PANGAPAT

2304 Words
Pasado alas-otso na ng umaga ng magising ako at wala na din si Claud sa tabi ko mukhang kanina pa siya naka alis. Kinapa ko ang cellphone ko sa maliit na lamesa sa gilid ng higaan niya at nag message sa driver namin para hatakin iyong iniwan kong sasakyan sa gilid ng kalsada kagabi. Hindi na talaga ako uulit na mag tangkang puntahan si Claud dito sakanila ng hindi niya alam. Humiga ako pabalik sa higaan at ipinatong ang braso sa mata. Napabuntong hininga na lang din ako. Kagigising ko lang pero pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ako. Paniguradong mamaya pag-uwi ko ay ang nakakarinding boses ni Sebastian ang maririnig ko. Sa kaisipan na iyo ay napangiti ako ng mapakla. Sebastian. Ang ama ko. Sa labas ng bahay namin ako ang pinaka maswerte sa mata ng mga tao. Mala mansyon na bahay. Iba't ibang sasakyan ang pwedeng magamit kada araw. Hindi nauubusan ng pagkain na ihahain sa hapag kainan. Yung typical na tingin ng mga tao sa tuwing maririnig o malalaman nila na anak ka ng isa sa mga bilyonaryo at nirerespetong tao sa business world. Sa lahat ng karangyaan na nararanasan ko may isa akong paulit ulit na babalikan. Si Claud. Simula ng sadyain niyang kunin ang first kiss ko noong nag tatalo kami sa shower room na inassign ng school para sa mga cheerleaders ay hindi ko na siya tinigilan hanggang ngayon sa kakaganti. Hindi niya alam pero ang pag ganti ko sakanya ang nag bibigay katahimikan at panandaliang pag limot sa ingay ng buhay sa piling ng ama ko. Ngayon nakita ko sa sariling mga mata at naramdaman ko rin kung gaano kasaya ang buhay nila kahit sa simpleng bahay lang sila nakatira. Simpleng pamumuhay ngunit ramdam ang init ng pagmamahal ng magulang. Nakaka inggit. Simula kasi ng mawala si Mommy naging ganito na ang buhay ko. Kung kani kanino gustong ipagkasundo para lang manatili siya sa pwesto niya bilang numero unong tao. Kapakanan muna ng kumpanya bago ang sariling anak. "Ritchelle?" Natigil ang pagmumuni ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto. "Hija, gising ka na ba?" Nagmamadali akong bumangon at binuksan ang pinto ng makilala ko ang boses ni Nanay. Iyon na lang din daw ang itawag ko sakanya maging kay Tatay. "Good morning po, 'Nay." Ngumiti rin ako sakanya ng mapangiti siya ng makita ako. "Magandang umaga rin, Anak." Anak. Ang tagal na nung huling beses na may tumawag sa akin ng ganiyan. Ang sarap sa pakiramdam kapag may tumatawag sa iyo ng ganyan. Ramdam ko ang gulat sa katawan ni Nanay ng bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. "Hoy! Anong ginawa mo kay Ritchelle at umiiyak siya!?" Tanong ni Tatay ng mapadaan siya sa tapat namin. "Wala akong ginagawa sakanya!" Hinaplos ni Nanay ang likod ko. Kagaya ng ginagawa ng magulang kapag naiyak ang anak nila. "May nasabi ba akong hindi dapat? O kaya ay may masakit ba sa iyo?" Yung ganitong pakiramdam ang nawala sa akin ng iniwan ako ni Mommy. Kumalas ako ng yakap pero nakahawak pa rin ako sa braso ni Nanay. Umiling lang ako bilang sagot dahil pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. "Lagot ka nanaman sa anak mong may tama sa pag iisip." Hindi ko napigilan na hindi mapangiti ng marinig ko ang sinabi ni Tatay. "Hindi mo ba anak si Claud?" Masungit na tanong ni Nanay. "Anak. Sa akin nga nag mana, eh." Ngumiti si Tatay ng pagka tamis kay Nanay. Agad rin nabura iyon ng hindi na sakanya nakatingin si Nanay. Ang kulit nilang pag masdan. "Tara na nga at bumaba para maka kain na tayo ng umagahan." "Kaka kain mo lang kakain ka nanaman?" "May angal ka ba doon?" "Wala. Maupo na kayo doon at ipaghahain ko na kayo." Nag bow pa ito ng dumaan si Nanay sa harap niya. "Tiklop ka kay Nanay, 'Tay." Natatawang bumulong ako sakanya. "Dragon kasi, 'Nak. Baka mabugahan tayo sayang ang gwapong mukha!" Nag pogi pose pa si Tatay. Pero kumaripas ng takbo ng marinig nanaman ako boses ni Nanay. "Sinisiraan mo nanaman ako kay Ritchelle, Antonio!" ~ Pag dating ko sa bahay ay si Aling Con lang ang naabutan ko. Siya ang Mayordoma ni Sebastian na sumusunod sa kahit anong utos niya. Maliban na lang kung ang inuutos nito ay labag na sa dangal pang tao. Hindi siya mahigpit sa akin kapag wala sa paligid si Sebastian. Hinahayaan niya ako gawin ang gusto ko. Respect begets respect. "Ritchelle." Paakyat na ako ng tinawag ni Aling Con ang pangalan ko. "Mabuti at naka uwi ka ng matiwasay. Gusto mo bang kumain muna bago pumasok sa school?" "Hindi na po, Aling Con. Kumain na po ako sa bahay ng kaibigan ko bago umuwi." Ngumiti rin ako sakanya ng ngumiti siya sa akin. "Ganoon ba? 'O siya sige na mag asikaso ka na at baka malate ka pa sa klase mo. Ipapahanda ko na kay Ryan ang gagamitin mong sasakyan." Naka ilang hakbang na ako sa hagdan ng may naalala ako. Buti na lang at hindi pa siya nakaka alis sa pwesto niya dahil kausap niya ang isang kasambahay. "Aling Con," Humarap ito sa akin maging ang kausap nito. "Wala ho bang ipagagawa sa akin si Sebastian?" Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako. "Tumawag siya kagabi at hinanap ka." Wala sa loob na napahinga ako ng malalim. Alam ko na kung ano ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw. Inabot niya ang kaliwang kamay ko at ikinulong sa sarili niyang kamay. Ngayon lang niya ito ginawa sa akin. "Huwag kang mabahala, Hija, dahil sinabi kong busy ka sa pag gawa ng mga projects mo kasama si Kate." Napakunot noo ako, "pero hahanapin niya rin po si Kate." Si Kate ang co-captain ko ng cheer squad ng University. Siya ang ginagawa kong panakip sa tuwing kailangan kong umiwas sa lugar na ito. Aware naman siya sa nangyayari sa akin. Siguro siya lang ang maituturing kong kaibigan. Kahit papaano. Tinapik tapik ni Aling Con ang kamay ko, "bago tumawag ang Daddy mo ay dumating si Kate at hinahanap ka. Kaya ng hinanap ng Daddy mo si Kate ay kinausap niya ito at pinatotohanan ang kasinungalingan na sinabi ko." Bakit naman ako pupuntahan ni Kate dito sa bahay? Wala naman akong maalala na sinabi sa kanyang magkikita kami. "Gagawin ko ho ang lahat para hindi niya malaman ang ginawa ninyo para sa akin. Maraming pong salamat sa ginawa ninyo." "Wala iyon, Hija, gagawin ko ulit iyon kung kinakailangan." Bakas sa mata ni Aling Con ang kasiyahan habang pinagmamasdan ako. Maluha luha pa ito. Habang ang isang kasambahay ay naka ngiting naka tunghay sa amin. Nasa kotse na ako at nagmamaneho papunta sa school. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa sinabi ni Aling Con kanina. "Kung nabubuhay lang sana ang aking apo sigurado akong kaedaran mo lang siya." Akala ko kasi ay matandang dalaga ito. Hindi rin bakas sa physical na anyo niya na nasa ochenta y seis (86) na ito. Bumaba rin ako kaagad matapos kong ma-i-park ang kotse ko. Nakakapag taka lang kasi iisa lang ang bantay na guard sa gate kanina. Lima halos ang naka pwesto na guards doon dahil nga sa kilalang tao ang magulang ng halos lagpas sa kalahati ng mag aaral dito. Medyo malayo itong University sa bahay nila Claud. Kaya laking pasalamat nga din daw nila Nanay na napilit ni Clair sumali si Claud sa baseball team. Ang kwento pa nila ni Tatay kanina ay halos isumpa na daw ni Claud si Clair dahil sa ginawa nitong pagpayag na sumali sila. Napaka tamad din daw kasi ng dalawa sa pag kilos kilos. Sa away kanto lang daw talaga ginaganahan ang dalawa kasi ayun daw ang tunay na exercise para sa katulad nila. Hindi ko mawari kung anong tingin nila sa sarili nila. May mga estudyante akong nakita na nagkukumpulan sa tapat ng Jose Building. Kahit nandito pa ako sa parking lot ay kitang kita ko pa rin sila dahil sa dami nila at masyadong agaw pansin. Kibit balikat na lang akong naglakad papunta sa building ko na katabi lang ng Jose building. Pero wala pa naman ako sa kalahati ng paglalakad ko ay may humila sa akin mula sa likod. Winaksi ko ang kamay nito ng mapagtanto ko kung sino. Si Alexander. Kapatid ni Lucian na nabaldado dahil sa naging trahedya. Si Claud ang sinisisi nila dahil ito ang huling naka away ni Lucian bago mangyari ang pagdurog sa mga buto niya sa binti. Ang akala rin ng buang na iyon at sinisisi ko rin siya sa nangyari. At si Alexander ang bagong finaceé ko sabi ni Sebastian. Akala naman nila ay pakakasalan ko ito. Mas pipiliin ko pang itakwil ako kaysa ang matali sa hudas na ito. "Huwag mo akong hahawakan!" Nagpupumiglas ako sa hawak niya sa akin dahil pilit niya akong isinasama sakanya. "Ano ba!? Sinabi ng huwag mo akong hahawakan!" Nabitawan ko na ang gamit ko dahil sa ginagawa niya sa akin na paghila. "Huwag ka munang pumasok doon dahil nagkakagulo nga. Hindi ka naman bulag para hindi makita ang nagyayari!" Sigaw nito sa akin. "At hindi rin mahina ang pang dinig ko para sigawan mo ako!" "Manahimik ka na lang, Ritchelle, at sumunod sa gusto ko! Nagsasapakan si Claud at Jaz doon kaya kita hinihila palayo dahil hindi ka pwede madamay sa gulo nila!" Kung bakit kasi pag dating sa dalawang takas sa mental na iyon ay nadadamay ako! Sa sinabi nito ay lalo pa akong nagkaroon ng dahilan para magpumiglas sa pagkakahawak niya. Hindi pwedeng masaktan si Claud dahil pinakiusapan ako ng mga magulang niya na ilayo siya sa gulo dahil naaawa sila sa sasapitin ng makakaaway nito. "Bitiwan mo ako sabi!" Natumba si Alexander ng buong pwersa ko siyang tinulak at tumakbo ako papunta doon sa kaguluhan. Ako lang may karapatan manakit kay Claud bukod sa magulang niya at kay Clair. Matapos lang ito masasapak ko talaga siya! Malapit na ako ng hinatak ulit ako ni Alexander. Sinipa ko siya sa binti na siyang nagpa luhod sa kanya. Ang dating singkit na mga mata nito ay naging bilugan. Tumingin ako sa likod ko at nakita kong tumatakbo si Claud ng mabilis at nakita kong nakasunod si Clair na nakawala mula sa pagkaka hawak ni Mike ng magkulasan ang mga tao para bigyan sila ng daan. Nagmamadaling tumayo si Alexander mula sa pagkakaluhod pero nahihirapan siya dahil masama ang bagsak nito kanina. Humarang ako sa harap ni Claud ng makalapit na ito at pilit kong inilalayo kay Alexander. Si Clair naman ay hinihila rin siya para pigilan ng nakahabol siya. Napansin ko ang mata nito na malalim ang pagkaka itim. Nakakatakot siya tingnan ngayon kung tutuusin pero wala akong nararamdaman ni kahit kaunting takot. Immune na yata ako. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko pagdating sa taong ito. Straight ako. "Tumigil ka na, Claud!" Parang hindi niya naririnig si Clair o ang kahit sino. Dumating na ang mga nawawalang gwardiya kanina at hinaharangan na si Claud. "Claud, please, tumigil ka na." Hinawakan ko na siya sa magkabilang braso niya at doon siya tila natauhan. "Ano bang nangyayari sa iyo!?" Hinapit lang ako nito sa beywang ko kung kaya't ang mga kamay ko ag naiharang ko sa pagitan namin. Masama pa rin ang nakatingin kay Alexander. "She's mine!" May sa aso talaga itong si Claud dahil may groal na lumabas sa bibig niya. Malalim iyon kaya tumindig ang balahibo ko. Tsaka ano daw!? "Back off, Monkey! She will never be yours. She's mine!" Tumigil na nga siya sa pagwawala pero mataas pa rin ang tensyon sa paligid. Nasalo ko siya bago pa siya matumba ng mawalan siya ng malay. Naka ngising mukha ni Clair ang nakita ko at halatang napagod sa kalokohan ng kaibigan niya. Kahit papaano ay may nadagdag sa height ni Clair mag mula noong first year college pero ganoon rin si Claud kaya parang David and Goliath ang dalawang ito kapag magkasama. Siya iyong tumalon kanina para maabot ang batok ni Claud bago ito mawalan ng malay. "Sa kanya ka pala ha, nice!" Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi nito. "Napapa english si pare ko'y sa pag claim sa iyo!" Inirapan ko lang ito. Nagawa pa niyang tumawa bago ako inalalayan para hindi tuluyan matumba at madaganan ng higanteng ito. "Rivera!" Dumagundong ang boses ng Coach nila. Bale wala lang ito kay Clair. "Not now, Coach." "Anong "Not now, Coach. Not now, Coach", gisingin mo si Flores dahil kailangan ko siyang kausapin tungkol sa gulong ginawa niya!" Humarap ulit ito kay Clair, "at mo kasama ng grupo nila Jaz!" "Basta ba, Coach, eh, ikaw ang sasalo ng galit ni Claud kapag ginising ko siya. Lalo na ngayon at napa english pa ang baliw na ito." Simple lang ang pagsagot nito at tila balewala sakanya ang galit na nararadiate sa katawan ni Coach. Lumapit si Coach sa akin at binuhat si Claud na parang isang sakong bigas. Kita sa mukha niya na nahihirapan siya dahil sa tanglad at bigat ng buhat buhat niya. "Itatali ko muna siya bago mo gisingin." Naglakad na palayo si Coach matapos palayasin lahat ng usisero't usisera. Dinampot ko ang mga gamit kong nalaglag kanina. "Takot rin pala siyang tanggapin ang galit ni Claud. Ooops!" Hawak ni Clair ang palapulsuhan ni Alexander sa kanang kamay ng tinangka niya akong hawakan. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Claud? Back off nga daw kasi, Monkey." "Finaceé ko si Ritchelle at ako ang mas may karapatan sakanya!" "Finaceé pa lang pala naman." Bagsak ang balikat nito matapos mag buntong hininga. "Wala ng katapusan ang match making ninyong mayayaman! Tara na, Ritchelle. At may gigisigin pa tayong tigre." Galit ang nakita ko sa mata ni Alexander bago ko ito talikuran. "Your Daddy will hear about this." As if I care!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD