NABIGLA si Portia nang biglang tanggalin ang kanyang piring sa mata at tumambad sa harapan niya si Teacher Fely! Hindi nga siya nagkamali, ito ang dumukot sa kanya! Nakatingin ito sa kanya pero walang emosyon ang mukha. Gula-gulanit at madumi ang suot nitong uniform ng isang guro. Magulo ang buhok nito na halatang hindi pa nasasayaran ng tubig at shampoo ng ilang araw na. May ilang hilom na at sariwa pang sugat si Teacher Fely sa ilang parte ng katawan nito. Halos hindi siya makapaniwala sa nakita dahil ang buong akala niya ay patay na ito. Paanong nabuhay pa ito matapos nitong makasama sa pagkahulog ng bus sa bangin? "Kumusta ka na, Portia? Bakit hindi ka makapagsalita? Na-miss mo ba ako?" tila isang demonyong ngumiti pa ito sa kanya. Itinali nito ang katawan niya sa upuan at tinanggal

