Line XVI

1935 Words
“Cadence… you’re here?” Nahilaw ang ngiti nito nang mapansin ang presensya ko. Napatango na lang ako at napangiwi kahit pa dapat ay ngingiti ako. Mahirap talagang maging plastik, ‘di ko kinakaya at lalong ‘di bagay sa ‘kin. “Hi, Lola! Happy birthday po!” Humalik ito sa pisngi ng katabi kong si Lola Aimee. May iniabot itong paper bag dito bago niyakap. “Nako, hija! Nag-abala ka pa!” Napalunok na naman ako. Nanlamig ang mga kamay ko sa hindi makatarungang pagkakainggit. Mukhang welcome na welcome si Ylona rito kahit nito lang siya lumipat… madalas kaya siya rito? Para kasing close sila ni Ate Chin… pati ni Lola… gano’n siguro kagaan ang personality niya kaya… kaya masaya rin si Aizel pag kausap siya… “Kanina ka pa? Where’s Aizel?” Umupo siya sa tabi ko at pinagtuunan ako ng pansin. Nasulyapan ko ang mga mata ni Ate Chin na nakamasid sa aming dalawa. “Uh, medyo… nasa—” “Ylona?” May kumurot sa puso ko nang marinig ko ang pagtawag sa kaniya ni Aizel. Hindi ko sigurado kung ako lang ba o parang may laman ‘yon. “Aizel!” Tumayo siya kaagad at lumapit sa kabababa pa lang ng hagdang si Aizel. Kumapit siya kaagad sa braso nito’t malambing na humilig sa balikat nito. Ugh! Bakit kailangan mong kumapit nang ganiyan kay Aizel? Ano ka, caterpillar? Ugh! Naalala ko na naman ang halikan nila sa kwarto ni Aizel! Walangya. Nakita ko ang pagkakatigil ni Aizel bago ako nilingon. Agad naman akong nagbitiw ng tingin sa kanila. Narinig ko ang tikhim ni Ate Chin. “You didn’t text me! Kung hindi pa ako t-in-ext ni Tita hindi ko malalaman na birthday ni Lola Aimee ngayon! Malapit na akong magtampo… halos isang linggo ka nang nanlalamig sa ‘kin… I missed you!” Napalunok ako ulit nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan. Ang mga pagdududa ko’y muli na namang nabubuhay. Paanong wala silang label sa asta niyang ‘yan? Tapos family dinner lang pero inimbita siya ni Tita… ano siya kung hindi siya girlfriend ni Aizel? Nanlamig ang sikmura ko sa mga naiisip. Malapit ko nang pagsisihan ang muntik kong paniniwala sa lahat ng sinabi niya kanina… Nasulyapan ko ang paghugot ni Aizel ng braso nitong yakap ni Ylona para sapuhin ang sariling batok. Bahagya rin itong humakbang palayo para gumawa nang kaunting distansya sa pagitan nila. “Family dinner lang kasi ang gusto ni Lola… hindi naman ako ang may birthday kaya… hindi na ako nag-imbita. ‘Tsaka, Ylona, ‘di ba…” Sinusulyapan ako ni Aizel habang maingat itong sinasabi. “Family? Then how about Cadence? She’s here! So why shouldn’t I?” Halos mapaismid pa siya sa akin. “S-Sa balcony lang po muna ako, ‘La,” paalam ko sa busy sa panonood ng TV’ng si Lola. Tumango lang ito sa akin at ngumiti bago ako tumayo. Ramdam ko pa rin ang mapanuring tingin ni Ate Chin sa paligid habang naglalakad ako. Naaninag ko ang mabilis na paglapit ni Aizel at agad akong natigilan nang sinapo niya ang braso ko. “Sa’n ka pupunta?” seryoso ang ekspresyon niya nang tinanong ito. “Sa balcony lang. Mag… papahangin.” Matagal niya pa muna akong tinitigan sa parehong ekspresyon bago sinulyapan si Ylona. “Antayin mo ako sa balcony…” Nanlamig ang mukha ko nang muling bumagsak sa akin ang mabigat niyang mga mata. Mukhang mag-uusap sila. Ano pa nga ba ang ginagawa ko rito? Nasulyapan ko ang nagtataka’t bahagyang napapataas ng kilay na si Ylona bago nagtungo sa likuran ng bahay nina Aizel. Hindi ko alam kung para saan ang tinging ipinukol nito sa akin pero sigurado akong hindi ito natutuwa. Nagbuga ako ng hangin at sinubukang pahupain ang bukol sa lalamunan. “Uuwi na pala ako. Mukhang may pag-uusapan kayo.” Tinabig ko ang kamay niyang nasa braso ko para maglakad na paalis pero maagap niya akong hinigit pabalik. “Mag-uusap tayo.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tayo? Sino ang tayo? Kaming dalawa? Bago ko pa man ma-absorb nang tuluyan ang ibig niyang sabihin ay hinila na niya ako papunta sa likod ng bahay nila, sa balcony kung saan nakaupong naghihintay si Ylona. Napatayo ito nang makita kami, ang tingin ay agad dumapo sa kamay ni Aizel na nasa braso ko. “What is this?” Seryoso ang mukha nito’t wala sa hilatsa n’on ang kahit kaunting ngiti. Kahit plastik na ngiti ay walang mapaglagyan. “Aizel, if we’re going to talk why is she here? Paalisin mo siya. I want us to talk alone.” Iritable akong tinignan ni Ylona. Nakagat ko na lang ang labi ko’t natahimik. Hindi ako sanay makipagsagutan nang ganitong live. Lalo ‘pag katulad nitong nangangalmot ang sisinghalan. At isa pa, ano nga ba ang ginagawa ko rito? Nakiki-third wheel sa kanila? Ugh. Hindi talaga dapat ako nandito! Tatalikuran ko na sana sila pero humigpit ang hawak ni Aizel sa braso ko. Hinila lang niya ako ulit pabalik. Pumikit ako nang mariin. Ano ba naman?! Kung ano man ang pag-uusapan nilang tungkol sa kanilang dalawa, hindi ako interesadong marinig! At saka… ano bang kinalaman ko ro’n? “Nandito siya dahil gusto kong marinig niya mismo sa ‘yo… na wala tayong relasyon bukod sa pagiging magkaibigan.” Namilog ang mga mata ko pagkadilat. Nalaglag naman ang panga ni Ylona sa disbelief. “How dare you?” halos bulong niyang mutawi. “Nililigawan ko si Cadence at ayokong nagdududa siya sa akin. Alam mo namang simula pa—” “How dare you be nice to me to the extent na hinayaan mong akalain ng iba na tayo?! I almost thought we were… how dare you, Aizel?!” Nakagat ko ang labi nang makita ko ang panggigilid ng luha sa galit na mga mata ni Ylona. She looks really hurt. “Hindi ko inakalang sineryoso mo…” seryosong baritono ni Aizel. Doon na tuluyang naiyak si Ylona, sunod-sunod ang tulo ng luha nito. Parang hindi ko na kayang tumingin dahil pakiramdam ko, naiintindihan ko ang pinanggagalingan at nararamdaman niya. Kahit naman kami inisip na sila talaga. “So you’re saying na pinaglaruan mo lang ako? Is that it?” Marahan akong napasinghap bago natulala sa malamig na sahig… same conclusion. ‘Yan din ang napagtanto ko noon. Ang hinayupak na Aizel mukhang may specialty talaga. “Ylona, hindi na tayo mga teenager. Akala ko kaya mong tignan ang pagkakaiba ng totoong relasyon sa hindi… I never said I like you, I’m just trying to be nice. At malayo ‘yon sa iniisip mong patutunguhan natin,” ani Aizel sa matigas na tinig. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan dahil pakiramdam ko’y nag-i-invade ako ng personal space sa pakikinig ko sa usapan nila. Sarkastikong tumawa si Ylona. “Landian! Why can’t you just say it properly? Naglandian lang tayo, Ylona! You’re just too stupid to believe na something might work! Bakit? You’re playing safe dahil nandito si Cadence? Ayaw mong magbitiw ng hindi magagandang salita dahil baka iba ang maisip ng batang isip niya? ‘Wag kang umarte, Aizel! Hindi ka santo!” Muli siyang tumawa pero kitang-kita ko ang hinagpis sa namumula na niyang mga mata. Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Aizel na nakahawak sa braso ko nang maramdaman ko ang bahagya nitong paghigpit. “Ylona...” “I want to hear it straight from you! Ano? Anong tawag mo sa ‘kin ha, Aizel? Parausan sa tuwing may pangangailangan ka? An improvised piece of s**t whenever you want to get some?!” “Ylona!” Bahagya akong napatalon sa animong kulog na sigaw ni Aizel. Ngunit balewalang nagpatuloy pa rin si Ylona. “Ang selfish mo! Why didn’t you straight out reject me when I said I liked you?! Manggagamit ka! Kung hindi mo pala ako gusto, bakit hindi mo agad inilinaw?! Bakit hinayaan mo akong umasa na may patutunguhan tayong dalawa?!” Nabasag ang boses nito sa huling mga salita, sinundan iyon ng mga hikbi. Hindi ako halos makahinga dahil sa halos pagkakamukha namin ng conclusion. This is all familiar to me… it’s almost the same… we’re almost the same… ang pinagkaiba lang ay diretsong sinabi sa akin ni Aizel na hindi niya ako gusto. Kung masakit ang ma-reject, mukhang mas masakit na akalaing sa ‘yo ang taong gusto mo… kung iniisip ng marami na maswerte ang mga taong nakakatikim nang pahapyaw na pag-ibig, sa tingin ko hindi. Kasi mas masakit maramdaman ang halos kaysa sa simulang hindi naman natuloy. Mas masakit ‘yong nasa kalagitnaan ka na, at saka mo pa mapagtatantong wala ka pa lang paroroonan. Mas madali kung sa una pa lang nalaman mo na, nang hindi mo na kailanganing magpatuloy at umasa pa sa bagay na wala pa lang hinaharap. Just like having a clear closure. “Sorry… Ylona, naging kaibigan kita. Kahit pa’no ayokong—” “Bullshit! Don’t pull that one on me! Kaibigan?! Kaibigan my ass! Ang sabihin mo duwag ka!” Napasinghap ako nang dalawang hakbang lang at dumapo ang palad ni Ylona sa pisngi ni Aizel. Hindi siya gumalaw. At hindi ako huminga. Guhit na guhit ang sakit at pagkakawasak sa basa at namumulang mga mata ni Ylona nang sulyapan ang tahimik kong pagtayo sa tabi ni Aizel. “Duwag? Oo alam kong duwag ako sa maraming bagay. Noon. Pero hindi na ngayon dahil may dahilan na ako para lumaban.” Bumaba ang kamay niyang nasa braso ko patungo sa kamay ko. Mahigpit niyang pinagsalikop ang mga palad namin at matamang pinagmasdan si Ylona’ng halos nanigas na sa kinatatayuan. “Sorry kung nasaktan kita, Ylona.” Sapo ang mga hikbi, nagtatalo ang galit at panghihina sa ekspresyon nito nang tinitigan diretso sa mga mata si Aizel. “You’re the biggest asshole I’ve ever met… I hate you… so much!” Matapos nitong itulak ang dibdib ni Aizel ay tumakbo na itong paalis. Umalingawngaw ang katahimikan nang maiwan kaming dalawa roon. Parang hindi pa ako makapaniwala sa nangyari at sa naging usapan nila. Pagkabaling ko kay Aizel ay naabutan kong bahagya siyang nakayuko habang nakapikit nang mariin. Kumukunot ang noo niya na parang may kung anong iniinda. Lahat ng inis ko sa kaniya ay tila naglahong parang bula habang pinagmamasdan siyang ganoon. May kumukurot sa puso ko. He’d been honest with me but I refused to believe him. Kaya kinumpronta niya mismo si Ylona sa harapan ko para lang tuluyang alisin ang mga pagdududa ko… “Aizel…” Imbes na magsalita ay marahan niyang hinila ang braso ko palapit sa kaniya. Dahan-dahan niya akong kinabig patungo sa dibdib niya at binalot ng isang mainit na yakap. Hindi ako nagreklamo… hindi rin ako gumalaw. Hanggang sa humigpit ang yakap niya na para bang kailangan niya ng lakas galing sa akin. “Aizel…” Paulit-ulit kong sinambit ang pangalan niya na para bang may magagawa iyon, para lang mapahupa ang kung ano mang pangamba niya. Nanatili siyang walang imik. Mahigpit ang yakap niya ngunit sapat lang para maramdaman kong nasa tamang lugar ako. “Sorry… kung hindi sana ako naduwag umpisa pa lang… sana hindi kita nasaktan… sana walang nasasaktan ngayon,” aniya sa namamaos na boses. Lahat ng pagdududa ko’y tila nalusaw na parang plastik sa apoy, walang kalaban-laban. Unti-unti kong ipinulupot ang braso ko sa kaniya para yakapin siyang pabalik. Nagbaon ako ng mukha sa mainit niyang dibdib matapos. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko pa rin siya kahit kupal siya. At ‘di bale nang magpakatanga basta para sa kaniya. Wala na akong pakialam kung masaktan ako, basta dahil sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD