Kabanata 19: Batangas

1671 Words

NYELA'S POV: -- MAALINSANGANG hangin ang siyang sumalubong sa amin nang mapadpad kami sa port kung saan naghihintay ang mga barko. Alas tres na nang hapon pero heto kami at nasa byahe pa rin. Pero hindi kami sasakay ng barko. Lumapit si Daddy sa isang rest house at nagtanong doon. "Saan ho ang papuntang Isla Verde?" ani ni Daddy. "Isang sakay lang ho 'yon ng bangka. Kayo ho ba ang bisita ng mga West?" ani naman ni Manong at mukhang sanay na ito sa mga turista dito sa Batangas. "Yes, kami nga." "Naku, tamang-tama at ako ang napagtanungan ninyo. Kanina ko pa ho kayo hinihintay, Sir." Lumabas ang lalaki sa rest house at saka ito naglakad papunta sa isang yate na siyang naghihintay sa amin. Meron nakaukit na family crest sa gilid ng yate at malaking pangalan na West sa kabilang bahagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD