LESSON 19- Secrets And Anger

1308 Words

BUMANGON mula sa pagkakahiga sa kama ang babaeng iyon na may magulong buhok. Ilang araw na siyang tila wala sa sariling pag-iisip. Hindi na niya nagagawang asikasuhin ang kanyang sarili. Iginala niya ang kanyang paningin sa napakagulo at makalat niyang kwarto. Wala na ang dating kaayusan ng silid na ito. Halos hindi na pasukan ng liwanag dahil palaging nakasara ang mga bintana. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang nakayuko at nakatitig sa kawalan. Nang iangat niya ang kanyang ulo ay sumalubong sa kanya ang malaking salamin na nakasabit sa dingding. Halos hindi na niya makilala ang kanyang sarili. Tumayo siya at marahang inihakbang ang mga paa na tila ayaw na ring gumalaw. Natagpuan niya ang kanyang sarili na hawak-hawak ang isang litrato na nakuha niya sa ibabaw ng ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD