NYELA'S POV: -- ABOT-ABOT ang kaba ko nang makitang bukas ang lahat ng ilaw sa buong bahay ni Luca. Kaya nang maiparada ko ang motor sa labas ng bahay, agad akong umibis dito at inayos ang sarili ko at huwag ipahalatang may nararamdaman akong sugat sa aking tagiliran. Isinara ko pa ang suot kong leather jacket at pinatay ang earpiece maging ang GPS ko at micro chip na konektado sa computer ni Agent Frost. Napabuga ako ng hangin bago ako naglakad papasok ng bahay pero sa bawat hakbang ko para akong mawawalan ng ulirat. Pagkatapak na pagkatapak ko sa b****a ng pinto, tumambad sa akin si Luca na prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang nakadantay ang braso nito sa sandalan ng head rest at may hawak itong kopitan na merong lamang alak. Habang si Galen, nakatayo lamang sa gilid kung saan na

