KITANG-KITA ni Fely ang pagrehistro ng gulat sa mukha ni Sachiyo nang may dumating na mga pulis sa bahay nito. Si Fely mismo ang nagbukas ng pinto para papasukin ang mga pulis. "Magandang umaga po. Sino po sa inyo si Sachiyo Yuudai?" tanong ng isa sa mga pulis. Nagtatakang sumagot si Sachiyo. "A-ako po 'yon? Bakit po? M-may problema po ba, sir?" Isa-isang lumapit kay Sachiyo ang tatlo pang mga pulis at hinawakan ito sa braso. "Kailangan niyo pong sumama sa amin. May warrant of arrest po kayo sa kasong attempted murder na isinampa sa inyo ni Miss Felicity Natividad!" deklara ng mga pulis na labis na ikinabigla ni Sachiyo. Naguguluhan na tumingin sa kanya si Sachiyo. "Fely? Ipapakulong mo ako? B-bakit?" Hindi napigilan ni Fely ang hindi mapaiyak habang nakatingin sa kaibigan. "Dahil ala

