"NAKITA kita sa mall noong isang araw, Andrew. Ano mo ang babaeng kasama mo?" Napatigil sa pagbibihis ng sapatos si Andrew nang marinig niya ang tanong na iyon ng babaeng pumasok sa kwarto. "Kaibigan ko lang siya," balewalang sagot niya. Dinampot ng babae ang flower vase at ibinato iyon sa salamin na nasa dingding. Lumikha ng nakakangilong tunog ang pagkalat ng nabasag na salamin. Nanlilisik ang mga mata na tiningnan siya ng babae. "Kaibigan?! Nakita kong naghalikan kayo! Huwag mo akong lolokohin, Andrew! Hindi mo alam ang kaya kong gawin sa babae mo!" Tumayo siya at hinarap ito. "Bakit, ano ba ang kaya mong gawin, ha?!" mariin pa niyang hinawakan sa braso ang babae. "Papatayin ko ang babae mo! Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na kung may relasyon kayo..." natigilan si Andrew sa pagbaba

