NYELA'S POV: -- MAAGA pa lang ay hindi na magkandaugaga ang mga tao sa beach house na kinaroroonan namin at halos magsalubong ang kilay ko paglabas ko ng kwarto dahil tila nagkakaroon ng komusyon sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko doon ang pamilya ko na nag-aalmusal. "Bakit parang nagkakaroon ng komusyon sa bahay na 'to?" usisa ko bago ako naupo sa tabi ni Kuya Flake na umiinom ng kape at may binabasa sa Ipad na dala nito. Malaking Business Ads ang nakita kaya napailing na lang ako dahil sa pagiging workaholic nito. "It's their usual scenario, Nyela since it's your wedding day." sagot ni Mommy sa akin. "Hindi naman ako royalty para magkagulo sila ng ganyan." naguguluhang sambit ko. "Kumain ka na lang." Napanguso ako sa sinabi ni Dad kaya wala akong nagawa kund

