Sammy's POV Nandito kami sa club na pag-aari ni Benavidez, ang Hot Dragon Club. Maraming tao at nakikita ko ang maraming kalalakihan na may nakaumbok na baril sa tagiliran nila. Ngayon pa lang ay nakikita ko na kung gaano kalaki ang sindikatong pinamumunuan ni Benavidez. Nakita namin si Josh sa isang sulok ng club na tumatawa ng malakas. Alam kong nakita niya kami pero hindi siya nagpapahalat na magkakilala kami. "This way sir," ani ng isang waitress na halos wala ng saplot sa katawan. Sumunod lamang kami sa paglalakad habang si Hugo ay sumisigaw at nakikisaya sa mga taong nanunuod sa isang dancer na nagsasayaw sa stage na may kaparehang lalake. Kung pagmamasdan mo ang magkapareha sa stage ay tila ba ito nagse-s*x sa harapan ng mga tao. nakarating kami sa pwestong ibinigay sa amin. Nau

