HINDI makapaniwala si Lala sa nakakagimbal na lihim na isiniwalat ni Yvette. Sa sobrang tense niya ay napatayo siya at tila hilong turumpo na nagpaikot-ikot sa kwartong iyon. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Yvette, na ito ang pumatay kay Patrick! Matagal nang sarado ang kasong iyon at lumalabas na aksidente ang lahat. Nadulas si Patrick at tumama ang ulo nito sa palakol! "Niloloko mo lang ako, Yvette. Tama ako, di ba?" pilit niyang pinapakalma ang sarili. "Sana nga ay nagbibiro lang ako, Lala, pero totoo lahat ng sinabi ko. Ako ang totoong pumatay kay Patrick!" May namumuong luha sa mga mata nito. "Pero bakit? Paano?" litong tanong ni Lala. Mukha na itong tuliro. "Dahil niloko ako ni Patrick! Kahit noong hindi pa dumarating sa school natin si Teacher Fely ay meron na kaming lihim na

