NYELA'S POV: -- NAKAPANGALUMBABA lang ako sa upuan habang nakatitig sa ginagawa ni Frost na abala sa pagtipa ng keyboard at paggawa ng codes para sa security system ng Blizzard. "Hindi ka ba nahihilo dyan sa ginagawa mo?" basag ko sa katahimikan naming dalawa. Kami lang ni Frost ang nasa loob ng intel at walang sinuman ang pwedeng pumasok nang walang pahintulot. Delikado naman kung may ibang pumasok sa teritoryo ni Frost dahil hawak niya ang buhay naming lahat at siya lang ang nakakakita sa ginagawa namin araw-araw. "Not really since I am enjoying this." tipid na sagot naman nito. Napanguso na lang ako at saka isinandal ang aking mukha sa ibabaw ng aking braso at nagkukuyakoy ang aking paa dahil sa boredom na nararamdaman ko. Sa loob ng halos dalawang linggo na pananatili ko sa headq

