"ANG a-anak ko?!" Biglang tanong ni Fely. Hindi lang para kay Andie kundi para na rin sa kanyang sarili. Tulirong kinapa-kapa niya ang kanyang tiyan ngunit wala na ang umbok niyon. "Ang anak ko, Andie? N`asan ang anak ko?!" nag-hihisterikal na tanong niya. Hindi ito maaari. Nakunan siya dahil sa pagkahulog ng bus sa bangin! Nilapitan siya ni Andie habang patuloy siya sa pag-atungal ng iyak. Hindi niya kayang tanggapin na sa isang kisapmata ay nawala ang buhay na iniingatan niya sa kanyang sinapupunan ng halos ilang buwan. Hinagod ni Andie ang kanyang likod na parang pinapakalma siya nito. "Alam ko po kung nasaan ang baby niyo..." anito sabay hagikhik ng mahina. Napatingin siya dito. "T-talaga? Alam mo kung nasaan ang anak ko? `Asan siya?" hindi malaman ni Fely kung ngingiti o iiyak ng m

