NYELA'S POV: -- SA isang abandonadong gusali sa Makati ako dinala ng address na binigay sa akin ni Agent Frost. Pagkahinto pa lamang ng taxi na kinalulunaran ko ay agad ko nang binayaran si Manong at saka ako bumaba at nagpalinga-linga sa paligid bago umalis ang taxi. Nang masiguro kong walang kahina-hinala sa paligid, pumasok ako sa isang eskinita at dumaan sa isang sirang pinto at bumungad sa akin ang ilang tambak ng kahoy at mga bakal sa paligid. Tinungo ko ang isang pasilyo na malapit sa sirang elevator at saka ako pumasok doon at tumalon ako pababa sa loob ng sirang elevator. Nang lumapag ang paa ko sa sahig, walang kahit anong maririnig na ingay dahil para lamang akong isang balahibo na dumapo sa lupa. Inayos ko ang suot kong leather jacket na nakapitan ng alikabok at saka ako na

