"FELY... Lumabas ka na d'yan, Fely..." Mas lalong napasiksik si Fely sa sulok ng kanyang kwarto sa sobrang takot niya. Pilit niyang kinikilala ang boses ng babaeng umatake sa kanya kanina ngunit hindi niya iyon maulinagan kung sino. Basta ang sigurado siya ay ito ang asawa ni Andrew. Bigla tuloy umandar ang kanyang isip nang mga oras na iyon. Sino nga ba talaga ang asawa ni Andrew? Si Sarrah? Dahil tila noon pa man ay mainit na ang dugo nito sa kanya? Ipinilig ni Fely ang kanyang ulo. Maling pagbintangan niya si Sarrah. Wala siyang pruweba at hindi ito ang tamang oras para mag-isip ng mga ganoong bagay. Ang dapat niyang isipin ay kung papaano siya makakaligtas sa babaeng gustong pumatay sa kanya. Tangkain man niyang sumigaw ay malabong may makakarinig sa kanya. Magkakalayo ang mga bah

