PANGLIMA

2136 Words
Pagka pasok namin ni Ritchelle sa loob ng locker room ng baseball team ay agad na bumugad sa amin si Claud na naka-taling naka upo sa may sulok paharap kay Coach. Wala pa rin itong malay dahil sa ginawa ko kanina sa may batok niya. Yung ibang teammates namin ay nandito rin. May kasalanan man sa gulong nangyari kanina o wala damay. Add-ons: kaaway! Kasunod namin na dumating si Jaz Romero ang isa sa mga maiinit ang dugo sa amin ng kaibigan ko. Parang tubig nga yata ang mga dugo ng kaaway namin sa tuwing nakikita kami o kahit makaka salubong lamang ang anino namin ay nakulo na kaagad. Panigurado dead on the spot itong si Claud kapag may laser lang talaga ang mga mata ng tao. “Buti naman at dumating na kayo. Akala ko ay kailangan ko pa kayo gamitan ng dahas bago mapa sunod!" Napa face palm na lang ako ng lumapit si Ritchelle at sinipat ang mga pasa sa mukha maging sa braso ni Claud. "Selos ka?" Malokong tanong ko kay Romero ng mapansin itong napakuyom ng mga kamay sa gilid niya. "Huwag ka ng mag simula ng panibagong gulo, Rivera!" Hindi pa rin nahupa ang galit ni Coach. Wala pa naman na ako sa mood para sakyan ang galit nila. Dumating din ang school nurse para i-check ang mga galos at pasa na natamo ng dalawa sa suntukan nila kanina. Bago pa makalapit ang nurse para tingnan ang kalagayan ni Claud ay tiningnan na ito ng masama ni Ritchelle. "Trabaho lang, Ms. Ritchelle. Walang personalan!" Mamamatay na yata ako sa pinag samang gutom at pagod. Yung time na nakalaan para sa amin ng pagkain ko wala na! Masasapak ko talaga itong si Claud sa sobrang inis ko! "Bangenge iyan, Coach. Wala ka rin magagawa kung hindi hayaan siya magising ng kusa." Kako bago naupo sa tabing upuan ni Claud. At pasimpleng tinanggal ang buhol ng taling ginamit nila sa kaniya. Kinindatan ko lang si Ritchelle ng taasan ako nito ng kilay ng makita niya ang ginagawa ko. "Alam niyo bang nakarating na itong gulong ginawa niyo sa board of directors? Hindi na lang basta officers ang naka alam ng mga kaangahan na ginawa ninyo! Teammates kayo! Iisa sa loob ng field tapos kayo pa nag sapakan?" Mahinahon na pagsisimula ni Coach sa sermon niya. Hindi ko na napigilan ang mapahikab dahil sa pagod. Papikit pikit pa ang mata ko para tanggalin ang antok ko ng masalo ko ang malaking bote ng aqua oxinada na biglang naisipian na lumipad papunta sa mukha ko. Mike. Napatayo ako sa gulat at binato iyon pabalik sakanya na hindi niya nasalo pero nailagan naman. “ANO BA ANG PROBLEMA NINYONG MGA BATA KAYO!? HINDI NA BA KAYO MAGKAKASUNDO KAHIT KAILAN? PILIT KONG INAAYOS ANG GULONG GINAWA NINYO! SAMANATALANG KAYO AYAN!” Iminuwestra pa ni Coach ang mga kamay niya na tila ba may inaabot sa amin. “SIGE LANG NG SIGE!” Abot mo ang mundo! Nakaramdam ako ng tila isang kagat ng langgam sa braso ko. Yung malaking langgam na sobrang pula. Hutaena! “Tigilan mo ang kalokohan mo dyan sa isipan mo!” Mahinang bulong nitong katabi ko sa akin. “Wala naman akong naiisip na kalokohan kaya bitaw na!” Pagpapalusot ko. "Rivera!” "Coach?" "Ikaw ang Captain ng team at nandoon ka kanina bakit hindi mo man lang pinigilan ang kaibigan mo sa pakikipag sapakan kay Romero!?" Bakit ako pinagiinitan nila, eh, marami ang witness na hindi kami ang nagsimula ng gulo. Hindi yata nainform si Coach na hindi ako controller. "Coach, mawalang galang na ha? Unang una hindi ko kinokonsider ang sarili ko na Captain kapag wala sa loob ng field. Sa game time lang ako may responsibilidad sakanila sa pagiging captain, May sariling pag iisip ang mga players mo. Kung gusto nila mag simula ng away sa kapwa player nila, go! Pero kung ibibintang mo sa amin lang ni Claud ang nangyari kanina mabuti pa siguro kung maghanap na kayo ngayon pa lang ng bagong star players ninyo. Iyong tipo na kaya ninyo pasunurin sa lahat ng gusto niyo!" Natahimik ito sa sinabi ko. Masyadong mainit ang mga ito. Kailangan silang magising sa kahibangan nila na kahit kailan hindi magagawang mag simula ng gulo ng grupo ni Romero sa kapwa player nila. Kay Claud pa nga lang sagad na ang ginagawa nila. Kanina lang talaga nawalan ng kontrol itong isa dahil dinamay nila sila Tito at Tita na nanahimik. "Seryoso ako, Coach. Walang palag kaming aalis ni Claud sa team kung iyan ang gusto ninyo.” Pinakita ko pa sa kanya ang dalawang palad ko. “ Huwag niyo lang kami pagbintangan sa isang pangyayare na marami ang nakakita ng katotohanan na hindi kami ang nag simula." Lumapit ako kay Claud at sinipa ang paa ng upuan niya. Naka ngisi itong nag angat ng mukha bago nag inat ng katawan niya. Ang walanghiya nagawa pang tapikin sa balikat si Coach. "Simulan mo na maghanap ng bagong players mo---" “Babe!” Natigil si Claud sa sinasabi niya ng bumukas ang pinto at pumasok ang taong ilang araw ko ng pinagtataguan. Agad itong lumapit sa akin at sinipat ang mukha ko. “Wala bang masakit sa iyo, ha? Sabihin mo kailangan na ba kitang dalhin sa ospital nila Mommy!?” Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa mukha ko pero tinabig niya lang ito. “SUMAGOT KA!” “Paano ako sasagot kung sige ka sa kakasalita, aber?” “Ay, sorry!” Nag peace sign pa ito sa akin. “Kate!?” "Babe!?" “Oh my gosh!” Puno ng kaartehang sabi nito. Inuuga niya ang balikat ni Ritchelle ng makalapit siya dito habang nagtatanong. “Nadamay ka ba sa gulo nila Babe kanina!?” “Ugh!” Tinulak ni Ritchelle sa mukha si Kate para lubayan siya nito. Tila naman tuko ng kumunyapit sa leeg itong isa. “Nahhihilo na ako sa ginagawa mo. KATE!” Tumakbo ito palapit sa akin at niyakap sa leeg ko ang braso niya bago naupo sa kandungan ko at pinaikot ang mga binti sa katawan ko. Kung maliit na ako sa lagay na ito aba'y wala ng tatalo sa height nito ng nasa 4' 9". "Babe!? Clair, as in babe babe!? WOW!" Akala mo may bagong nadiscover na nakakamangha itong si Claud sa reaction niya. "Wala ka man lang nabanggit sa akin tungkol diyan. Hindi na bale hindi ko na lang din sasabihin ang nangyari sa amin ni Ritchelle.” Bibatukan ito ni Ritchelle. “Ayusin mo ang salita mo! Walang nangyari sa atin!” “Craddle snatcher ka na, Clair? Bakit sa elementary ka pumatol baka ipakulong ka ng magulang niyan!" Pilit na kinakalas ni Claud pagkakayakap sa akin ni Kate. Napatulala na lang ang iba sa nakikita nilang kaguluhan. “Bitawan mo si Clair! Hindi pa ako ready na sa kulungan siya bisitahin! Dali na bitawan mo siya! Swear sasabihin ko sa iyo kapag ready na ako sa pag bisita sa kulungan niya pero huwag muna ngayon!” “College na ko katulad mong higante ka! Huwag ka ngang magulo at hindi naman siya makukulong kahit may mangyari sa amin dahil buong loob ko ibibigay sakanya ang katawan at kaluluwa ko!” Matutuyuan ako ng dugo sa pinaggagawa ng dalawang ito. Jusko! “And may nangyari na sa amin kaya kailangan niya akong panagutan!” Fpuck! Tila may dumaang anghel sa paligid namin dahil sa katahimikan na namayani ng marinig nila ang sinabi ni Kate. Tama rin siya na hindi ako makukulong kung dahil nasa legal age naman kami parehas kaya lang HINDI NA DAPAT NIYA SINASABI ANG BAGAY NA IYON KAHIT KANINO! “RIVERA!” “COACH!” Bakit ba kasi napaka magugulatin ko. Ayan tuloy nasigawan ko rin si Coach. “Sinisigawan mo na ako, Rivera?” Naka pameywang na itong nakatayo sa harapan ko. “Bakit mo sinisigawan ng basta basta ang Babe ko?” Hayan na nga ba ang sinasabi ko. Sa tuwing nasa paligid ko rin ang isang ito ay gulo ang kinahahantungan ko. Gigil na gigil si Coach na lumabas na lang sa loob ng locker room at mag send na lang daw siya ng email sa amin tungkol sa punishment na kakaharapin namin. Sumunod na rin kaagad sakanya ang nurse na ewan kong kinaiinisan ba ito ni RItchelle o ano. “Kate.” Tinawag ni Mike itong nakasabit nanaman sa leeg ko. Tiningnan lang nitong isa ang lalaki. “Ayain sana kitang kumain ng lunch ngayon. Pwede ba?” “Bingi ka ba, Mike? Sinabi ko na kanina na may pananagutan sa akin si Clair kaya wala ka ng mapapala pa sa akin, let’s go, Babe. Alam kong napurnada nanaman ang alone time ninyo ng pagkain mo.” Nagpa deliver na lang si Kate at Ritchelle ng pagkain sa dorm namin. Ayaw daw nila sa cafeteria kumain dahil pagtitinginan lang daw sila. Para namam may bago doon. Habang nag hihintay sa pagkain ay naligo si Claud dahil pakiramdam daw niya ay napaka dumi niya. Totoo naman! "Ang linis ng dorm ninyo. Hindi halatang masinop kayo sa totoo lang." Prangkang pag puna ni Ritchelle. “Doon ka kasi sa kwarto nila pumasok ng makita mo ang hinahanap mo na kalat!” “Parang sanay na sanay ka na dito, Kate.” Ngumiti lang ito ng nakakaloko sa kaibigan niya bago binalik ang atensyon sa akin. Wala naman talaga kaming relasyon ni Kate. Yung nangyare sa pagitan namin ay isang malaking pagkakamali sa parte ko. HIndi ko naman sinasadya na makuha ang bataan niya nung isang beses na may victory party na ihinanda sa amin ng manalo kami sa isang napaka importanteng laro. Parehas kaming lasing ng mga oras na iyon na hindi ko matandaan paano kami nauwi sa ganoon na sitwasyon. Buhat noon ay hindi na niya ako tinigilan dahil para sa kanya kung sino man ang naka kuha sa pinaka iingatan niya ay siyang makakasama na niya hanggang sa pagtanda. Unfortunately, ako iyon. “Siya nga pala bakit ka pumunta sa bahay kagabi?” Dinampot ni Ritchelle ang damit na basta na lang ihinagis ni Claud kanina bago ito dumiretso sa banyo para maligo. Ang lakas naman talaga ni Claud at isang Villanueva ang taga pulot ng kalat niya. HInayaan ko na lang muna mag usap ang dalawang iyo sa sala at pumasok sa kwarto ko para kumuha ng pamalit dahil gusto ko rin maligo para naman guminhawa ang pakiramdam ko. Para nanaman damp site itong kwarto ko sa dami ng kalat ko. Maglilinis ako mamaya! Sana. Kinapa ko ang tagiliran ko kung nasaan ang birthmark ko ng bahagya itong kumirot. Halos hindi na nga ito makita dahil para itong unti unting nabubura habang dumadaan ang birthday ko. Humarap ako sa salamin at inangat bahagya damit ko para tingnan kung anong meron kung bakit ako nakaramdam ng kirot dito. “Halos mabura na ah?” “Yep.” Ibinaba ko ang damit ko at hinarap si Claud na naka sandal sa hamba ng pintuan at nagpupunas ng basang buhok niya. “Maligo ka na bago pa dumating ang pagkain natin at ubusan kita.” Nawala ang malokong ngiti nito ng lumapit siya sa akin at niyakap ako. “Thank you, Clair!” ~ Pizza. Fries. Jolly Spaghetti. Chickenjoy. Rocky road icecream. Double dutch icecream. Nissin waffer. “Bakit ganyan mukha mo?” HIndi ako makapaniwala sa pagkain na naka latag sa sala namin.TInanggal nila iyong maliit na lamesa sa gitna at doon sinet up ang lunch. “Kate, lunch!” "Ayan na ah! Nilibre na nga kita, eh!" "Athlete ako syempre hahanapin ng katawan ko ang kanin. Bakit kasi walang kanin." "Mamayang gabi ka ng mag kanin. Tsaka tingnan mo si Claud hindi nagrereklamo sa libre ko." Tiningnan ko naman ito at prenteng naka sandal sa mahabang upuan namin habang may hawak na pizza at chickejoy sa magkabilaang kamay. "Uy, Elle, subuan mo nama ako ng spaghetti." Inginuso pa nito iyong kinakain ni Ritchelle. "Ang intimate naman ng Elle." Naagaw ng binulong ko ang pansin ni Claud. Ngumisi ito sa akin at nag taas baba ng kilay. "Huwag ka mag alala mas intimate pa sa intimate ang ginawa ninyong hokus pokus nitong si Kate." Binato ko ang naabot kong libro niya. "Totoo naman ah! Diba Kate, nag kamehame wave kayo sa kwarto?" Tumango naman itong si Kate. Puros kaangahan na lang nagyari sa akon ngayon araw. Nakakaubos ng pasensya. "Relax ka lang, Clair. Masisiraan ka ng bait dyan sa dalawa kapag pilit mo silang iniintindi." Inagaw ni Claud ang platong hawak ni Ritchelle at iniabot kay Kate. "Ikaw mag asikaso sa pagkain ng makakasama mo habang buhay!" Nawala lang ang atensyon ko sakanila ng narinig kong tumunog ang cellphone ko. Mukhang nasa kawarto ito dahil hindi ko makita sa paligid. Email galing kay Coach. "Claud!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD