PANGPITO

2372 Words
"Anong..- Paano-" Sapilitan ng pumasok sila Dom, Kristop at Nathalie dito sa bahay habang buhat buhat ni Dom si Elle. "Dalian mo, Claud, isarado mo na ang pinto ninyo at baka makita kami ng mga sumusunod sa amin!" Sabi ni Nathalia na palingalinga sa paligid bago sumunod pumasok. Nagmamadali ko naman isinara ang pinto namin bago tinuro sakanila nansa mahabang upuan na lang nila ihiga si Elle. Gamit na gamit talaga ang mahabang upuan. Lumapit ako kay Elle para tingnan ang kalagayan niya. Sira ang damit nito na tila ba meron nag pwersa na alisin iyon sakanya. Hinawakan ko ang marka ng kamay sa kanang pisngi niya ng mapansin ko iyon. Sa kaisipan na may nanakit sa kanya ay muli ko nanaman naramdaman iyong pwersa na naramdaman ko kanina ng mapa away ako. "Relax, Claud, walang magandang magagawa iyang galit na nararamdaman mo kung hahayaan mong kontrolin ka." Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pilit ipinaintindi sa sarili ko ang mga sinabi ni Dom. "Paano ako kakalma, Dom? Sa hitsura ni Elle ngayon sigurado akong may masamang nangyari sakanya!" "Kung hindi mo magawa ng kusang kumalma pilitin mo. Kung hindi mo pa rin mapilit na ikalma iyang sarili mo isipin mo na lang ang nararamdaman niya." Kalmadong saad ni Kristop. "Kailangan nasa tabi ka niya pag gising niya." Itong tatlong ito ay kababata namin ni Clair. Kasa kasama rin namin sila sa mga away kalye kahit noon pa. Pero ng makatapos kami ng high school ay pinili na lang nilang pumasok sa tesda para mabilis silang makakapag provide sa pamilya nila. Dahil kung mahirap na ang pamilya namin lalo naman ang pamilya ng tatlong ito. Mas matanda rin sila ng dalawang taon sa amin. Nagkataon lang na medyo brainy pa ako noon kaya naging advance. Sa aming lima, bukod tanging si Kristop lang ang marunong kumalma sa amin. "Nakita niyo ba kung sino may gawa nito sakanya?" Feeling at home ang tatlo. Si Kristop pumunta sa kusina ewan kung anong gagawin niya doon. Habang si Dom ay kinuha ang lugaw ko at siya ang kumain. Umupo si Nathalia sa katapat na upuan habang ako ay sa sahig nakaupo at nakasandal sa kinahihigaan ni Elle habang pinagmamasdan ito. Never ako nakaramdam ng takot para sa ibang tao. Pero hindi ko babalewalain ang pakiramdam na parang familiar sa akin si Elle kahit na noong nakaraang apat na taon lang kami nagkita. "Elle.." Pinagdikit ko ang mga noo namin. "Hindi namin nakita kung sino ang may gawa niyan sakanya." "Kung hindi bakit may mga pasa kayo?" "Napaaway kami sa kung sino mang humahabol sakanya. Sa City namin siya nakita, Claud, at nag mamakaawa na dalhin namin siya dito sa bahay ninyo." "Hindi man lang kayo nagduda na baka scammer lang siya o ano?" "Noong una nagduda kami dahil bigla na lang siyang lumapit sa amin at tinanong kung may kakilala kaming Claud Flores." "Pero?" "Nang magtago siya sa likod namin ng biglang dumating ang mga nahabol sakanya ay naniwala na kami. Kita mo naman sa mga pasa namin." Dumating si Kristop at inilapag ang maligamgam na tubig na nakalagay sa planggana at puting lampin na nakita niya. "Linisan mo na siya at bihisan." "Hindi pwede!" Nabibiglang sabi ko sakanya kaya hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. "Ibig kong sabihin ay hindi pwedeng ako ang gumawa ng inuutos mo." "At bakit?" "Mahal ko pa buhay ko kaya si Nathalia ang gagawa ng utos mo." "Hahayaan mo na ako ang mag bihis at mag linis ng katawan ng girlfriend mo?" Nakataas na ang isang kilay nito tanda ng malapit na niya akong sungitan. "Hindi ko pa girlfriend si Ritchelle." Hindi ako makatingin ng deretso sakanila. "Hindi 'pa' pero doon din papunta?" Nginisian lang ako nito. "Kailan pa nabahag ang buntot mo sa isang babae?" "Hoy! Asa kayo! Hindi ako takot sakanya!" Depensa ko. Kapag naisipan ng tatlong ito na pag tripan ako panigurado hanggang bukas dala ko ang sama ng loob. "Bilis mo namam mag deny bunso!" "Alam mo, Dom-- ewan!" Sumusuko kong sabi. At tinawanan lang nila ako. "Nathalia, ikaw na ang mag bihis kay-" "Ritchelle." "Kay Ritchelle. Titingin lang kami sa paligid kung nandyan pa ang mga humahabol sa atin kanina." Sumaludo pa si Nathalia kay Kristop bago ito lumabas kasunod si Dom. "Akala ko ba mahal mo pa buhay mo?" "Oo nga. Ngayon?" Aba't ang loka bigkang inangat iyong damit ni Elle. Agad ko naman tinakpan ang mga mata ko-- Walang agwat sa mga daliri ko-- bago tumalikod. "Napaka husay, Nathalia. Hintayin mo lang magagantihan din kita." "Tigilan mo ang pag bulong bulong mo diyan at naririnig kita." Napatayo ako ng tuwid ng marinig ko siya. "Mabuti pa ay kumuha ka ng damit na mag kakasya sakanya. Bilisan mo at gusto ko na rin matulog!" Dali dali naman akong umakyat para maghanap ng damit ni Elle. Napapaisip nanaman ako dahil sa sinabi ni Nathalia. Paano niya ako maririnig kung halos wala ng boses na lumabas sa bibig ko kanina nung nagrereklamo ako. "Agatha.." Agad na napadilat ang mga antok kong mata ng makita itong naka upo na sa kutson at nilalaro ang lampin niyang kulay pula. "Claud, yung damit. Huwag kang babagal bagal baka malalamigan itong girlfriend mo tuluyan pang magkasakit!" Lintek na iyon kakaakyat ko lang sumisigaw na kaagad. Sinabi ng hindi ko girlfriend si Elle! "Wait ka lang muna dyan, Agatha, okay? Sisipain ko lang paalis iyong bwisita natin." Ngumiti lang ito na akala mo naiintindihan ang sinabi ko. Kinuha ko iyong malaking tshirt ko at cotton shorts. Binato ko lang iyong mga damit kay Nathalia bago umakyat ulit para silipin si Agatha. Same position. Same situation. "Claud!" "Ano!?" Bumaba na ako para matigil na sa kakasigaw ito. Baka nasa paligid lang ang magulang ni Agatha isipin pa na may chance lumaki sa maingay na paligid ang anak niya Hindi siya nagkakamali ng akala. "Aalis na ako. Lumapit ka nga dito para matapos na. Inaantok na talaga ako galing kami sa training--" "Training?" Hindi ito mapakali at palipat lipat ang bigat niya sa magkabilang paa niya. "Oo training. Alam mo na bawat company na kukuha sa amin gusto kaming mag training muna dahil mahirap ayusin kapag nagkamali kami sa pagwewelding." "'Kay. Pwede ka na umalis. THANKS!" "Teka--lintek ka, Claud!" Tinutulak ko siya palabas na sa bahay. Hindi na bumalik iyong dalawa kaya ibig sabihin ay umuwi na ang mga ito. Humarap ito sa akin matapos ko tuluyan maitulak palabas, "Kapag nagising siya may chance na baka mag wala siya o pumiglas kaya kailangan mong tanchahin ang mga kilos mo. Naintindihan mo?" Tumango lang ako dito at tinapik ang balikat ko. "Salamat, Nathalia. Ingat sa pag uwi." Itinaas lang nito ang kanang kamay. Ang lakas naman ng pang dinig ng lokang iyon. Nilock ko na lahat ng pinto at bintana bago lumapit kay Elle. Maingat ko itong binuhat at inakyat papunta sa kwarto. Matalino siguro itong si baby Agatha. Tumingin siya kay Elle na buhat ko bago umusod papunta sa gilid ng pader. "Nice one, baby!" Pinagigitnaan nila akong dalawa bago gumapang si baby Agatha paupo sa may tiyan ko at nahiga ng padapa sa dibdib ko pero kay Elle naka tingin. Hinahaplos ko lang ang likod nito hanggang sa parehas na kami naka tulog. Umaga na ng magising ako at wala na sa tabi ko iyong dalawa. Ng marealize ko iyon ay binalot ng kaba ang buong pagkatao ko. Nakahinga lang ako ng maluwag ng pumasok si Elle sa kwarto habang buhat si Agatha. Lumapit ako sakanya at binuhat si Agatha na iba na ang suot na damit. Niyakap ko naman si Elle ng humawak ito sa braso ko. Matamlay ang hitsura nito hindi tulad kahapon na kaya pa mag transform sa pagiging dragon. Humigpit ang yakap niya sa akin, "Magiging okay din lahat lahat sa iyo." Hinalikan ko ang sentido niya at inaya pabalik sa kama. Hindi pa rin niya ako binibitawan. "P-pwede bang dito muna ako sa inyo kahit ilang araw lang.." Maging ang boses nito ay naging mahina na. Kapag hindi ka naka focus sa sinasabi niya ay hindi mo siya maririnig. "Pwede naman. Paano ang klase mo? Pati ang cheering squad?" "Hindi ko alam.." Hindi pa kami nakakapag usap ni Elle tungkol sa nangyari sakanya kagabi dahil na kay Agatha ang atensyon namin. Nandito ako ngayon sa supermarket para bumili ng diaper at milk formula ni Agatha na tatagak ng isang linggo. Sana. Malakas kasi mag consume ng gatas at maya maya rin ang pag palit ng diaper niya dahil sa kakawee wee. Sabi rin ni Elle umiyak ito kaninang madaling araw kaya nagising siya. Sa sobrang pagod hindi ko na naramdaman ang pligid ko. May budget pa naman ako na pwede ko magamit pan bili ng junk foods. Bumili ako ng ilang pack ng chocolates. Mainam itong pang paganda ng mood. "Elle? Nandito na ako." Hindi ko sila nakita sa kahit saan dito sa ibaba. Laking gulat ko ng sobrang gulo ng bahay pag pasok ko. Parang dinaanan ng ipoipo dito sa loob. Halos lahag ng gamit namin taob. Agad kong hinanap si Elle at Agatha. Kahit saan sulok ng bahay tiningnan ko na pati sa kwarto ko. Hindi ko sila makita. Dahil sa reflexes ko agad akong nakakilos ng may humawak sa balikat ko. Sunud sunod ang pinakawalan kong mga suntok. Blanko ang isip ko. "Ako ito, Claud. Anong nangyayari sa iyo!?" "Clair?" Naisandal niya ako paharap sa pader ng kwarto ko habang hawak niya ang mga kamay ko sa likod. "Bibitawan kita pero huwag kang magwawala." Binitawan niya rin ako kaagad ng tumango ako. "Ano bang nangyayari? Nakasalubong ko si Ritchelle na takot--" "Nasan siya!? Kasama ba niya si Agatha!? Okay lang ba sila!?" "Okay sila parehas. Doon ko sila dinala sa bahay bahayan mo sa likod ng gubat." "Hindi mo sia dapat iniwan ng sila lang! Delikado doon." Pakiramdam ko nagwawala na ang buong sistema ko. Hindi ako papayag na may mangyari sakanila. "Kasama nila yung tatlo! Pinapasundo ka lang sa akin ni Kristop." Mabilis kaming umalis papunta doon sa gubat. Gusto kong masigurado na okay sila. Buo ang loob ko na pagbabayarin ang gumawa ng kawalanghiyaan kay Elle kagabi. Malakas ang hatak sa akin ng gubat na ito. Hindi ako nakakaramdam ng takot at pakiramdam ko pa nga ay ako ang pinaka malakas sa lahat kapag nandito. Ngayon na nasa magulong sitwasyon si Elle ay hindi ki alam kung anong dapat kong gawin. "Yung mga humahabol sa kanya kanina!" Nakapaligid sa bahay bahayan ko ang mga taong naka all black na suot. Tanging ang mga mata lang nila ang hindi natatakpan. Nakikipag suntukan na sila Kristop at Dom. Kita ko naman na nasa loob si Nathalia at nasa likod nito si Elle na takot na takot habang nakayakap ng mahigpit kay Agatha. Para akong nasa zone. Ang linaw ng mga mata at ang talas ng pakiramdam ko. Sa tipo ng paningin ko ngayon ay parang nasa mabilis na train ako. Iniabot ko kay Clair ang mga pinamili ko kanina na para dalhin sa loob ng bahay. Hindi ako papayag na madamay pa siya sa ganitong away. Baka mapuruhan siya. "Bakit mo binibigay sa akin ito?" "Umikot ka sa likod ng bahay para hindi ka nila makita. Nandyan din ang feeding bottles ni Agatha. Kinuha ko ng mabilisan kanina." Sa pilitan ko siyang pinapapunta paikot dahil nakikipag talo pa siya sa akin. "Hindi pwedeng kayo lang mag eenjoy sa pananapak sakanila! Gusto ko rin ng action." "Kay Kate ka humanap ng action." Nagawa ko pang mag biro ng ganito. "Ibang klase ka talaga." Agad naman siya tumakbo paalis dito sa pwesto namin kanina. Masyadong marami ang nakapalibot sa bahay at ang dalawa ay pagod na. Kumaripas ako ng takbo ng makita kong nasa may pinto na iyong isa. Mukhang may naka lusot sa pagbabantay ng dalawa. Hinila ko sa likod ng kwelyo ang pinaka malapit sa pwesto ko. Buong pwersa ko itong sinapak sa gitna ng mukha niya bago malakas na tinapakan ang binti nito. Satisfied ako sa narinig kong tunog. Paulit ulit lang na sapak, ilag, at sipa ang pinaggagawa namin kaso parang hindi nauubos ang mga kaaway namin. May lahi yatang ninja ang mga ito. Unfair! Away kanto lang alam namin. Isang malakas na alulong ang pumailanlang sa buong gubat. Napatigil kami sa ginagawa namin at tumingin tingin sa paligid. Parang hindi naambunan ng sibilisasyon ang parteng ito. Wala ngang kahit sino ang napapadpad dito bukos sa amin ng mga kaibigan ko. Ngayon ang unang beses na may nakaalam ng lugar na ito. "Ano iyon, Kristop?" Naka porma pa rin sila ng madaanan sila ng paningin ko. "Huwag mo ibaba ang depensa mo, Claud. Sa mga ganitong pagkakataon dapat mas alerto ka." Malamig at malaim amg boses nito. Parang ibang tao silang dalawa ni Dom ngayon. Mas malakas na alulong ang narinig namin ngayon. Tumakbo yung malayo sa amin at nagsi sunuran ang mga kasamahan niya sakanya. Pero may naiwan na isa. "Bahala na muna kayo sa isa na iyan." Pumasok ako sa loob ng bahay ng biglaan. Akala yata ni Nathalia ay kalaban ako. Nasuntok niya ako sa panga ko na nagpahiga sa akin sa akin sahig. Buong pwersa pa yata ang ginamit niya sa pagsuntok sa akin. "Uy, Claud! Ikaw pala iyan." Nonchalant pa ang pagkakasabi niya. Sinadya niya iyon panigurado. Pumalahaw sa iyak si Agatha. Pilit na kumakawala ito sa pagkakayakap ni Elle. Inaabot nito ang kamay tanda na gustong magpabuhat sa akin. Kahit hilo ay pinilit kong tumayo at lumapit sakanila dahil hindi magawang gumalaw ni Elle sa pwesto niya. "Easy, Claud. Hindi ka pa pwede mamatay dahil marami kang utang na kwento sa akin." Naiinis man ay tinulungan pa rin ako ni Clair na tumayo at lumapit sa dalawa. "Napainom mo ba ng gatas si Agatha?" "Oo. Lakas naman pala dumede parang nagmana sayo!" "Manyak mo, Clair. Doon ka na nga sa labas at tulungan mo iyong dalawa!" "Hep! Hep!" Hinila paikot ni Nathalia si Clair. Mariin kasi itong nakatingin sa dwende kanina. Ngumisi ito kay Clair na ikinataka ng isa. "Masarap tulog mo kagabi, ano? Score kung score!" Namula ng todo ang mukha nitong dwende at nauutal pa. Hinabol niya si Nathalia ng tumakbo ito palabas habang sinisigaw na naka score si Clair.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD