NYELA'S POV: -- SA isang magarang silid, napadpad kami nina Chichirita at ng babaitang mukhang espasol para maglinis sa nasabing silid. Gaya ng utos ni Tiny Beast, naghiwa-hiwalay ang mga kasambahay at kani-kaniyang toka sa buong mansyon. "Doon kayo sa c.r, ako rito sa kama." utos ni babaeng espasol. "Wow? Si Miss Macy ka ba para utusan kami?" pagtataray ko kay espasol. "Gawin mo na lang kung ayaw mong matagalan tayo. Nagugutom na ako." Napangiwi na lang ako at inirapan siya at saka ko hinila si Chichirita patungo sa banyo. "Bakit ang init yata ng ulo niya sa'yo?" usisa ni Chichirita sa akin nang maisara niya ang pinto ng banyo. "Ewan ko sa babaeng espasol na 'yon. Maglinis na lang tayo." sagot ko. Nagkibit-balikat na lamang si Chichirita at saka kami nagsimulang maglinis. Ni mins

