Episode 3

3238 Words
Andrie: Napapasipol pa ako habang tinatahak ko ang Pathway mula Gymnasium papunta sa Library... Kakatapos lang ng Practice namin at nagbigay ng konting briefing si Coach sa amin para sa Friendly Game na gaganapin dito sa school mamayang gabi.. Sasaglit lang muna ako sa library may hahanapin lang akong isang book para sa term paper na di ko pa natatapos... Finally..nabawasan narin ang nangungulit sa akin..di ko na kasi nakita ang pagmumukha ni Charmaine Lozada ngayong araw..alam ko sapol siya sa ginawa at sinabi ko sa kanya last night.. Served her right...although diko nakuha ang pinaka-pakay ko kaya ako pumayag sa dinner date namin..may paraan pa naman.. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa malaking library ng University..nakita ko na ang mga studyanteng nasa akin ang mga mata.. Lalong lalo na ang mga babaeng studyante..yung iba nakatingin lang at yung iba napapasinghap.. Sanay na ako sa ganoong eksena simula ng pumasok ako dito sa University na ito mag aapat na taon na ang nakakaraan.. Kung ang iba siguro matutuwa,ako naman naiinis na sa kawalan ko ng privacy..kung hindi lang kami dito sa Library baka kanina pa ako nilapitan ng mga iyan Nagmamadali kong hinanap ang Economic Section ng Library..hihiramin ko na lang ang book at sa Condo Unit ko na lang babasahin.. Habang nasa Spain sina Mommy at Daddy, sa Condo unit na muna ako namamalagi..saka na ako uuwi sa bahay pag dumating na sila. . Mabuti pa ang twin sister ko nabubuhay ng normal at tahimik sa ibang bansa.. Samantalang ako..mula ng magkaisip ako..naging paborito na yata ako ng press na sundan-sundan... Nag artista na lang sana ako para naging sulit ang kawalan ko ng privacy.. Napailing ko sa nasa isip ko..I can't imagine my self..acting in front of camera.. I'm too busy searching..the book when suddenly i heard a not so loud voice from another section of the library.. "Look..Charm..Hindi parin ako kumbinsido sa gagawin natin" Pabulong lng yun pero umaabot sa pandinig ko.. "What? No di ako pwede.may tatapusin akong Term paper..sinabi ko naman sa inyo kanina diba?" "Look charm bahala na kayong mag plano kung ano gagawin sa sasakyan ni Lorenzo..sabihin na lang ninyo sa akib ano magiging papel ko sa gagawin nyong kabaliwan..tulad ng sinabi ko tutulong ako at gagawin ko part ko..Sige na.i have to go..bye" Di ko mapigilang di mag isip.. Charm.. Sasakyan ko.. Kabaliwang gagawin.. Lorenzo... Hmm..That's smell Fishy... Dahan-dahan akong naglakad sa dulong bahagi ng kinatatayuan kong section..maingat akong sumilip sa kabila kung saan ko narinig ang boses.. Tama ang kutob ko.. It's Her.. Charmaine's Friend.. Si Miss Snob. Nakaupo siya sa sahig at may hawak-hawak na libro ang kaliwang kamay niya while ang kanan may hawak na phone.. She look so good while sitting on the floor with her usual get up.. Faded denim jeans.. And her rugged all star shoes.. Mabilis kong kinuha sa bulsa ng bag ko na nakasabit sa balikat ko ang Phone ko.. Maingat ko siyang kinunan ng Picture.. Pagkatapos dahan dahan akong naglakad papalapit sa kinaroroonan nya... Ni hindi niya napansin ang mahihina kong mga yabag..nasa binabasa nito ang boung atensyon nito.. Gusto kong matawa sa sarili ko.. Kailan pa ako naging instant Paparazzi? Di ko alam kong bakit ko siya nilapitan.. Should i ask her the thing i've heard from her mouth while ago? Paano ko itatanong sa kanya iyon? Although something wrong on her words...di naman ako sigurado doon.. Pwede ring pasimple akong lumapit sa kanya at makikipagkilala.. Simula noong una ko siyang makita sa Parking lot 3 months ago kasama sina Charm,Na nakasandal sa isang sasakyan at walang kabuhay buhay na tinitingnan lang kami habang kinukulit ako ni Charmaine..naging interesado na ako sa kanya... She Look so cute even on her annoyed face back then.. Wow..gusto kong batukan ang sarili ko dahil ilang minuto na akong nakatayo dito at ilang hakbang lang sa kinauupuan niya pero wala akong maisip na tamang approach ko sa kanya.. And still she look so busy on reading..she didn't even noticed my presence..parang wala siyang pakialam sa mundo.. Back to your senses John Andrie! She's just an ordinary girl.. Napangisi ako ng may maisip na kalokohan para makuha ko ang atensyon niya.. Maingat akong naglakad sa tabi niya..at walang kaabog abog akong kumuha ng aklat mula sa bookshelved at pasimpleng ibinagsak sa floor.. Awtomatiko siyang napatingin sa akin "Oppps! I'm sorry" Nakangiti kong sabi sa kanya at pinulot ang aklat na nahulog ilang pulgada lang ang layo sa kinauupuan niya.. Nakita ko ang sandaling pamimilog ng mga mata nito habang nakatingin sa akin.. Di ko alam kung bakit ganun ang ekspresyon ng mata niya? dahil sa gulat ng pagbagsak ng aklat sa tabi niya o dahil nakilala niya ako. Mabilis nitong dinampot ang mga gamit sa tabi nito at isinabit sa likod nito ang backpack nito at agad na tumayo.. "Excuse Me" Tumalikod na ito..at walang lingon itong naglakad.. Pero agad ko siyang sinundan.. "Hey..Miss can you stop" Pero parang wala itong narinig mas lalo nitong binilisan ang hakbang nito.. But I'm not going to give up that easily.. Mabilis ko rin siyang sinundan.. "I said stop right there Miss..I want to ask you something" Bigla itong huminto at humarap sa akin..nasa gitna na kami ng library at aware akong sa amin nakatutok ang boung mata ng mga estudyante.. "What do you want?" Nasa mukha nito ang iritasyon ..di na ako magtataka doon..baka alam na nito ang ginawa ko sa makulit niyang kaibigan.. Ngumiti ako at humakbang ng tatlong beses palapit sa kanya.. "I just want to know your name Miss...By the way I'm John Andrie Lorenzo" Para akong tanga..alam ko namang imposibleng di niya alam ang pangalan ko..ultimong mga puno at halaman sa University na ito kilala ako..maliban na lang kung tama ang hinala kong isa siyang alien.. Huminga ito ng malalim at tiningnan lang ang kamay kong nakalahad. Pagkatapos tumingin sa akin ng dirertso.. Nagayon ko lang nakita ng malapitan ang Hazel eyes nitong ang sarap pagmasdan.. "Do you think..I am that stupid for not knowing your name?" "No..it's not like that Miss..i just want a proper introduction..you know" Nagpalinga-linga ito sa mga estudyanteng nakatingin lamang sa amin.. Pagkatapos tumingin itong muli sa akin ng diretso.. Damn! With that Beautiful hazel eyes of her.para akong hinihigop papunta sa pinakamalalim na emosyon na ngayon ko lang unang naramdaman sa boung buhay ko.. "Look Lorenzo..nakikita mo ba ang mga babaeng yan na nakatingin sayo ngayon...isa na lang sa kanila ang tanungin mo ang pangalan..i'm sure magkukumahog pang sabihin sayo ok?Ngayon pwede na ba akong umalis? Marami pa kasi akong importanteng gagawin..at wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay" Tumalikod na ito at mabilis na naglakad palabas ng library.. Ilang segundo akong Speechless.. standing dumbfounded in the center of library.. Wow!just f*****g wow! It's Confirmed! She's really an alien.. Huminga ako ng malalim at napangiti akong mag isa habang sinusundan siya palabas ng exit door ng Library.. She's f*****g Amazing! And challenging... Natigilan ako ng maalala ko ang narinig kong conversation niya sa Phone..No doubt si Charmaine ang kausap nito at base sa klase ng mga salitang narinig ko mula rito may plano silang di maganda laban sa akin..particularly sa sasakyan ko.. And I'll find out soon.. I have enough resources to know that.. Di ko na siya susundan..marami pa namang araw..kung tutuusin pwde ko namang malaman ang pangalan niya..kung gugustuhin ko talaga pero ang gusto ko ako ang magtatanong sa kanya at siya mismo ang magsasabi sa akin.. Last night..nang tanungin ko si Charmaine kung sino ang pangalan ng kaibigan niya..di niya ito sinabi sa akin..pero di na ako nag insist..Ako ang klase ng taong isang tanong isang sagot lang.. pag nagtanong ako at di ako binigyan ng tamang sagot..hanggang doon na lang iyon wala akong balak na ulitin pa iyon.. Ipinasya kong bumalik sa Economic section ng Library para hanapin ang aklat na sadya ko..Kailangan ko na munang sumaglit sa Condo Unit ko.. I need a proper rest para sa game namin mamayang gabi..Athough di ganun ka importante ang game na ito pero kailangan parin naming manalo.. Ito na ang magsisilbing Farewell Game ko bago ako tuluyang magtapos sa University na ito . ❤️❤️❤️ NEMA: Mga sampong minuto narin akong nakasandal sa isang kotse na nakaparking malapit sa Lamborgjini ni John Andrie Lorenzo..medyo madilim na ang bahagi ng parking lot na ito ng University may mga mangilan-ilang pang taong di nakakapasok sa gym..mamaya-maya papasok na rin ang mga ito sa loob pag nagsimula na ang game.. Nasa intrance ng gym sina Charm,Donna at Mia According to Charm last text.. Hininintay ko lang ang go signal mula sa kanila Pag nagsimula na ang laro doon na namin gagawin ang plano.. Nakahanda na ang lahat ng gagamitin ko sa pagbutas ng apat na gulong ng bagong-bagong kulay pulang Lamborghini ni John Andrie Lorenzo.. Salamat kay Kuya Lando at pinahiram niya ako ng mga gamit..tinatanong niya ako kanina kung saan ko gagamitin ang mga hiniram ko pero ang idinahilan ko may aayusin lang akong sasakyan ng isang kaibigan.. Mabait naman si Kuya lando lalong lalo na ang asawa niya.. Kaya kahit anong pabor ang hilingin ko sa kanila..di sila tumatanggi.. I really don't want to do this stupidity pero napasubo na ako..ang ipinagdarasal ko na lang di ako mahuli.. Mabuti na lang nakapark ang sasakyan ni Andrie Lorenzo malayo sa kinalalagyan CCTV kung hindi talagang wala akong kawala... Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin..nanlalamig ang mga kamay ko..sa totoo lang ninenerbiyos ako ng sobra... Minsan gusto ko ng mag back out sa kabaliwang ito..pero kilala ko si Charmaine...may pagka maldita pa naman iyon minsan dahil nga nag iisang anak ng isang maimpluwensyang pulitiko kaya ganun. Knowing her,Unica iha siya ng mayaman at powerful congressman. Siguro kailangan ko lang talagang mag ingat at bilisan ang bawat kilos ko para matapos na itong kalokohang ito para makauwi na ako.. Nagulat ako ng magvibrate ang Phone ko sa kamay ko.. Thank God..ang pinakahihintay kong message mula kay Charmaine. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone ko.. It's showtime Nemy..the game is just started..John Andrie is in the hardcourt now..Good Luck! Call me when everythings done Based sa mga naririg kong hiyawan sa loob ng gym..mukhang tama ngang nagsisimula na ang game.. Mabilis kong binura ang message at sa kasamaang palad na delete all ko ang lahat ng message sa Inbox ko pati mga message ni Anti arlene siguro dahil sa sobrang nerbyos..at saka bigla akong nairita..sa message ni Charmaine... Bakit ba ako nasuot sa kompromisong ito? Marahas kong ibinulsa ang Phone ko..Nandito na ito..kailangan ko nang panindigan.. It's now or Never.. Wala akong inaksayang sandali..maingat akong lumapit sa sasakyan ni Lorenzo.. Pero napahinto ako sa paglapit ng biglang sumagi sa isipan kong baka may emergency alarm ito? Imposibleng wala? Sa ganito kamodernong sasakyan talagang may alarm ito at oras na hinawakan ito sigurado akong tutunog ito at makukuha niya ang atensyon ng dalawang guards sa di kalayuan.. Bakit di ko naisip iyon? Ang tanga-tanga ko talaga! Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko Kinuha ko ang Phone ko..this is not gonna work at all Tatawagan ko na lang si Charmaine. Nakadalawang ring lang ang phone niya..agad ko ng narinig ang boses niya.. "Yes Nemy..Done?" "Are you kidding me Charm? I didn't even started..may problema tayo..Ngayon ko lang naisip na may Emergency alarm pala itong sasakyan..Pag hinawakan ito sigurado akong tutunog ang Alarm at mahuhuli ako ng dalawang guards sa di kalayuan" "So what do you mean by that?" Nasa boses nito ang iritasyon at disappointment.. "Charm..I'm sorry but I can't do it..mag isip na lang tayo ng ibang paraan para makaganti ka kay Lorenzo..pero hindi sa ganitong paraan masyadong delikado" "No,Nemy..itutuloy natin ito..nandyan kana..humanap ka ng paraan para makalapit ka sa sasakyan...I'm counting on you this time ok? I know you can do it" Napabuga ako ng hangin..kung hindi lang dahil sa malaking utang na loob ko sa kanya..hinding-hindi ako sasang ayon sa kalokohang ito.. Nagulat ako ng biglang nag-Flash ang ilaw ng sasakyan.. What's that?? Damn! di ko maintindihan kong para saan iyon? Isinarado ba o binuksan? Nagpalinga-linga ako? Nakiramdam ako sa paligid pero tahimik naman..Tanging sigawan lang sa loob ng Gym ang naririnig ko.. Mabilis kong pinatay ang tawag.. Tumayo muna ako ng ilang sandali,makikiramdam muna ako Wala naman akong naririnig na ano mang presensya ng tao sa paligid..baka guni-guni ko lang iyong flash ng light ng sasakyan kanina dahil sa nerbiyos ko..dahil sa sobrang nerbiyos ko...nag hahallucinate na yata ako... Humakbang ako ng dahan-dahan palapit sa sasakyan..sinipa ko ng mahina ang gulong..ang nasa isipan ko pag tumunog ang alarm nito tatakbo na lang ako ng mabilis at magtatago.. But to my surprise...walang alarm na tumunog.. Pakiramdam ko parang may mga anghel dela guardiyang nag aawitan sa paligid ko.. Wala akong inaksayang sandali..mabilis kong kinuha sa backpack ko ang rebar scarp at dahan-dahan akong lumuhod sa harapan ng gulong... Sinimulan ko ng gawin ang maitim naming plano..kasabay ng dasal na wag sana akong mahuli.. Napangiti ako ng maramdaman ko ang mahinang hangin na lumalabas mula sa gulong.. Naka isa na ako..expert ako sa ibat-ibang bahagi ng sasakyan kaya walang kahirap hirap para sa aking gawin ito.. Lagi ako tumatambay sa Mechanic Shop nina Kuya Lando..minsan pag walang klase tumutulong ako sa pag kukumpuni.. Pinunasan ko ang butil butil na pawis sa noo ko gamit ang kamay ko.. Three more to go.. Nakiramdam uli ako sa paligid..so far wala naman akong naririnig na kakaiba.. Mabilis akong lumipat sa isang gulong...wala akong inaksayang sandali kailangan ko ng matapos ang misyon ko.. Dahil mag kahalong nerbiyos at tuwa ang nararamdaman ko..di ko namalayang isa na lang ang kulang ko at makukumpleto ko ng butasin ang apat na gulong.. Sumilay sa mga labi ko ang ngiting tagumpay.. Nasa huling gulong na ako at butil butil na ng pawis ko hindi lang sa mukha ko kundi boung katawan ko ng ng bigla akong makarinig ng boses mula sa likuran ko.. "So,one more wheel..and Mission Accompished for Miss Sandoval right? Pakiramdam ko..nanigas ang bou kong katawan sa narinig ko.. Dear God help me,Katapusan ko na yata.. How I wish na bumuka na lang ang lupa sa kinalalagyan ko at lamunin na lang ako ng tuluyan.. Walang lakas kong nabitiwan ang hawak kong matulis na rebar scrap sa mga kamay ko.. Dahan-dahan akong lumingon at napalunok ako ng makita ko si John Andrie na nakasandal sa kotseng katabi ng sasakyan nito with his two folded arms in his chest.. He's wearing his Color Blue basketball Jersey.. Dahan-dahan itong lumapit sa akin.. Napaupo ako ng tuluyan sa lupa. pakiramdam ko nawalang lahat ang lakas ko.. "Wow,you're Quite Good on this thing Miss Sandoval" Nasa apat na sasakyan nito ang tingin nito.. Now what? I'm so Damn Busted and died.. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng Backpack ko.. I'm gonna Called Charmaine to inform her na nahuli ako.. Mabilis kong binuksan ang phone ko pero nagulat na lang ako ng biglang niyang hinablot sa kamay ko.. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingala sa kanya.. My God..ang dilim ng mukha nito..at mabilis niya akong hinawakan sa kanang braso ko.. Napilitan akong tumayo dahil nasasaktan ako.. Nagpumiglas ako..at pilit na inaalis ang tila bakal na mga kamay niya sa braso ko.. "Bitiwan mo ako..and give me my phone back" Di ito sumagot..sa halip hinila niya ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at ipinasok ako Mabilis itong pumasok at umupo sa driver's seat At ubod ng lakas niyang isinarado ang pinto ng sasakyan Kamuntik na akong mapasigaw sa gulat.. Pumikit ako ng mariin..nasaan na ba sila Charmaine? kailangang malaman nila ang nangyari.. "So..Miss Nemalyn Sandoval..or should i call you...The Orphan Nema,pwede na ba tayong mag usap..tungkol sa nagawa mong Krimen" Di ako makapag salita..How did he knew my name? At ano ba ang sasabihin ko? paano ko sasabihin dito na inutusan lang ako ni Charmaine para gumanti sa kanya at si Charmaine ang may pakana ng lahat ng ito.. Kailangan ko munang makausap si Charmaine kaya kailangan kong makuha ang phone sa kanya.. "Give me my phone back.and let me to talk to Charmaine first" Nanginginig ang boses kung pakiusap sa kanya.. Tiningnan lang niya ulit ako at tumawa ng mahina..habang umiiling.. "You mean..Charmaine Lozada?" "Ye...yes..kailangan ko munang siyang makausap so give me my phone back" "For what? to tell her that you're busted? Come on Miss Sandoval,wake up..Actually siya ang tumawag sa akin at nagsumbong na may nakita daw siyang umaali-aligid sa sasakyan ko,so here I am..tama nga siya..butas na ang tatlong gulong ng pinamahal kong sasakyan" Di ako makapaniwala sa sinabi niya..di ako pwedeng ipahamak ni Charmaine dahil pati siya madadamay rin.. "No...No..Way..di niya magagawa iyon dahil siya ang nag utos nito sa akin" "Yah..I know" Pasimple niyang sagot..nanlaki ang mga mata ko..alam pala niya ang lahat bakit hinayaan lang niya ako? "All along..you knew all about this?" "Uh..hmmm" Tango nito at sumandal ito sa upuan at huminga ng malalim..habang may sumisilay na ngisi sa mga labi nito.. Napapikit ako uli..di ko mapigilang mapabuga ng malakas na hangin.. Magkahalong nerbiyos at antipasyon ang nararamdaman ko.. Tama ang mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya.. Ngayon ko lang kasi napagmasdan ito ng malapitan dahil nga lagi akong nakadistansya o umiiwas sa lalaking ito.. John Andrie is so Adorable unang beses ko siyang nakitang ngumisi ng ganon at sa malapitan pa And I'm not gonna lie..He's damn handsome and Hot.. Bigla kong ipinilig ang ulo ko..Anong nangyayari sa akin? Bakit sumagi sa isipan ko iyon..On this tough situation? nagagawa ko pang mag isip ng kalandian... "Actually kanina pa ako dito,you didn't even noticed it I'm just there behind that car,watching over you" "Wha...what? then why you didn't try to stop me?" Pinanlakihan ko siya ng mata..This is ridiculous ? "I have my own reason" Nagkibit balikat ito at ngumisi tiningnan lang ako sa mukha.. "Wha..what reason?" Pinagsinop ko ang dalawang kamay kong malamig pa yata sa yelo.. "Oh come on..just stop asking Miss Sandoval..Whatever my reason..it's none of your Damn business...now can we talk about the damages you've done for my car? Shall we?" Bigla itong tumuwid ng upo at humarap sa akin.. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.. For sure..The jail is waiting for me now..biglang nadagdagan ang panlalamig ng bou kong katawan.. Ngayon ko narealized na parang set up ang lahat at ako ang biktima.. Hindi pala guni-guni ang Flash ng ilaw ng sasakyan kanina..talagang totoo iyon..sadya niyang binuksan ang sasakyan para ma off ang alarm nito.. Pero bakit niya ginawa iyon? May dahilan nga daw siya...giit ng kabilang bahagi ng isipan ko.. "Look Miss Sandoval..I'm going to give you two options for paying the damages for my sports car..ayaw kong isipin mo na wala akong consideration..so All you wanna do is choose between the two options ok" "Two Op...options?" Nauutal kong tanong...Nahuhulaan ko ng kahit saan man sa dalawang bagay na pagpipilian ko..alam kong di maganda ang dulot nun sa akin.. Sana lang kasama sa nasabing options na sinasabi niya... ang pagbabayad ng kahit magkanong halaga sa tatlong gulong ng sasakyan na butas na..dahil alam kong pag pinagbayad ako...si Charmaine na ang bahala..yun naman ang sabi niya sa akin bago niya ako napapayag na gawin ito.. Pero teka..diba si Charmaine mismo ang nagsabi sa kanya ng plano namin? Naguguluhan ako...kailangan ko talagang makausap si Charmaine.. Kailangan kong makiusap sa lalaking ito para ibalik niya sa akin ang Phone ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD