Episode 2

2569 Words
NEMA: Itinirik ko ang mga mata ko sa taas habang tinitingnan ang mga babaeng kapwa ko estudyante habang nagtitilian sa parking lot ng Univesrity kung saan ako pumapasok.. Akala mo naman artista ang pinagkakaguluhan nila.. Huminto ako at sinuri ang mga nasa crowd.. Anyare? Sumikat ba ang araw sa kanluran? Wala yata sina Charmaine at mga alepores niya sa grupo ng mga kababaihang halos maglupasay na sa kilig dahil sa nag iisang tao lang naman.. Sino pa ba ang tinitilian ng mga babae at baklang estudyante dito sa Univesrity? Iisang lalaki lang naman ang kinababaliwan ng lahat pwera lang sa akin. Ang suplado,antipatiko at babaerong ubod ng yaman at sikat na Varsity Player.. At nag uumapaw sa s*x appeal, aminado ako doon,Ang anak ng biliyonaryong si Michael John Lorenzo lang naman.. Si John Andrie Lorenzo.. Napapailing ako habang umiba ng daraanan..makakasalubong ko kasi siya kasama ng mga nagtitiliang mga kababaihan na pilit siyang hinahabol.. Hindi ko na isasama sa mahabang listahan ng mga babaeng nagkandarapa sa kanya ang pangalan ko.. Such a waste of time.. Ako ang klase ng taong di mag aaksaya ng panahon sa mga bagay na alam kong malabo at di pwedeng mangyari.. Kung gusto kong mangarap yung alam kong may katuparan at may chance na magkakatotoo.. John Andrie is such a illusion in the real world.. Sa mga katulad ni John Andrie..para ka lang nag iilusyon na mapapansin ka niya.. Sa panaginip mo lang pwedeng makasama ang katulad niya.. In reality..suntok sa buwan kung maaabot mo at makakapasok ka sa mundo nito... Nailing uli ako..habang ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa locker room.. Mga taong mababaw ang kaligayahan..kulang na lang sambahin ang lalaking iyon.. Mag susummer break na kaya ang mga estudyante di na ganon ka busy at ang free time nila inilalaan na lang sa pagpapantasya kay Lorenzo.. Ito na ang huling semester ko sa sikat at private University na ito. Hinihintay ko lang na matapos ang mga grades ko.. Nagrequest na ako sa registral Office..para sa madaliang pagbibigay sa akin ng TR ko.. Walang nakakaalam kahit na sino man pero Confirmed na ang Ticket ko papuntang Amerika sa susunod na linggo.. Finally..napapayag narin ako ni Auntie Arlene na sumunod sa kanya sa State.. Kung buhay pa si Lola..never akong papayag na sumunod kay Auntie...pero dahil wala na siya..wala na akong maidadahilan pa sa kanya..at isa pa siya ang nagpapaaral sa akin.. Kailangan kong sumunod sa gusto niya.. Honestly,ayaw kong manirahan sa ibang bansa.. Mahirap makibagay sa kultura ng ibang lahi.. Pero do i have any Choice? Kaya ako nakakapasok sa exclusive and private University na ito..ng dahil kay Auntie.. Malaki ang ang sahod ni anti sa state.. Bilang Finance Consultant sa isangma malaking Investment Fund Company sa NYC Siya ang may gustong dito ako pumasok noon.. She said,she wants a best for me.. kung ako lang ang masusunod..mas gugustuhin ko pa sa public University Like PUP.. Mahirap makibagay sa mga estudyante sa University na ito.. Halos karamihan sa mga nag aaral dito mga anak ng mayayamang tao sa Pilipinas.. Anak ng businessman,Artista at kilalang politician... Tulad ng isa sa mga kaibigan ko..si Charmaine Lozada..nag iisang anak ng sikat at mayamang congressman.. Ang totoo napipilitan lang akong sumama sa grupo ni Charm.. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit tinulungan ko pa siya noon ng minsang masira ang sasakyan niya sa mismong parking lot ng school.. Simula noon kinulit na niya ako ng kinulit.. Ok naman si Charmaine.. Medyo mabait at galante.. Bukod doon maganda at sexy pa..pero hindi nga lang biniyayaan ng utak.. Kahit ganon nagpapasalamat parin ako sa kanya..dalawang beses niya akong sinagip mula sa kamuntik ng di pagbabayad ng tuition fee dahil nalate ang pagpapadala ni Auntie ng pera sa akin.. Nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko... Mabilis kong tiningnan kong tama ang hinala ko kong sino ang may ari ng message.. Where are you? Message mula kay Charm.. Gusto ko ng umiwas sa kanila Sa totoo lang di ako comfortable na kasama sila.. Mahirap makibagay sa mga rich kids..minsan nakaka out of place silang kasama.. Locker Room Maikli kong reply. Can you come Nemy.I'm so down right now Napabuga ako ng malakas na hangin Ano na naman ang drama ni Charm? ang akala ko nagsasaya siya ngayon dahil natupad na ang matagal niyang pangarap Ang makadate si Lorenzo Last week halos himatayin siya ng pinagbigyan ni Lorenzo ang kahilingan niyang Dinner Date at kagabi nga iyon nangyari.. Tapos ngayon may "Im so down pa siyang nalalaman ngayon?" Ilang buwan din niyang kinukulit ang lalaki kaso parati siyang tinuturn-down Mabilis kong inilagay sa backpack ko ang mga natitira kong gamit mula locker ko... I'm leaving next week..kaya unti-unti ko ng tinatanggal ang mga gamit ko mula sa locker ko.. Maliban sa grupo nina Charm..wala na akong ibang kaibigan sa School. Pero never kong binanggit sa kanila ang balak kong pagsunod sa kay auntie Arlene sa State..di naman kami ganon ka close..napipilitan lang akong sumama sa kanila dahil sa pagtanaw ng utang na loob kay Charm.. Ilang beses kong tinangkang ibalik sa kanya ang perang hiniram ko pero ayaw niya... Hindi ako loner na tao.. pero aral at bahay lang ang pinagkakaabalahan ko.. Mas gusto ko pang tumambay sa Talyer ni Kuya Lando...at tumulong sa pagkukumpuni ng mga sasakyan kaysa maglakwatsa kung saan saan.. Maliit pa lang ako..interesado na akong malaman ang ibat-ibang parte ng sasakyan..dahil siguro katabi lang ng maliit ba bahay ni Lola ang Shop ni Kuya Lando.. Kaya kinalakihan ko na ang ganung klase ng trabaho na nakikita ko araw-araw... Gusto ko sanang kuning kurso noong nagpa endroll ako last year..Mechanical Engineering pero ayaw ni Auntie..panlalaking kurso daw iyon.. Gusto niya..related sa Information Technology ang kursong matapos ko. Pero ayaw ko hindi ako masyadong mahilig sa mga latest Technology..kaya napagkasunduan naming Architecture na lang ang kunin ko.. Muling nagvibrate ang Phone ko.. Ito ang isa sa mga ayaw kong ugali ni Charm.. Minsan masyado siyang bossy at demanding.. Kung ano ang gusto niya dapat nasusunod kaagad.. Hindi ako katulad ng iba niyang mga kaibigan na sa isang salita lang niya sumusunod kaagad.. May prinsipyo akong tao. Sarili ko lang dapat magdikta sa akin.. Ayaw na ayaw ko ang pinapasunod ako ng ibang tao.. Napilitan lang akong sumunod kay Auntie dahil wala na akong mapagpipilian..siya na lang ang natitira kong kamag-anak.. At isa pa wala na si Lola.. Yun ang napagkasunduan namin ni Auntie na tatapusin ko ang huling semester ng taon na ito..at kailangan ko ng sumunod sa kanya sa Ohio at doon na ipagpatuloy ang pag aaral ko.. Kung si Auntie Arlene lang ang masusunod noong umuwi siya dito sa Pinas ng mamatay si Lola..gusto na niya akong isama pabalik ng Amerika pero mariin akong tumanggi..ang katwiran ko..tatapusin ko na muna ang huling semester ng taon na ito.. Nemy..We are in the Canteen..come because I need your help..Asap Nakakairita talaga ang pagiging bossy ni Charm minsan.. Ano na namang tulong ko ang kailangan niya? Imposible namang financial..alam naman niyang di ako kasing yaman nila.. Nakapag aral lang ako sa exclusive and private University na ito dahil may auntie akong sinuwerte sa Amerika.. I'm Just an Orphan Nema with an excellent grades.. Rather than that...I have nothing compared to them.. Napilitan akong pumunta sa Canteen.. Well anyway..ilang araw na lang naman diko na sila makikita.. Siguro di na masama kung pagbigyan ko si Charm sa ano mang tulong na kailangan niya sa akin.. May Malaking utang na loob din naman akong dapat bayaran mula sa kanya.. Napatingin ako sa malaking nakasabit streamer sa entrance ng Gymnasium.. May friendly game pala bukas ng gabi dito sa Gym.. Sigurado na ako mapupuno ng tilian ng mga kababaihang fans ang boung Gym bukas ng gabi.. Inilibot ko ang paningin ko sa boung school ground.. Kahit papaano mamimiss ko ang lugar na ito thats for sure.. Huminga ako ng malalim bago ko ipinasyang pumasok sa Canteen.. ❤️❤️❤️ "What happened to her?" Tanong ko sa dalawang kaibigan namin ni charm. Umiiyak kasi ito at inaalo naman nilang dalawa.. Tumingin sa akin si Charm..may mumunting luha sa kanyang mga pisngi.. "Nemy, It's John Andrie" "Bakit anong ginawa sayo ni Lorenzo?" "He..he.. broke my heart" Napalatak ako sa drama ni Charm..expected ko ng mangyayari iyon Sa kilos at pananalita pa lang ng lalaking iyon..mahahalata ng wala talaga siyang gusto kay Charmaine.. Masyado lang talagang manhid itong si Charm at di man lang iyon nahahalata Napabuntong hininga ako..at humila ng isang upuan...kahapon halos nakalutang sa cloud Nine si Charmaine sa sobrang saya.. Boung linggo lang naman silang topic ng boung school..dahil ipinagkalat ni Charmaine na sila ng dalawa ni John Andrie..pero ngayon mukhang natapos na ang isang linggong pag ibig sa pagitan nilang dalawa.. "Akala ko ba nag dinner date kayo kagabi? Anong nangyari?" Walang ganang tanong ko.. "Sinabi niyang ayaw niya sa akin at never na magiging kami..not even in my dreams" "Oh tapos anong sinabi mo?' Di ito sumagot at tiningnan lang ako.. "He said...he like one particular girl" Di na ako nagtataka sa rason ni John Andrie..kilala namang matinik sa babae iyon Kaso lahat ng nalilink ditong babae kilalang model o di kaya artista..wala pa akong nababalitaang may nagustuhan at naging girlfriend dito mismo sa University. Pero napangiwi parin ako..napakabrutal naman ni Lorenzo..wala man lang pagpapahalaga sa damdamin ng babae.. Pero kasalanan din naman ni Charmaine..aware naman siya sa pagiging antipatiko at conceited ng lalaking iyon pero bakit pilit parin niyang isinisiksik ang sarili niya doon.. "Charm..maganda ka naman at mayaman..marami namang guwapo at mayaman na nagkakagusto sayo..bakit di nalang isa sa kanila ang patulan mo..instead na pinagmumukha mong kawawa ang sarili mo ng dahil sa lalaking iyon" "Yon na nga ang ikinagagalit ko..maganda naman ako at mayaman pero bakit mas nagustuhan niya ang isang babaeng basura lang dito sa University" "Do you mean..kilala mo ang babaeng gusto ni Lorenzo?" Di ito sumagot...nagkatinginan silang tatlo.. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila..alam ko may laman ang mga tinginan nila sa isat-isa.. Pero mabilis na ngumiti ng pilit si Charm at hinawakan ang kamay ko.. "No..hindi ko kilala..pero I'm sure..she is a trash..compared to me...at di ko basta-basta matatanggap ang ginawa sa akin ni John Andrie..kailangan kong makaganti" Huminga ako ng malalim kung tutuusin wala naman siyang dapat ikagalit..siya ang pilit na nagsusumiksik sa lalaking iyon at may ganti ganti pa siyang nalalaman ngayon.. Dahan-dahan akong tumayo mula sa upuan ko Wala akong time na makinig sa drama ni Charm..marami pa akong kailangang ayusin. I thought something big happened kaya nagkakaganon siya.. "Where are you going Nemy?" "I have to go..may tatapusin pa akong term paper..bukas na ang deadline nun" Hinawakan ni Charm ang kamay ko at hinila paupo.. "No..sit back..We need your help for my plan" Wala akong nagawa kung di umupo uli kahit naiinis na ako.. "What plan?" "Plano kung pag ganti kay Andrie" Binigyan ko siya ng di makapaniwalang tingin..akala ko biro lang niya yung sinabi niyang revenge..totoo pala iyon. "Charmaine..seryoso ka sa mga sinasabi mo?" "What do you think nagbibiro ako? Nemy..we are best friends and I'm always there for you..when there's a problem and when you need my help right? Di ako sumagot..alam ko hindi ko magugustuhan ang susunod na pag uusapan namin.. "Charm...Just tell me directly what do you want?" Seryoso kong tanong sa kanya.. Tumayo ito at pumunta sa likod ko..hinawakan niya ang dalawang balikat ko..at pinisil ito.. "Nemy..I need your help for my little revenge" Sinasabi ko na nga ba eh. Napabuntong hininga ako..Ano pa nga ba ang magagawa ko..ayaw ko namang sabihin niyang wala akong utang na loob...kahit papaano may malaking naitulong naman sa akin si Charmaine.. "Ok..What can i do for you?" Pumalakpak ito at tumawa habang niyayakap ako sa likod.. "Thank you Nemy..i know di mo ako matatanggihan" "Woah..stop there woman!..sabihin mo muna kung ano ang maitutulong ko" Mabilis itong bumalik sa upuan nito at tumingin sa akin ng diretso..samantalang nakatingin at nakikinig lang sina Mia at Donna sa amin.. "Napag alaman ko kasi na ang pulang Lamborghini ni Andrie ang pinakapaborito niya sa lahat ng sasakyan niya bukod dun regalo yun ng daddy niya sa nalalapit niyang graduation" "Ohh..so..ano ang kinalaman ng sasakyan ni Lorenzo sa sinasabi mong revenge?" "Malaki ang kinalaman nun Nemy..dahil dun tayo gaganti" "What? alam mo ba pinagsasabi mo Charmaine?!" Nababaliw na yata itong si Charmaine Lozada.. Alam ba niya magkano ang halaga ng ganung klaseng saaakyan? Morethan 20Million pesos lang naman.. "Are you Crazy?! do you know how much the price of that Car Charm?" Ngunit ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay ko.sabagay sa katulad niyang mayaman..walang halaga ang ganun kalaking pera.. "I know..worth of 20 Million or more lang naman..kaya nga dun tayo gaganti para mas worth ang revenge na gagawin ko sa kanya" "At ano naman ang gagawin mo sa sasakyan ni Lorenzo?" "Huwag kang masyadong mag worry Nemy..di naman totally masisira ang sasakyan ni Andrie..minor lang ang magiging damage right girls?" Kumindat siya kina Donna at Mia na tumango lang ng sabay.. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo.. "Simple lang naman bubutasin lang natin ang apat na gulong ng Lamborghini ni Andrie at ikaw ang gagawa nun Nemy..since ikaw ang expert pagdating sa sasakyan" "What?! no! I can't do that" Mariing tanggi ko..napataas pa ang boses ko..saka ko lang narealized na pingtitinginan na kami ng ibang estudyante sa canteen.. Pero di ko napigilan ang sarili ko...napakadelikado naman ng ipapagawa ni Charm sa akin..Nababaliw na ba siya? "Dont worry Nemy..kami ang magiging look out mo..at isa pa gabi naman natin gagawin iyon sa parking lot..sa kasagsagan ng game ni Andrie bukas ng gabi" Patuloy parin ang pag iling ko..i can't agree on this ridicuolus thing at all.. What if nahuli kami? Saan kami pupulutin?Napabuntong hininga ako ng malalim.. "I'm sorry Charm..but i cant do that..what if mahuli tayo? saan tayo pupuluting lahat?" Muling tumayo si Charmaine at lumapit sa akin..hinawakan niyang muli ang dalawang balikat ko at pinisil.. "Don't worry Miss Nemalyn Sandoval..Pag nagkataong nahuli tayo..di naman kita pababayaan..remember my Dad is a powerful Politician at isa pa mag iingat naman tayo eh" I took a very deep breathe.. I know this is wrong..and I'm afraid about this whole things.. "Come on Nemy..i really need your help..di ako matatahimik hanggang di ako nakagaganti sa lalaking iyon..di ka man lang naaawa sa akin? pinagmukha niya akong tanga kagabi sa restaurant..he leave me behind in the middle of our dinner.." Di ako umimik..in the first place..kaya nangyari yon sa kanya dahil kasalanan naman niya iyon..she asked the dinner date.. siya ang nagpumilit noon.. "Charm..I'm afraid about this.." "Nemy...Wala tayong dapat ikatakot..pag nagfailed itong gagawin natin..di naman kita pababayaan ah" Tumingin ako sa kanya ng diretso..mahirap um-oo sa isang bagay na alam kong ikakapahamak naming lahat.. "Look Charm..let me think about this ok?" "What? Nemalyn..Just say yes..We are running out of time..bukas na nang gabi ang game" Dahil nakukulitan narin ako sa kanya.. Napilitan akong tumango.. Bahala na..iisipin ko na lang na nagbabayad ako ng utang na loob sa kaniya kahit alam kong isang malaking kamalian itong ipinapagawa niya sa akin.. "Thank You Nemy..isa ka ngang true friend" Niyakap niya ako.. Naiiling na napapangiti na lang ako..pero sa deep inside..Kinakabahan ako sa posibleng kababagsakan ng gagawin namin.. Hindi basta-bastang tao ang involve sa kalokohang ipapagawa sa akin ni Charmaine.. Ipagdarasal ko na lang na sana..magtagumpay kami at hindi kami pumalpak dahil pag pumalpak kami...di ko alam kung ano ang mangyayari sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD