PANGWALO

2264 Words
"Claud.." Agad ko silang niyakap na dalawa ng mahigpit. Nadudurog ang puso ko sa nakikita kong takot ngayon sa mga mata ni Elle. Ako na ang kumarga kay Agatha at iginaya ko sila papasok doon sa papag na inilagay ko dito. Katulad lang ito ng pwesto sa kwarto ko kaya pwede kong ilapag si Agatha. Binigay ko ulit muna dito ang tsupon niya para may pagka abalahan siya. Nahiga naman ito at hinawakan ang paa niya na nakataas. Hinalikan ko ito sa noo bago hinarap si Elle. "Halika dito ikaw naman ang kakargahin ko." Napangiti ako ng makita itong naging pink ang mukha niya. Hinila ko ito palapit ng hindi lumapit. "Claud naman kasi." "Sabihin mo sa akin kung sino ang may pakana nito. Kagabi ko pa gusto malaman simula ng dinala ka ng tatlo sa bahay namin ng halos sira-sira na ang damit tapos may marka pa ng kamay sa mukha mo." Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya nagsasalita. Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak para mailabas niya ang kung anong kinikimkim niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kahina. Ramdam kong ibinaba niya ang depensa niya ng kaming tatlo na lang ang nandito. Hinila ko ito palapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap at sa balikat ko na umiyak. "A-alexander." Bigla niyang sinabi pagkatapos niyang umiyak. Nasa akin na ang buong bigat niya. Alexander? Sino iyon? "Claud ang pangalan ko." Masama ang tingin nito sa akin ng kumalas siya sa yakap namin. "Si Alexander may gawa ng nangyari kagabi. Nasa kwarto ko na ako kagabi at patulog na ng pinasok niya ako at" Hirap niyang bigkas dahil hindi niya maatim na sabihin ang mga susunod na salita. "at muntik ng--" Hindi ko na hinayaan na sabihin pa niya ang mga katagang iyon. Pinunasan ko ang luhang kumawala nanaman sa mga mata niya. "Yung mga tao kanina?" "Tauhan ni Sebastian. Hindi siya naniwala sa sinabi kong ginawa ni Alexander sa akin." "Huwag ka mag alala hindi ka na magagawan ng masama ng Monkey na iyon!" May kung ano sa mga mata niya na nag kulong sa akin ng mapatingin ako dito. Para akong nahypnotize at bukod tanging siya lang ang nakikita. Hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos. Ngayon ko lang siya napag masdan ng ganito kalapit. Hindi ko na rin napansin kung sino sa amin ang kumilos para maglapit ng ganito. Nagpapalitan na kami ng oxygen. Kaunting push na lang maghahalikan na sana kami kung hindi lang biglang bumukas ang pinto. Agad tuloy kaming napahiwalay sa isa't isa. "May naistorbo ba kami?" Nginitian ko lang ang mga ito ng pilit. Binuhat ni Elle si Agatha kasi iniabot nito ang kamay sakanya. "Anyways." Nagmamadaling naglakad si Kristop papunta sa akin. Kaya nagmamadali rin akong naglakad palayo sa kanya. "Bakit ka ba nagmamadaling maglakad?" "Nagmamadali ka sa pagpunta sa akin eh!" Ilang beses kamo nagpa ikot ikot bago ako hawakan sa magkabilang braso ko ni Nathalia st Dom. Hindi pwede si Clair at baka lumipad siya kapag nang laban ako. "Hindi mo ako kailangan batukan, Clair! Patay ka sakin kapag nakawala ako sa hawak ng dalawang ito." "Huwag mo isipin na lilipad ako kapag ako ang humawak sa iyo." "Hoy! Bintang ka ah!" "Tama na yan." Lumapit ito sa akin at pilit kinukuha ang kanang kamay ko. "Ano bang ginagawa ninyo? Bitawan ninyo nga ako!" Kahit anong gawin nila ay hindi ko ibinubuka ang kamay ko at pilit itinatago sakanila ng mabitawan ito ni Dom. "Claud, anong sinabi ni Tita sa iyo tungkol sa mga singsing mo?" Mahinahon man akong tinanong ramdam ko pa rin ang panganib na dala niya. Binitawan na rin ako ni Nathalia kaya dumiretso ako ng tayo pero nakatago pa rin ang kamay. "Kahit anong mangyari huwag kong tatanggalin." Nalilito man ay sinagot ko pa rin ang katanungan niya. Ibinuka niya ang palad niya at pinakita sa akin ang nahating singsing. Sakto pa sa gitna ang pagkakahati nito. Parang ginamitan ng lagare para sa bakal. "Pamilyar pero hindi ko alam saan ko nakita." "Engot ka, Claud. Sa iyo yan!" "Bintang ka Clair! Paano magiging akin yan, eh, never ko nga tinanggal ang mga singsing ko. Tingnan mo o-- bakit dalawa na lang?" Natigil ako ng pinakita ko ang kamay ko sakanila pero dalawa na lang ang nandoon. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa hawak ni Kristop at sa kamay ko. "Promise! Never ko talaga tinanggal para sirain ng ganyan. Mariin na utos ni Nanay iyon kaya hindi ko sinusuway!" "Kristop." Lumingon ito kay Clair. Inabot ko naman ang nahating singsing at pinagmasdan. Walang design sa labas pero meron sa loob. Simpleng black band ring lang talaga ito kung tutuusin. "Big deal ba talaga ang pagkakasira ng singsing ni Claud? Para kayong aligaga na tatlo at hindi malaman ang gagawin." Nagkatinginan ang tatlo na parang naguusap sa mga isip nila. "Next time malalaman niyo rin." Naagaw ang pansin ko ng lumapit sa akin si Elle. Hindi pa rin naalis ang takot niya kahit wala na iyong tauhan ng papa niya. "Pa-mysterious kayong tatlo." Inakbayan lang ni Nathalia si Clair. "Mula ngayon umiwas ka na sa gulo." "Paano? Kristop, habulin ako ng gulo. Tsaka may sisingilin pa ako." "Kami ng bahala maningil sa gumawa niyan kay Rithelle. Sa ngayon magpalamig ka muna. Huwag kayong aalis dito sa bahay bahayan mo." "Magtataong gubat kami ganun?" Tumango lang ito. "Hindi pwede! Pang ilang araw lang iyong supplies na dala ko kanina." "Dadalhan ka na lang namin pero babayaran mo kami pagkatapos ng gulong ito. Kakausapin ko sila Tita tungkol dito." "Wala sila. Umalis." Pilit kong pinagdidikit ang dalawang parte ng nasirang singsing para mabasa yung naka ukit sa loob. Hindi ko naman mabasa kahit anong gawin ko. "Anong ginagawa mo?" Umangat ang paningin ko sakanila saglit bago bumalik sa ginagawa ko. "Naghohokus pokus. Paano pala pasok ni Elle?" "Hindi na muna ako papasok." "Mabuti pa nga." Lumapit sa akin si Clair. "Marami ka ng utang na kwento sa akin." Sininghot singhot ko sa Clair. May kakaibang amoy kasi sakanya. "Naligo ka ba pagkatapos niyo maglaro ng apoy ni Kate?" Buti nailagan ko ang suntok na pinakawalan niya. "Hutaena ninyo kamo!" "Nagtatanong lang ako. Amoy na amoy kasi." "Maysa aso ka talaga." Malalakas ang halakhak ng tatlong bugok sa sinabi ni dwends. "Parehas lang kayo. Tara na at may pasok ka pa Clair." May iba sa unang salita na iyon pero hinayaan ko na lang. "Nice! Ihahatid ang elementary student." Iniabot ko kay Clair ang nasirang singsing ko. "Anong gagawin ko dito?" Nagtataka man ay inabot pa rin niya. "Isangla mo baka sakaling magkapera pa tayo." Pinaglayo kami ni Dom ng marinig ang sinabi ko at hinila na palayo si Clair. "Bye bye, Clair. Ingat ka sa mga bully." Pahabol kong sigaw sakanya. Naiwan kami dito sa gubat. Hindi ko hinahayaan na maalis ang paningin sa dalawang natutulog nanaman ngayon. Inayos ko ang higa ni baby Agatha sa papag. Ginawa kong higaan niya ang mga lampin na nabitbit nila kanina. "Elle?" Naramdaman ko kasi itong nagising ng kumilos ako. "Hm?" Gamit niya ang mga kamay niya bilang unan at naka tagilid ng higa paharap sa pinto. Pinahiga ko siya sa braso ko at pinaharap sa akin. Inipit ko sa likod ng tenga niya ang buhok na nakaharang sa mukha niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" "Okay na hindi.." Bumuntong hininga siya sumiksik palapit sa akin. Hinapit ko naman siya sa beywang niya. Sa tuwing kaming dalawa lang ang magkasama ay lumalabas ang pagiging sweet niya ng hindi niya napapansin. "Inaantok ka pa ba?" Umiling lang ito at pinaikot ang isang braso sa leeg ko. "Nagugutom?" "Kaunti." Tatayo na sana ako pero dumagan naman siya sa akin. "Uh? A-anong ginagawa mo?" "Kaano ano mo si Agatha?" Pambabalewala niya sa tanong ko. "Anak?" Hindi ko siguradong sagot sakanya. "Anak? Paano?" "Sa ganitong position talaga natin pag uusapan? Para tayong nagawa ng kapatid ni Agatha." Natatawang sabi ko sakanya. Hindi naman siya natinag sa pwesto niya kaya hinaplos kp ang buhok niya habang ang iaang kamay ko ay nakayakap sakanya. "Claud." "Fine. Bigla na lang siyang inabot sa akin ni Nanay kagabi. As in bigla talaga." Binigyan ko ng diin para ramdam niya rin yung emosyon na biglaan. "Hindi ko nga malalaman na baby siya kung hindi siya umiyak, eh." "Anong ginawa mo noong umiyak siya?" "Sa gulat ko ay kay Tatay ko naiabot. Akala ko nga kagabi nanganak ulit si Nanay o kaya naman ay nakatulog ako ng matagal." Natawa kami parehas. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Akala ko mababaon ko ang negative feelings ko kahapon. "Anak mo talaga siya?" "Baliw ka. Proven and tested na hindi ako nakaka buntis." Hinampas niya ang balikat ko at piningot ang tainga ko. "Paano nga?" "Ang sabi lang sa akin ni Nanay nakita nila tapos ayan na." "Yung name na Agatha ikaw nag pangalan?" Tumingala siya sa akin at hinahaplos ang pasa sa mukha ko. Umiling ako, "May kasamang sulat na sa akin naka pangalan. Biological mother niya ang nag pangalan sakanya." "Wala kang planong baguhin?" "Wala. Ayun yung identity na pwede niyang ipagmalaki kapag nagka isip na siya. Dinagdag ko lang apelyido ni Tatay." Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin. Nagsimula na rin humangin ng malamig. Ngayon ko lang naalala na wala nga palang dalang ibang gamit si Elle. Si Agatha lang ang meron. "Nagugutom ka na ba?" Kapagkuwan ay tanong ko ulit sakanya. Tumango lang siya bilang sagot. Gusto ko sana itanong sakanya kung may iba rin siyang nararamdaman na pwersa na humihila sa amin palapit kaso baka mawirduhan na ng tuluyan ito sa akin. Next time na lang siguro. Dalawang araw pa at kailangan ko na bumalik sa school dahil delikado ang scholarship ko ngayon. Hindi man pumayag ang mga kumag ay wala silang magagawa kung hindi hayaan ako sa gusto kong gawin. Pinaghirapan ko iraos ang mga taon ko sa pagiging engineering student. Kahit pa sabihin na hindi ako yung tipo ng estudyante na aral kung aral ay nag effort pa rin ako para makarating ako sa pwesto ko ngayon. Nandito ako ngayon sa likod ng bahay at nagpapaningas ng apoy sa gitna ng mga batong malalaki na magkaka tapatan. Ito ang magsisilbing kalan ko para makapag luto. Para kaming may camping getaway. Ang niluto kong tanghalian ay pang almusal talaga namin. Pritong itlog at hotdog lang naman at tsaka itotoasted ko ang kalahati ng white bread gardenia. Hindi ko naman inasahan na magiging ganito kaweird ang sitwasyon namin. Simple at tahimik lang naman ang gusto kong buhay. "Sinong nandyan?" Mula sa pwesto kong naka upo sa batong nakaharap sa gawa gawa kong kalan ay may narinig akong nag snap na kahoy. Nagkibit balikat na lang ako ng wala naman akong nakita. Baka ligaw na hayop lang iyon at hindi sinasadyang tinakot ako. Tirik na tirik pa ang araw tapos ito ako natatakot na agad. Hindi pala ako takot kundi matapang. "Sinong nandyan sabi!" Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at dumampot ng kahoy bilang armas. "Labas nilalang. Pero kung mumu ka ay pwede bang huwag na lang at umalis ka na?" Lakas loob kong pakiusap. Nakakarinig kasi ako ng maliit at mahinang mga boses na para bang nagtatalo. Mga bata siguro ang mga ito. Ang tanong, paanong magkakaroon ng mga bata dito kung sa tagal ko ng nagpabalik balik ay ni isa dati wala akong natyempuhan. Kanina lang talaga may ibang naligaw dito. Nagkataon pa na mga tauhan ng Papa ni Elle. Swerte ko naman. Please, note my sarcasm. "Yoohoo." Pakanta kong sinabi habang dahan dahan na naglalakad papunta sa pinagmulan ng ingay kanina. "Watdapak!" Napatalon ako sa gulat ng may biglang humawak sa balikat ko. Lintek! Akala ko sasabay ng talon ang puso ko palabas sa rib cage ko. "Bakit ka ba nang gugulat? Tsaka anong ginagawa mo dito!?" Mataas ang boses ko. Bumalik ako sa pwesto ko dati para kunin ang mga niluto ko. "Dinala ko ang mga kakailanganin ninyo para sa loob ng hindi ko alam kung ilang araw." "Nathalia, two days lang ang ilalagi namin dito. Hindi ako pwedeng umabsent. Delikado na lagay ko sa scholarship ko." Naglakad na ako pabalik sa loob ng bahay at ihinanda ang tanghalian namin pero may naka handa ng Mcdo dito. "Nice! Libre mo?” “Asa ka! Kamo ibinenta talaga ni Clair yung singsing mong nasira.” Hindi ko alam na totoo pala itong mga ito. “Ibenta ko rin kaya itong dalawa para--” “Para mabali sa iyo ni Tita lahat ng hanger ninyo sa bahay.” Kinuha nito ang kamay ko at isinuot ang singsing na katulad ng meron ako. “Fake lang iyan. Binili ni Dom sa city ng makita niya kanina habang nabili kami ng magagamit ninyo dito. Nag iinarte kasi hindi daw siya sanay na dalawa lang suot mo.” Ma-to-touch na sana ako pero ng dahil sa pang huling sinabi ni Nathalia ay naudlot. “Mauuna na ako. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho ko at huwag na huwag kang aalis dito hangga’t hindi namin sinasabi.” Nagpapapadyak ako sa inis. Para akong bata na nag-ta-tantrums sa lagay na ito. Mapapahamak talaga ako kapag sinuway ko sila pero kailangan ko talagang bumalik sa school. Kahit si Elle kailangan din niya pumasok dahil next week ay foundation week na ng university. May kailangan pa rin akong turuan ng leksyon. “Relax, Claud. Matuturuan mo rin ng leksyon ang monkey na iyon.” Niyakap niya ako bago nagpaalam na aalis na. “Malaki na ang responsibilidad na meron ka ngayon. Mauuna na ako.” “Stay safe, Nathalia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD