NANLAKI ang mga mata ni Fely nang makita niya ang isang rumaragasang taxi na tinutumbok ang kanyang kinaroroonan. Tila itinulos na siya sa kanyang kinatatayuan dahil hindi na niya maigalaw ang kahit na anong parte ng kanyang katawan. Malakas siyang napasigaw at inihanda na niya ang kanyang sarili sa pagbangga ng kotse sa kanya. Pero isang tao ang humila sa kamay niya paalis sa gitna ng kalsada. "A-andrew?!" gulat na sambit niya nang makilala ang taong nagligtas sa kanya sa posibleng kamatayan. Hindi na niya napansin kung saan nagtungo iyong kotse dahil nakuha ni Andrew ang kanyang buong atensiyon. Hindi niya inaasahan na magpapakita pa itong muli matapos ang halos tatlong buwan. "Mabuti na lang at nakita kita kundi baka may masamang nangyari sa iyo, Fely!" at buong suyo na niyakap siya

