────⊱⁜⊰──── Isang tawag ang natanggap ni Sammy habang kumakain sila ng agahan ng kanyang kasintahan. "Sagutin ko lang ito babe," ani niya ng makita niyang si Marcus ang nasa kabilang linya. Ngumiti naman si Maricris at ipinagpatuloy na nito ang kanyang pagkain. "Hello, anong balita?" ani ni Sammy sa kabilang linya. "We found him, nandito siya sa Manila pero hindi namin nakikita ang nanay ni Maricris. Nakuha na rin namin ang resulta sa ginawang autopsy sa bangkay na hinukay at hindi ito nag-match kay Maricris. Ibang tao ito kaya maaari nga na buhay pa ang kanyang ina." wika ni Marcus kay Sammy. "May nagbabantay na ba sa bawat kilos ng ama -amahan ni Maricris?" ani nito sa kanyang kaibigan. "Maraming tauhan ang nagmamasid ngayon sa lugar at may mga tauhan din na nagmamatyag sa bawat

