BAHAGYANG iginalaw ni Bridgette ang parte ng binti niya na pinutol ni Tiyang Magda upang umalis doon ang mga langaw na tila nagpipiyesta doon. Kanina, nang magising siya ay may nakabalot ng tela sa kanyang sugat. Sipon, luha at pawis--- mga likidong natuyo na sa kanyang mukha. Tumingin siya sa kawalan. Nakatulala. Bakit hindi pa siya kunin ng Diyos? Bakit tila napakailap sa kanya ng kamatayan? Meron pa bang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay humihinga pa siya? Maya-maya ay dumating na si Tiyang Magda at binuksan nito ang refrigerator na katabi lang niya. "Patayin niyo na ako..." wala sa sariling usal ni Bridgette. "Patayin niyo na ako!!! Gusto ko ng mamatay!!! Parang awa niyo na...patayin niyo na ako..." sisigaw tapos manghihinang pakiusap niya. Wala siyang nakuhang sagot. Isang bint

