NYELA'S POV: -- "COME on, I'll drive you home." anyaya ni Felix sa akin na agad kong sinang-ayunan. Sa bahay ng mga magulang ko ako hinatid ni Felix. Sumama na lang ako sa kanya pauwi dahil hindi naman niya alam na meron akong asawa. Dala ang paper bag na naglalaman ng mga libro na pinamili ko, nagpaalam ako kay Felix at saka ako pumasok sa loob ng bahay. Papadilim na nang magpasya kaming umuwi ni Felix galing sa mall. Napapakanta pa ako dahil sobrang saya ko na mabili ang librong matagal ko nang inaabangan kaya naman pagpasok ko sa bahay, nadatnan ko si Field at Drift na naglalaro sa sala. "Yo, kids." bati ko sa dalawa. Ni hindi man lang ako pinansin ng mga ito kaya bagsak ang balikat ko at mabibigat na hakbang ang ginawa ko para lang makalapit sa dalawa. Humarang ako sa harap ng tv

