No Escape Continues

217 Words
Halos natutuyo ang mga luha ko araw araw sa kaiiyak dahil sa sakit at pangungulila na nararamdaman ko, isang taon kong pinagdusahan ang sobrang lungkot at paghihinagpis. Akala ko ngay hindi ko kakayanin ang bumangon ngunit sa tulong ng mga kaibigan at mga mahal ko sa buhay ay nakayanan ko ng pa unti unti. Akala ko ngay tuluyan ng naghilom ang sugat ng nakaraan ngunit Mali ako, my kirot parin sa ala alang naiwan saken, lalo na ngayon na nasa harap ko siya ngunit hindi ko maabot. Mistulang binuhay siya ng Dios ngunit ang kapalit ay ang pagmamahal niya saken. Kung totoo man ay sobrang sakit, Sanay pinatay nalang din niya sana ako nang wala sa aming dalawa ang labis na nahihirapan. Tulala akong pumasok sa aking silid, tumatango tango lang ako sa sinabe ng aking alaga hanggang siyay makatulog. Ang totoo ay wala akong naintindihan sa mga sinasabe niya, lutang ang isip ko. Hinayaan kong bumagsak ang bigat ng katawan ko sa malambot na kama. Kakayanin ko ba ang manatiling kasama siya rito ng tatlong buwan? na walang kiboan o walang komprontasyon? Na parang hindi ko lang din siya kilala ? Hanggang kailan ko kaya kayang pigilin? Pigilan ang sarili mula sa kahihiyan ng pagkompronta sa taong wala man lang ka alam alam sa kahibangan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD