humaplos sa puso ko ang binitawan niyang salita. "Bakit ka umiiyak?" Siya naman ngayon ang natataranta. Pinunasan ko ang luha ko kahit na tuluy tuloy pa rin ito sa pagtulo. Bakit pagdating sakanya na kaaway ko nagagawa kong ibaba ang depensa ko? "May nasabi ba akong hindi dapat? Huwag ka ng umiyak baka akala ng mga mumu sinasaktan kita." Iyak tawa na ang ginagawa ko. Hindi talaga siya pumapalya sa paninira ng moment. Oo, pakiramdam ko nagmomoment kami. Sa ilalim ng maliwanag na buwan dalawang kaluluwa ng nabubuhay na tao ang nagsasayaw sa galak ng niyakap nila ang isa't isa ng mahigpit. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Nakaunan ako sa braso niya habanh nakayakap siya sa akin mula sa likod ko. Ayaw niya ako paharapin dahil nahihiya daw siya. "Medyo okay na." Sagot niya sabay amoy sa akin. "Elle?" "Bakit?" Pinaglaruan ko ang maliit na balahibo niya sa brasong nakayakap sa tiyan ko. Sinimulan na niya paglaruan ang buhok ko. Hindi na siya sumagot pero ramdam kong gising pa siya. Hinayaan ko na lang muna siya. "Lagi ba nangyayari sa iyo yung nangyari kanina?" Umiling ito, "Hindi naman. Tuwing-- ah, paano ko ba sasabihin sa iyo ng hindi ako masasaktan?" "Huwag mo haluan ng kalokohan ang sagot mo." "Eh, lahat naman ng sinasabi ko para sa iyo kalokohan." Natawa naman ako sa sinabi niya. Paanong hindi? Nasanay kami ng bangayan at pa-angasan ng ilang taon. Humarap na ako sakanya. Nakatingala ako sakanya ng tiningnan ko siya dahil ang noo ko ay hanggang labi niya lang. "Promise pakikinggan ko muna ang explanation mo bago kita husgahan. So?" Huminga muna ito ng malalim. Itinapat ko naman ang tenga ko paharap sa puso niya at niyakap siya. Hindi na kasi nakakapaso ang init ng katawan niya. "Sa tuwing naiinitan ako kailanga ko maghanap ng paraan para mawala iyon init na nararamdaman ko. Hindi ko lang alam at kahit katiting na idea wala ako kung bakit ganun kagrabe iyong kanina. Para akong nakainom ng drum ng gamot na pang-active ng libido ko." "You mean.." "Active ako sa larangan na iyon." Hindi siya makatawa dahil baka magising si baby kaya tinakpan ko ang bibig niya ng dalawang kamay ko. Tiningnan ko ang position namin. Hindi ko sinasadyang makapag isip ng kung ano. Masyado kasing intimate ang position namin. Hindi man ito iyong unang beses na magkayakap kami matulog pero kasi parang nadadamay ako sa init niya. "Relax, Elle." Hinaplos niya ang buhok ko. "Hindi kita pipilitin gawin ang isang bagay na labag sa kalooban mo." "Paano ka ngayon?" Alam ko naman ang tungkol sa bagay na iyon. Akala ko trip lang niya ayun pala may reason. "Malaking tulong na itong nakayakap ako sa iyo--" Napadaing nanaman siya. "Sinungaling." "Makinig ka sa sasabihin ko ng mabuti, okay? Dahil baka hindi ko na masabi pa sa iyo pag balik natin sa city bukas." Tumango na lang ako habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa. "HIndi sa ayaw ko sa iyo o hindi kita type o kaya ay hindi ako na-a-attract sa iyo. Sa katunayan nga gusto kita. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita kita o alam kong nasa paligid kita ay kumakalma akp kahit na delubyo ang dala mo noong una sa buhay ko. Lalo na no Clair." Napapangiti lang ako sa sinasabi niya. Akala mo makasalanan siya at nangungumpisal na. "Ang hirap iexplain kung anong nararamdaman ko para sa iyo. Maisip ko pa lang kung paano ko sasabihin na-bla-blanko na kaaagad ako. Hindi man kasing linis ng puting papel ang isip ko blanko pa rin." Unti unti niyang niyayanig ang mundo. Unti unti niyang ginagawa ang daan papunta sa puso ko. Siya at siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. "Sapilitan na kitang gagawing Mommy ni baby Agatha. Hindi ko hahayaan na may umagaw pa sa amin sa iyong monkey. Kung kinakailangan pababagsakin ko ang Lexie na iyon---" "Alexander." "Whatever his name is hindi ka pa rin niya makukuha sa amin ng anak natin. Humarang pa iyang Papa mo magigiba siya sa paraang hindi ka madadamay." "Ang brutal mo naman. Baka sa kulungan ka na namin dalawin ng anak natin." "Ang sarap sa pang dinig ng salitang anak natin." Habol ko ang hininga ko ng bumalik ako sa wisyo mula sa malalim at mapag angkin na halik ni Claud. Ang isang kamay niya ay nasa ulunan ko habang ang isa nakahawak at marahang humahaplos sa tagiliran ko. Nakapalibot sa leeg niya ang mga braso ko. Hindi ko alam kung kailan siya pumwesto sa ibabaw ko at kung sino ang nag initiate ng halikan namin kanina. Sa mainit na halik na pinagsasaluhan namin ngayon ay alam kong ako ang nag initiate ng hinila ko siya para muling halikan. Ngumiti siya sa akin ng mag hiwalay muli ang mga labi namin. Kita ko sa mata niya ang saya at pananabik. Sinimulan niyang paulanan ng mumunting halik ang panga ko bago niya itinuloy sa leeg ko. Dahan dahan lang siya at sinusulit ang pagkakataon. Binigyan ko naman siya ng mas maayos na access sa gusto niyang gawin. Nadadala na ako sa ginagawa niya. "Claud.." Kalaunan tumigil siya at tumitig sa mga mata ko. Inayos ko ang buhok na humaharang sa mata niya. "Sa ayaw at gusto mo liligawan kita. At sisiguraduhin kong kami lang ni Agatha ang hangganan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD