LESSON 04- Whom To Trust

1646 Words
"S-SINO ka?" Nanginginig ang boses ni Fely nang itanong niya iyon sa babaeng nasa pintuan na may hawak na palakol. "Ako si Teacher Sachiyo Yuudai. Ikaw si Fely, diba? The new teacher..." napansin yata nito na takot na takot na nakatitig siya sa hawak na palakol nito. Agad nitong binitiwan ang hawak na palakol. "Sorry. Did I scared you? Don't worry kasi I'm not a killer. Kailangan ko kasing sirain iyong padlock ng classroom ko kasi naiwan ko doon ang laptop ko. I lost my key kasi." Sa wari niya ay half-Japanese ito dahil sa hitsura nito at pati na rin sa pangalan nito. Doon na nakahinga ng maluwag si Fely. Nagpasalamat na rin siya na kahit papaano ay may kasama pa siyang totoong tao sa school. "Ganoon ba? Yes, ako nga si Fely. Nice meeting you Sachiyo." Lumapit sa kanya si Sachiyo at nakipagkamay. "Anyway, masyado ng late and it is not a good idea to stay here. Come on, sabay ka na sa akin sa paglabas or mauuna na ako?" Umiling siya. "No... I mean, sabay na ako sa'yo." sagot niya. SA isang fast food humantong sina Fely at Sachiyo dahil sa parehas na rin naman silang kumakalam ang sikmura. Doon ay maraming nalaman si Fely sa Wellington High School. Karamihan sa mga kwento nito ay mga ghost stories na wala naman siyang ganang pakinggan. "Dahil bago ka sa WHS, I can be your new friend if you want," ani Sachiyo matapos ang mga kwento nito. Ngumiti siya. "Sure..." Magaan agad ang loob niya kay Sachiyo dahil sa lagi itong nakangiti at maraming kwento. Parang nakikita niya na napakapositibo nito sa buhay. Nalaman din niya na bata ito ng ilang taon sa kanya at isang taon pa lang sa propesiyon nila. "Mabait naman lahat ng co-teachers natin sa Wellington. You can ask them anything kung kailangan mo ng tulong...except one!" naglalakad na sila palabas. "Except one?" "Yes...except one. At iyon ay si Teacher Sarrah Armenta." "I haven't heard her name. Bakit, anong meron sa kanya?" Sumipsip muna sa iced tea si Sachiyo bago nito sagutin ang tanong niya. "Well, wala naman but you can tag her as the Insecure ng Taon. Napaka-ewan niya. Aloof at pa-mysterious effect! Wala nga siyang ka-close sa faculty members dahil sa supladita ang babaeng 'yon." Natawa siya sa sinabi nito. "Wala ka namang personal na galit sa Teacher Sarrah na iyan, ha?" "Oy, wala, ha. Sana lang kasi marunong siyang makisama!" "Okey. I will not say anything against her kasi hindi ko pa naman siya nakikilala. Anyway, pwede bang umuwi na tayo? Saan ka ba nakatira?" aniya. NAPAG-ALAMAN ni Fely na sa iisang lugar lang sila nakatira ni Sachiyo at sa iisang street pa. Kaya naman nagsabay na lang sila. Sa isang bahay na pinauupahan lang nakatira si Fely. "Iyan ang tinutuluyan ko. House for rent lang," ani Fely nang nasa tapat na sila ng bahay niya. Tumango-tango si Sachiyo habang tinitingnan ang bahay. "O, kanina ka pa yata hinihintay ng kasama mo sa bahay," anito. Kumunot ang noo niya. "Ha? Kasama sa bahay? Wala akong kasama sa bahay." "Weh? Eh sino iyong nakita ko na nakasilip doon sa bintana?" at itinuro ni Sachiyo ang nakabukas na bintana sa kanyang kwarto. Hindi agad siya nakapagsalita. "Sige na, Fely. Aalis na ako at paniguradong naghihintay na sa akin ang asawa ko." "May asawa ka na pala..." Kumibit-balikat ito. "Yes. Isang taon pa lang kaming kasal at we're having a problem now. Anyway, nice meeting you, Fely! Masaya ako na may bago na akong kaibigan sa faculty members. See you bukas!" Hinatid niya ng tanaw ang papalayong si Sachiyo. Masaya na rin siya kahit na first day pa lang ng school ay pinasakit na agad ng mga estudyante niya ang kanyang ulo atleast nakakilala naman siya ng bagong kaibigan. At isa pa ay nalaman na niya ang nangyari kay Ruvina. Bukas naman ay aalamin niya kung sino si Sir Gomez. Nang mawala na sa kanyang paningin si Sachiyo ay naalala niyang muli ang sinabi nito na may nakita itong tao sa may bintana. Napatingin tuloy siya roon at bigla siyang kinilabutan. Inisip na lamang ni Fely na namalikmata lamang ito upang maibsan ang takot sa kanyang dibdib. Naglakad na siya papasok ng bahay at laking pagtataka niya nang malaman niyang hindi naka-lock ang pinto ng kanyang bahay! "Bakit ginabi ka na yata ng uwi, Fely?" ang nakangiting mukha ng stepmother niya na si Fatima ang sumalubong sa kanya nang buksan niya ang pinto. "M-mama? Anong ginagawa niyo dito? Paano kayo nakapasok?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hiniram ko sa landlady mo ang duplicate ng susi sa bahay mo. Napatunayan ko naman sa kanya na stepmother mo ako kaya ipinahiram niya. Dinadalaw lang kita, Fely," lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba ngayong hindi mo na ako kasama. Fely...patawarin mo ako sa inasal ko noong huli." Naluluha na niyakap niya si Fatima. "Sorry din po, 'Ma. Masaya po ako na dinalaw niyo ako dito." "Tama na nga at baka magkaiyakan pa tayo. May pasalubong nga pala ako sa iyo na buko pie. Favorite mo 'yon 'di ba?" Nakangiti siyang tumango. Pumunta silang dalawa sa dining area at doon ay inihain sa kanya ni Fatima ang sinasabi nitong buko pie. Naalalang muli ni Fely iyong taong nakita ni Sachiyo sa bintana ng kwarto niya. Sa palagay niya ay ang stepmother niya ang nakita nito. NAGLALAKAD papasok ng Wellington Highschool si Portia nang salubungin siya ng kanyang pito pa na barkada. Sina Renz, Yvette at Patricia na kasama niya lang kahapon. Kasama rin ng mga ito sina Emielyn Pastolero, Jade Emelee, Aldous Lacern at ang gay-friend nila na si Lala. Ngayon lang pumasok ang mga ito. "Hello, Portia. Did you miss me? Or should I say us?" maarteng salubong sa kanya ni Lala. Daig pa nito ang tunay na babae kung kumilos. "Not that much, Lala! I can live without you." Nauna nang naglakad si Portia sa mga ito habang parang mga aso na nakasunod naman sa kanya ang pito. Malalaman mo agad na si Portia ang leader ng grupo dahil stand-out talaga ito sa lahat. "Whats new, Portia? I heard may bago tayong target na i-bully," ani Emielyn na paiba-iba ang mood. Ito ang hindi niya makuha ang ugali sa lahat. "Tama ka, Emielyn. It's Teacher Fely...our new adviser!" "Teacher? Guro?!" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Jade. Ang weird sa kanilang grupo. Emo girl kung tawagin. Tumigil sa paglalakad si Portia at hinarap si Jade. "Stupid! Malamang guro!" at naglakad silang ulit. "Wow! Level up na tayo. Dati students lang, ngayon teacher naman. Hindi na ako magugulat kung principal na ang next na ibubully natin!" natatawang sabi ni Lala. "TEACHER Fely, pwede bang pa-share ng table?" napatingala si Fely sa lalaking nagsalita. Kumakain siya noon sa canteen. Ang nakangiting mukha ni Patrick ang sumalubong sa kanya. Gumanti siya ng ngiti dito. "Sure..." aniya. Agad na umupo si Patrick sa harapan niya matapos nitong ilapag sa table ang tray ng pagkain niya. Hindi niya alam pero namula siya nang simpleng ngitian siya ni Patrick. Napakagaan ng pakiramdam niya sa estudyante niyang ito kahit na pangalawang beses pa lang niya itong nakakausap. "Ah, Teacher Fely... Kumusta naman po ang first day niyo kahapon?" tanong nito. "Okey naman..." tipid niyang sagot. Ayaw na niyang sabihin dito na ang totoo ay marami na agad na nangyari sa kanya kahapon. Marami pang sinabi sa kanya si Patrick. Nagpaturo rin ito sa lessons nila sa Math dahil mahina daw ito sa subject na iyon. Mabiro rin si Patrick kaya maya't-maya ang tawa niya sa mga patawa nito. Habang tininingnan ni Fely si Patrick ay hindi isang estudyante ang tingin niya dito ngunit isang lalaking kaedad na niya. "PORTIA, `di ba si Patrick iyon?" naantala sa pagkagat sana sa sandwich si Portia nang kalabitin siya ni Yvette. "Bakit magkausap sila ng Teacher Fely na iyon and it looks like they're so close." Naningkit ang mga mata ni Portia at kapagkuwan ay nanlaki iyon. Hindi niya gusto ang kanyang nakikita. Bakit tila nagbago na ang ugali ni Patrick? Dati kasi ay tahimik talaga ito at minsan lang makipag-usap. Kaya nga niya ito nagustuhan dahil sa pagiging misteryoso nito. "Parang they enjoy each others company, ha!" puna pa ni Emielyn. Ipinatong ni Portia ang hawak na sandwich sa platito at tumayo. Lumakad siya papunta sa kinaroroonan nina Teacher Fely at Patrick. "Hi, Patrick!" bati niya sa lalaki. "Pinagreserve kita ng seat sa table namin, doon ka na lang." Dadamputin na sana ni Portia ang tray ni Patrick ngunit pinigilan siya nito. "Pwede ba, Portia, matuto kang gumalang. Nakikita mong kausap ko si Teacher Fely tapos papaalisin mo ako dito?" Sumabat si Teacher Fely. "Please, `wag kayong mag-away." Dinuro niya ito. "I don't give you right to speak!" at hinarap niyang muli si Patrick. "Hindi ka ba nahihiya, Patrick?!" "Bakit naman ako mahihiya, ha?!" "Look around you! Pinagtitinginan na kayo ng mga tao dito sa canteen dahil para kayong mag-syotang naglalandian!" Napatayo si Patrick at hinarap ako. "Wala akong pakialam sa kanila!" mataas ang boses na sagot nito sa kanya. "Don't tell me na type mo ang teacher na iyan?" sabay turo ni Portia kay Teacher Fely na hindi makapagsalita ng oras na iyon. "Oo! Gusto ko siya. Gusto ko si Teacher Fely!" Napakalakas ng pagkakasabi noon ni Patrick upang pagtinginan silang lalo ng lahat. Nag-umpisa ang mga bulungan. Kita niya ang pag-awang ng bibig ni Teacher Fely. Maging ito yata ay nagulat sa isiniwalat ni Patrick. Tiningnan niya ng masama si Patrick. "Nakakadiri ka! Nakakadiri kayo!" sabay talikod niya at bumalik sa table ng barkada niya. Humihingal na tiningnan niya ng masama si Teacher Fely. Hindi siya makakapayag na mas gusto ito ni Patrick kesa sa kanya. Talagang kinakalaban siya ng gurong ito! "You'll regret this!" bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD