PANGANIM

2238 Words
Ang sama ng tingin sa akin ni Clair ng makarating ako sa kwarto niya pagkatapos niyang isigaw ang pangalan ko. Iniwan ko nga ang pagkain ko para mapuntahan lang siya kaagad para masure na walang nangyaring hindi maganda sakanya tapos ganito lang isasalubong niya sa akin? Pagkain kaya iyong ipinagpalit ko para sakanya. Hindi man lang niya na appreciate ang pagiging tunay na kaibigan ko! Muntik na ako matumba sa may pinto ng bumangga sa likod ko si Kate na humabol sa akin. Nahaharangan ko ang pinto maging ang line of vision niya kaya sa gilid ko siya nakasilip. "Bakit mo sinigaw ang pangalan ni Claud?" Pinakita nito sa akin ang email na galing kay Coach at unti unting nagliwanag ang mukha ko sa saya. "Oh yes!" Napasuntok pa ako sa ere. Binuhat ko rin si Kate at nagpa ikot ikot. "Nahihilo ako, Claud!" Agad ko naman itong ibinaba dahil baka ilabas lahat ng kinain sa akin. Hindi ko na napigilan ang tuwa ko! Iyon na yata ang pinaka nakakatunaw ng puso na email na nabasa ko sa tana ng college life ko. "Bakit ka ba tuwang-tuwa pa, eh, nakick out ka na nga sa baseball team." Naguguluhang tanong ni Kate. Napaupo naman si Clair sa gilid ng kama niya. Hindi na masama ang tingin niya sa akin. "Nakick out ka?" Lumitaw si Elle sa harap namin. "Yip yip!" Sunud sunod na tango ang ginawa ko habang nakahawak sa kamay niya. "Tuwang-tuwa ka pa talaga na nakick out ka?" Kay Kate naman ako lumapit at ipinatong ang braso sa ulo niya. "Huwag mo nga akong gawing arm rest mo!" "Kasi matagal ko ng pangarap iyon---" Tumunog ulit ang phone ni Clair. Tulad ko kanina ay unti-unti rin lumawak ang ngiti nito. "Sweet heaven!" Dali dali kong kinuha ang phone niya at tiningnan kung ano iyon. Sweet heaven it is! Nagsasayaw kami na parang ewan ni Clair ng mabasa ko yung email na "ihinabol" ni Coach! "Ikaw rin!?" Binato ni Kate yung phone ni Clair pabalik dito at hinila na palabas si Elle ng nagdadabog. Natigil kami sa pagsasayaw habang nakataas pa rin ang mga kamay sa ere. "Anong.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung ano sasabihin ko kaya tinuro ko na lang si Kate bago siya. Pabalik-balik sakanilang dalawa. "Lagot.." Okay? "Gusto mo hilain ko siya pabalik dito para makapag-usap kayo?" Hindi na naka sagot si Clair dahil napasigaw na siya sabay hawak sa tagiliran niya. Lalapitan ko na sana siya kaso para siyang nagwawala at bakas sa mukha niya na nahihirapan siya. Sunud sunod ang mga salitang lumabas sa bibig niya. At base sa narinig ko napaka colorful ng bibig ng kaibigan ko. May dictionary yata ito sa loob ng utak niya. Dictionary of bad words! Hinarang ko naman kaagad si Kate ng akmang lalapitan na niya si Clair. Nagpupumiglas ito pero wala rin siyang nagawa dahil mas malakas ako sakanya. "Kailangan ni Clair ng tulong!" "Alam ko. At alam ko rin na masasaktan niya ako kapag nasaktan ka niya. Aba! Quota na ako sa pasa ngayon araw!" Pinahawak ko si Kate kay Elle ng tumigil na si Clair. Nginitian ko muna si Elle ng makita ko ang pagaalala sa mata niya. "Clair.." Lumapit ako sakanya at tinulungan maupo. "Okay ka lang?" "Pakiramdam ko nabali ang bones ko!" Natawa ako sa sinabi niya. Lumayo ako ng sinugod siya ng yakap ng umiiyak na si Kate. Tinaasahan ko lang ng kilay si Clair at ngumiti ito ng parang guilty. "Come on, Claud. Let's give them their couple time." "Gusto ko rin ng couple time--- joke lang naman!" Fpuck! Walang awa nanaman ako nitong sinipa sa paa. Tatalon talon tuloy ako na parang rabbit. Ang pinagkaiba lang ay nakahawak ako sa kung saan ako nasaktan. ~ "'Nay!" Kakapasok ko pa lang ng bahay ng iabot kaagad sa akin ni Nanay itong kung ano man na naka-balot sa puting tela. "Ano ba itong bagay na i..to-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang umiyak itong hawak. Wala sa sarili kong iniabot kay Tatay ang.. ang.. ohmygash! "Baby!? Kailan ka nanganak, 'Nay!? Hindi ko man lang napansin na buntis ka! Wait-- Anong year na ngayon? Nakatulog ba ako ng matagal kaya--" Sunud sunod na tanong ko ng isang hingahan lang. Tumahan lang ang baby ng pinadede ito ni Tatay gamit ang feeding bottle. Walang nagawa si Nanay kung hindi ang huminga ng malalim para kumalma. Hoo! Akala ko ay masasaktan nanaman ako. Sayang ang mukhang ito kung sakali. “Maupo ka at kakausapin ka namin ng Tatay mo ng masinsinan.” Hindi na ako kumontra pa at sinunod ko na lang ang utos ni Nanay. Alam niyo na mahirap suwayin ang utos ng magulang kapag nasa state na sila ng pagtitimpi nila. Ramdam ko na sa akin lang naka tingin ang baby habang tuloy pa rin ito sa pagdede na akala mo ay aagawan sa higpit din ng hawak sa feeding bottle niya. Pero ngumingiti ito kapag nagtatama ang mata namin. Pakiramdam ko ay iniinggit ako nito. “Hoy! Tigilan mo iyang masamang pagtitig mo sa baby!” Edi huwag tingnan. “Makinig ka sa sasabihin kong bata ka. Hindi ko alam kung ano o paanong nangyari ito kaya hindi kita mabibigyan ng sagot sa mga tanong mo mamaya.” Tumango ako kahit na nakakaramdam na ako ng matinding kaba sa pwede kong malaman. Isa lang ang sigurado ko dahil kahit na mahilig akong makipag-collaborate sa loob ng kwarto ko sa dorm kapag wala si Clair ay wala naman akong mabubuntis. Proven and tested. Kinuha ni Nanay ang papel na nasa malapit sakanya at iniabot ito sa akin. Halos hinid na bumalik sa dati ang mga mata ko ng mabasa ko kung anong naka sulat doon Malamang letter itong hawak ko. Sinasabi dito na sa akin ipinapaampon ang baby at hindi dapat ito mapunta kahit kanino. Kapag may lumapit sa iyo at sinabing siya ang ama ng anak ko ay huwag mo pa rin ibibigay dahil sa hindi ko masabing dahilan. Pangako ko sa iyo na sa takdang panahon malalaman mo ang buong pagkatao ni Baby Agatha. Bukod tanging ikaw lang ang pagkakatiwaalaan ko para sa kaligtasan ng anak ko Hanggang sa muli, Claudette. Nahiya pang sabihin ang salitang ‘Paalam’ hindi ko naman siya sasabihan na gaya gaya kay Son Goku. Pero walanghiya naman siya na humingi ng favor ginamit pa ng buo ang pangalan ko. Masyado kasing babae ang Claudette. Mas maangas ang pangalan na Claud. “Naiintindihan mo naman siguro, anak, kahit hindi siya sa iyo galing ay anak mo na rin siya at apo namin ng Tatay mo.” Naupo sa tabi ko si Nanay. Ang bata ko pa para sa ganito kabigat na responsibilidad tapos wala na rin iyong benefits na natatanggap ko sa pagiging athlete ko dahil sa nangyari kaninang tanghali. “Pero ‘Nay, ‘Tay, ang laking responsibilidad ang kaakibat nito. Sarili ko pa nga lang nahihirapan na ako, eh.” “Nandito naman kami ni Nanay mo, Claud, hindi mo kailangan solohin ang responsibilidad.” Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reakson ko tungkol sa usapin na ito. Dahil kahit sabihin nila na tutulungan nila ako hindi pa rin napanatag ang kalooban ko. Buhay ni baby Agatha ang nakasalalay sa kamay ako at hindi na lang basta home run para maipanalo ang laro. “Ano ang pangalan niya?” Isa sa pinaka gusto kong ugali ni Nanay ang hindi basta basta pag basa sa mga sulat na nadating dito sa bahay kapag hindi sakanya naka pangalan. “Agatha.” “Agatha Flores.” “Bagay na bagay ang apelyido natin para sakanya.” Pround na sabi ni Tatay. Syempre apelyido niya iyon ,eh. Tatlong oras na simula ng iwan nila mag isa sa akin si Agatha dahil nakalimutan nilang sabihin na ngayong gabi ay bibiyahe sila para dumalaw sa kamag anak namin sa malayong probinsya. Hindi pala kailangan solohin ang responsibilidad pala, ah, unang gabi pa lang ay iniasa na nila ito sa akin kaagad. “Sleep na, baby Agatha.” Mataas pa rin ang energy nito at tila walang kapaguran. Inaantok na ako hindi naman pwedeng hayaan lang siya sa higaan niya kasi sa tabi ko lang siya patutulugin. Dahil biglaan ang dating niya ay walang kahit anong pang baby na pwede niyang magamit. Tapos wala rin si Clair kasi hindi naman siya suspended ng tatlong araw katulad ko. Nakick out lang din siya sa team pero magagamit pa rin niya ang benefits kasi kinuha siya bilang assisstant Coach ni Coach. Hinehele ko na’t lahat wala pa rin. Ubos na rin ang gatas niya na kasama niyang dumating kanina. Kapag naghanap siya ay kape na lang ang ipapainom ko sakanya. JOKE! Yung am na lang na galing sa niluto kong lugaw ko kanina. Naparami kasi ako ng lagay ng tubig tsaka de asukal lang naman iyon kaya halos wala rin lasa yung am. Nang makaramdam na ako ng pangangalay sa kakabuhat kay baby Agatha ay umakyat na ako sa kwarto at pinahiga siya sa kutson bago ko hinarangan ng hotdog yung kabilang gilid niya para hindi siya mauntog sa pader kung sakaling maglikot likot ito sa higaan. Nakadikit na kasi iyong higaan ko sa pader para may nasasandalan pa rin ako sa pag tulog ko. Gusto ko kasi yung pakiramdam na naka lapat pa rin ang likod ko kahit na naka tagilid ako ng higa. “Sleep ka na..” Tinapik tapik ko ang pwetan nito. Ganito patulugin ang mga baby. Halos isang oras din bago naka tulog si baby Agatha. Sinigurado ko muna na sarado na ang bintana ko at hindi siya mahuhulog bago ako bumaba at kumain ng lugaw na nilagyan ko ng asukal. Ipagluluto dapat ako ni Tatay kanina bago sila umalis kaya lang gagabihin sila lalo kung sakali. Hindi ko pa rin naikakalma ang sarili ko dahil sa nangyari ngayon gabi. Mas malala pa nga ito kaysa sa mga pasa na natanggap ko kanina. Hinawakan ko ang parte ng mukha ko ng may pasa. Kung hindi ko lang nakikita ang sarili ko sa salamin ay malamang hindi ko malalaman na may pasa pa ako. Kanina ramdam ko ang pananakit nito lalo na ng hawakan ni Elle habang tulog ako. Sa totoo lang, para akong sinasaniban kanina dahil pakiramdam ko may gustong lumabas na kung ano sa kaloob looban ko ng makaramdam ako ng galit dahil sa sinabi ni Romero sa magulang ko. Naguguilty ako sa ginawa kong paglalagay ng pasa sa mukha niya pero at the same time ay hindi. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito dahil nasa overdrive state nanaman ito sa sobrang pag iisip ko. Hindi sa hindi sanay ang isip ko mag isip sadyang napapasobra lang sa gamit kapag pilit kong binibiyan ng sagot ang mga tanong ko ng ako lang. Sa ganitong pagkakataon ko nasasabayan ang pag ganti sa akin ni Elle dahil kapag nandyan siya ay nagagawang manahimik ng sarili ko. Kalmado ako ng dahil sa presensya niya. PERO HINDI KO TALAGA ALAM KUNG BAKIT INAANGKIN KO SIYA SA SALITA KO KANINA!! “Argh!” Sinabunutan ko ang sarili ko. At walang ganang napasandal sa upuan habang nakatingin sa kisame ng bahay na sira sira na dahil sa tubig ulan. “Gising ka pa, Clair?” Tanong ko agad ng sa ikatlong ring pa lang ay sinagot na niya. “Hindi.. nagising lang ako sa tawag mo. May problema ba?” Narinig ko ang mahinang pagrereklamo ni Kate. Mukang wala ng takas si Clair, kailangan na niyang gampanan ang dapat niyang gampanan. Simula pa noong unang memory na natatandaan ko laging kasama si Clair. Kahit na malaki ang pagkakaiba ng ugali namin magkasundong magkasundo pa rin kami. Minsan hindi na namin kailangan pang mag salita para malaman ang iniisip ng iba. Iba ang connection namin sa isa't isa. Yung tipong kahit anong gawin ng mga kaaway namin hindi nila masisira ang pagkakaibigan na meron kami. Pero ngayon napapa isip na ako. Laging nandyan si Clair sa tuwing kailangan ko siya kahit hindi ako mag sabi mamamalayan ko na lang nasa tabi ko siya. Pero nasaan ako ng magulo ang isip ni Clair noong mga panahon na tinataguan niya si Kate. Pakiramdam ko tuloy napaka selfish ko. Na sarili ko lang ang iniisip ko. “Claud? Okay ka lang ba?" "Wala naman problema. Akala ko kasi gising ka pa at alam mo na!" Pilit kong pinapasaya ang boses para hindi na siya mag alala pa. "Anong alam ko na?" "Syempre mag kasama kayo ni Kate-- at huwag ka ng mag deny dahil narinig ko siya." "Manyak mo, Claud!" Inoff na niya ang phone call namin pagkatapos niya ako murahin. Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa pagmumukha ko. Bakit ngayon pa ako nagka ganito kung kailan mag isa lang ako at tanging mumunting buhay pa lang na nagsisimula ang kasama ko. Hutaena! Breathe in, Breathe out. Again. Breathe in, BAKIT NGA PALA SA AKIN INIHABILIN SI BABY AGATHA? EH, WALA NAMAN AKONG KAKILALA NA BUNTIS!!?? Breathe out. Para akong timang na paulit ulit sa paghinga para lang mapakalma ang sarili ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Iba ang pagod na nararamdaman ko ngayon sa pagod na naramdaman ko kanina pagkatapos maka tulog ni Agatha. Sunud sunod at malalakas na katok sa pinto kasabay ng malalakas na sigaw sa pangalan ko ang naka agaw ng atensyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD