LESSON 17- I Smell Hell

1477 Words

"BAGO yata ang relo mo, Andrew," puna ni Fely nang mapansin niya na iba na naman ang suot nitong relo. Napansin niya iyon habang sinasalinan nito ng red wine ang kanyang kopita. Hinawakan ni Andrew ang relo nito sa braso. "Ah, ito ba? W-wala. Binili ko ito bilang birthday gift sa sarili ko. Tumango na lamang siya. "Okey, lets toast for my birthday!" Dinampot na ni Fely ang kopita na nasa harapan niya. Pinagbunggo nilang dalawa ang hawak nilang baso. Tuloy-tuloy na ininom ni Fely ang laman niyon. Naramdaman niya ang pagguhit ng mapait na lasa ng alak sa kanyang lalamunan. Hindi niya malaman ang dahilan pero matapos niyang uminom ng alak ay nakaramdam siya ng biglang pagkahilo. Imposible naman na nalasing agad siya bukod sa red wine lang naman iyon ay sanay naman siyang uminom ng alak kah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD