HINDI makapaniwala si Fely sa isiniwalat ni Patrick na gusto siya nito. Wala siyang ideya kung paano mag re-react sa nalaman. Sinamsam na niya ang gamit na nasa lamesa at inilagay iyon sa loob ng kanyang bag. Akmang aalis na siya nang humarang sa kanya si Patrick.
"Teacher, saan po kayo pupunta?" tanong nito sabay hawak sa braso niya.
Pumiksi siya. "Sa f-faculty room," sagot niya at nilagpasan ito.
"Teacher---" hinawakan siya nito sa braso para pigilan.
Mabilis siyang napaharap dito at hindi sinasadyang naitulak niya ito. Natumba ito. "I'm s-sorry..." Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante sa canteen. Lumalakas ang bulungan.
Nagmamadali siyang lumabas ng canteen. Ngunit hindi siya sa faculty room nagtungo kundi sa C.R. para sa mga guro. Papasok na siya roon nang isang babaeng guro ang kanyang mabangga.
"Ano ba?! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" bulyaw nito sa kanya. Sa tantiya niya ay mas bata sa kanya ito ng ilang taon.
"S-orry..."
Tiningnan siya nito ng matalim. "Kung lahat ng bagay ay nakukuha sa salitang sorry, pwedeng-pwede na kitang patayin ngayon dito at mag so-sorry na lang ako!"
Kinilabutan siya sa sinabi nito. Sabay noon ay ang pagpasok ni Sachiyo sa C.R. "Oh, anong nangyayari dito?"
Walang umimik sa kanila. Bago lumabas ng CR iyong nabangga niyang guro ay tiningnan siya nito ng masama.
"OK ka lang ba?" tanong sa kanya ni Sachiyo.
Tumango siya. "Nabangga ko kasi siya kaya nagalit siya sa akin. Anyway, it's my fault."
"Eh, 'di, nasampolan ka na niya!" natatawang sabi nito.
"Ha?" takang react niya.
"Iyong teacher na nakabangga mo ay walang iba kundi si Teacher Sarrah Armenta. Siya iyong kinwento ko last night sa iyo na walang kasundo dahil sa ugali niya. Kaya ikaw, Fely, iwas-iwas din pag may time d'on, okey?"
"G-anoon ba?" sagot na lamang niya.
ABALA sa paglilinis ng mga kwarto si Bridgette sa ikalawang palapag ng bahay ni Tiyang Magda. Lahat na ng kwarto roon ay tapos na niyang linisin bukod sa isa. Iyong silid na kahit minsan ay hindi pa niya nakita ang loob dahil mahigpit na bilin ni Tiyang Magda na huwag doon papasok. Minasdan niya ang nakapinid na pinto ng naturang silid. Kinukulit siya ng kanyang kuryusidad na pumasok roon. Marahan siyang sumilip sa ibaba at nakita niya na natutulog si Tiyang Magda sa rocking chair nito. Mukhang magandang pagkakataon ito upang pasukin niya ang silid na iyon. Inikot niya ang seradura at napangiti siya nang malaman na hindi iyon naka-lock. Itinulak niya ang pinto at pumasok sa loob. Iginala niya ang kanyang paningin. Wala namang kakaiba sa silid bukod sa medyo kulob na amoy roon dahil matagal na sigurong hindi iyon nalilinis.
May nakita siyang drawer na yari sa kahoy lumapit siya roon at isa-isang binuksan ang mga lagayan noon. Wala naman siyang nakita na kakaiba. Nagmasid pa siya at inangat niya ang kama na puno na ng alikabok. Dalawang ipis ang lumabas mula roon kaya nagulat siya.
Hanggang sa isang maliit na photo album ang kanyang nakita roon. Kinuha niya iyon.
Bubuksan na sana niya ang photo album nang biglang magsalita mula sa likuran niya si Tiyang Magda. "Anong ginagawa mo dito?" mababa ang boses nito.
Pagharap niya ay nakita niya ang nakakatakot at nanlalaking mga mata nito. "T-tiyang Magda! Kayo po pala!" At mabilis niyang itinago sa kanyang likuran ang nakuhang photo album.
"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw nito. Galit na galit. "Hindi ba't bilin ko na huwag kang papasok dito?!" halos sakmalin na siya ng dalawang kamay nito.
Wala siyang ideya sa dahilan nito kung bakit ayaw siya nitong pumasok roon. "N-naisipan ko po kasing maglinis dito," pagdadahilan niya. "Sorry po. Hindi na po mauulit."
"Labas... Lumabas ka na!!!" sabay turo nito sa pinto.
"O-opo!" at natatarantang lumabas na siya sa silid na iyon.
PAGPASOK ni Portia sa loob ng classroom nila ay agad niyang sinampal ng malakas ang babaeng kaklase niya na nakasalubong niya. Aapela pa sana ang babaeng kanyang sinampal ngunit nang makita nito na siya ang sumampal ay nagmamadali itong lumabas ng room habang hawak ang pisngi. Maging ang lahat ng kaklase nila na nasa loob ay lumabas din kaya silang walo lang ang natira doon.
"Ahhh!!!" sigaw ni Portia habang isa-isang pinagsisipa ang mga arm chair.
"Portia, tama na!" ani Renz at pinigilan ito sa ginagawa.
Sinampal ni Portia si Renz habang ang iba ay nakamasid lamang. "Are you happy now, Renz?! Are you happy dahil sa ginawa sa akin ni Patrick?!"
"Portia, h-hin---"
"Stop!" humihingal na tumingin siya sa kawalan. "Humanda talaga sa akin ang Teacher Fely na 'yan. And you, Patrick, you'll regret this. I swear!!!"
Nakangising lumapit sa kanya si Aldous. Ito ay ang pinaka-bayolente sa kanila. "Maasahan mo ako when it comes to this, Portia."
"Do what you want, Aldous, pero leave that teacher to me!" aniya na may mga ideyang naglalaro sa kanyang isip.
NATIGILAN sa paglalakad si Teacher Fely sa hallway na nasa second floor ng school building nang makita niya na may makakasalubong siyang isang estudyanteng lalaki na may kulay pula na backpack. Parang ito iyong nakita niya noong nakaraang gabi.
"Ikaw si Teacher Fely, `di ba?" nagulat siya nang tumigil ito sa harapan niya.
"Ako nga. Sino ka?"
"Ako si Jorge. Magkatulad tayo. Bukas ka din kaya mag-iingat ka sa nakikita mo!" at ngumisi ito.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Mag-iingat ka..." at naglakad na ito palayo.
Hindi nakapagsalita si Fely. Anong ibig sabihin nito na bukas daw siya?
"SACHIYO, pwedeng magtanong?" ani Fely sa kaibigan. Kapwa wala silang klase nang mga oras na iyon kaya malaya silang nakakapag-kwentuhan. "May kilala ka bang teacher dito na ang pangalan ay Sir Gomez?"
Nanlaki ang mga mata ni Sachiyo. Tila nagulat ito sa tanong niya. "Paano mo nakilala si Sir Gomez?"
"N-narinig ko lang," pagsisinungaling niya. "Bakit? What about him?"
Lumapit pa sa kanya si Sachiyo at pabulong na sinagot ang tanong niya. "Mahigit isang taon nang patay si Sir Gomez."
"P-patay na siya?!"
"Oo. Natagpuan siyang patay doon sa girl's locker room. Basag ang bungo niya na para bang pinaghahampas iyon ng matigas na bagay. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nalalaman kung sino ang gumawa noon sa kanya. Sabagay, may pagka-manyak naman daw kasi iyon kaya ang haka-haka, pinatay ito ng isa sa mga namanyak nito."
Natigilan na naman siya sa kanyang nalaman. Hindi na pala niya kailangang hanapin si Sir Gomez dahil patay na ito. Kahit papaano ay nabawasan ang kanyang isipin. Ang kailangan na lang niyang gawin ay alamin kung saan dinala ni Sir Gomez ang katawan ni Ruvina. Pero paano niya iyon gagawin kung patay na pala ang kaisa-isang susi sa kanyang paghahanap?
"HELLO, Teacher Fely!" isang estudyanteng lalaki ang lumapit kay Fely nang palabas na siya ng faculty room. Papunta na siya sa sunod na subject niya.
Hindi pamilyar sa kanya ang mukha nito kaya kanya itong tinanong. "Sino ka?"
"Ako po si Miggy, second year high school. Pinsan po ako ni Kuya Jorge. Pinapatawag ka niya po sa may balon," anito.
"Balon? Saan?"
"Doon po sa likod ng Music Room..."
Nagtataka man ay nagtungo siya sa sinabi nitong lugar at nakita nga niya si Jorge na nakadungaw sa gilid ng balon at tila meron itong tinatanaw doon. "Jorge, bakit nandito ka? Pinapunta mo daw ako dito."
Tiningnan siya nito. Blangko ang mukha at walang emosyon na mababanaag sa mga mata nito. "Nakakakita ka rin. Nakikita mo rin sila, diba?"
Bahagya siyang lumapit dito. "H-hindi kita maintindihan. Ano bang ibig mong sabihin."
Sumilip itong muli sa balon. "Alam kong may hinahanap ka," sabay ngisi nito at iniwan na siya nito.
Gusto man niya itong usisain pa ngunit male-late na siya sa tuturuan niya. Bago umalis sa lugar na iyon ay sinulyapan muna niya iyong lumang-lumang balon at hindi niya alam ngunit nagtaasan ang kanyang balahibo!
"KADIRI naman ang Teacher Fely na iyan! Biruin mo na maka-affair niya ang isang student? Yuck!" maarteng turan ni Lala.
Nasa rooftop na naman sila maliban kina Emielyn at Jade na inutusan ni Portia para bumili ng pagkain.
"At hindi lang basta student... Iyong student pa na super crush ni Portia, `di ba?" sabay hagikhik pa ni Patricia.
Binato ni Portia ng kanyang hawak na aklat si Patricia. Sapol ito sa dibdib. "Aray! Magkaka-breast cancer ako sa s**o, eh!"
"Gaga! Bakit malamang sa s**o! Bakit nagkaka-breast cancer ba sa puson?" ani Lala.
"Ayokong binabanggit niyo pa ang pangalan ng Patrick na iyan!" galit na sabi ni Portia. "I don't like him anymore. After what he did to me? Pinahiya niya ako! From now on, kasali na siya sa listahan ng mga ibubully natin!"
"Sigurado ka Portia?" tanong sa kanya ni Aldous.
"I am damn so sure!" pinal na sagot niya.
NAGULAT si Fely nang may taong biglang humila sa kanya nang papaliko na siya sa hallway. Dinala siya ng taong iyon sa isang classroom. Dahil uwian na ng oras na iyon ay wala ng mga estudyante roon. Sisigaw sana siya ngunit mabilis na natakpan ng kamay nito ang bibig niya. Isinandal siya nito sa blackboard at nanlaki ang mata niya nang makilala niya ang humila sa kanya.
Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa bibig niya. "Patrick?! A-anong ibig sabihin nito?"
"Teacher Fely, mahal na mahal po kita!" mabilis nitong sabi.
Umiling siya. "Hindi mo ako pwedeng mahalin, Patrick. Guro mo ako!"
"Wala akong pakialam!"
Magsasalita pa sana siya pero mabilis siyang hinalikan ni Patrick sa kanyang mga labi. Hindi na siya nakapalag dahil sa mahigpit nitong hinawakan ang dalawa niyang kamay. Hanggang sa madala na rin siya sa mga halik ng kanyang estudyante...