Kabanata 33: Bespren

1423 Words

NYELA'S POV: -- MAS pinili ko na lamang na pumunta sa headquarters namin kaysa umuwi sa bahay ng mga magulang ko dahil sigurado akong hahanapin ako ni Luca doon. Ayaw ko naman na malaman ning may gripo ako sa tagiliran at nag-away kami ni Luca. Baka ibitin lang ako ni Dad ng patiwarik dahil sa pagiging sutil ko. Nang bumukas ang elevator, sumalubong sa akin ang mga abalang tao at si Doc Sanchez ang unang nakapansin sa akin. "Agent Nyebe, what brought you here and why you look pale?" aniya na parang nakakita ito ng multo o kaya naman ay isang himala na muli akong napadpad sa head quarters namin. "P-Pwede bang gamutin mo muna ang sugat ko? Baka tuluyan na akong mawalan ng dugo sa katawan." Pinakita ko pa kay Doc Sanchez ang tagiliran ko at napailing na lang ito. "Sumunod ka sa akin."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD