NYELA'S POV: -- TUNOG ng alarm clock ang siyang nakapag-pa-gising sa akin kaya naman agad kong kinapa ang bed side table ko at walang atubiling binato ang alarm clock sa pader. Hindi ko natatandaang naglagay ako ng alarm sa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at mabigat pa ang talukap ng aking mata. Masakit din ang aking buong katawan at wala akong maalala kung ano ang ginawa ko kahapon. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nagsalubong ang aking kilay nang mapagtantong hindi ito ang kwarto ko. Itim na kurtina na siyang tumatabing sa bintana, study table, maliit na cabinet sa tabi ng kama, queen size bed na kulay pink ang beddings, walk-in closet at banyo. Bumaba ako sa kama at doon ko lang napagtanto ang suot kung puting t-shirt. At wala akong maalala na meron ako

