Line XVII

1914 Words
Tahimik kaming naupo sa balcony ni Aizel. Parehong dinadama ang pag-ihip ng panggabing hangin. Sabay din naming pinagmamasdan mula ro’n ang mga nagkikislapang bituwin. Hindi ko nahiligang pagmasdan ang buwan dahil puro katatakutan ng pagkabata ang naaalala ko. Pero iba ngayon. Parang may kakaiba ngayon sa buwan na sa tuwing matititigan ko ay para bang lalo iyong gumaganda… Hindi ko akalaing magiging ganito ako kakumportable sa kadiliman… o dahil kasama ko ngayon si Aizel kaya kahit ang ganitong klaseng lugar ay nagiging espesyal? Unti-unti kong ibinaling ang tingin ko sa tahimik na si Aizel. Iniisip pa rin kaya niya si Ylona kaya siya tahi—teka, nakapikit? ‘Wag mong sabihing tulog na ‘to? Anak ng! Tinulugan ako? Akala ko pa naman romantic ang ganitong mga eksena! ‘Yong mga tipong magkakatitigan kami sa ilalim ng buwan tapos… tapos… ugh. Humalukipkip ako’t sumimangot nang mag-isa sa tabi ni Aizel. Sa natutulog na si Aizel! Panira talaga ‘tong kulugo na ‘to. Buryo kong pinagmasdan muli ang buwan at mga bituwin. Sana may malaglag na bulalakaw at saktong tumama sa taong natutulog dito sa tabi ko. Napapabuntonghininga ako nang muli kong nilingon si Aizel. Kahit nakapikit siya kabisadong kabisado ko pa rin ang maaamo niyang mata… ‘yong tipong tignan ka pa lang, wala pang tanong, sasagot ka na kaagad ng oo. Na para bang wala siyang masamang gagawin sa ‘yo kasi sobrang wholesome niyang tignan. Mga tipong good boy, parang ‘yong aso ng kapit-bahay—este, nice guy na lang pala. Well, in a sense, he’s really a nice guy. Naiinggit nga ako sa pilik mata niya. Ang taray kasi sa kapal at haba… tapos ‘pag tinignan ‘yong ilong niya, akala mo sobrang gwapo niya… matarik kasi lalo ‘pag ganitong side view… Nakakapanghina ‘pag tinititigan ko siya… lalo na ‘yang… ‘yang labi niya. Ang nipis pero ang pula-pula… parang chewing gum… pero mainit at malambot… at… sobrang nakakabaliw. Bigla siyang dumilat at lumingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong gising pala ang tukmol! Ni hindi ko namalayang napaawang ang mga labi ko habang pinagmamasdan ko siya. Para siguro akong tanga. Dahan-dahang umangat ang isang sulok ng labi niya nang mahuli ako, ngayon ay nakatitig na siya sa akin. Dali-daling uminit ang pisngi ko dahil sa mga iniisip ko kanina. Feeling ko malalaman niya kung ano ang mga ‘yon ‘pag pinagpatuloy pa niya ang paninitig niya! “Anong iniisip mo ha?” Inilapit niya sa akin ang mukha niya. Kumalabog kaagad ang dibdib ko. Shit! Sabi ko na nga ba malalaman niya kung ano ang iniisip ko! “Aizel!” Mas lalong uminit ang pisngi ko nang patuya niyang inilapit ang mukha sa akin. Ang ngiting sumusupil sa mga labi ko’y hindi ko na napigilan nang ngumuso pa siya at nagpatuloy sa paglapit. Malamya ko na lang tinampal palayo ang mukha niya sa akin. Nakakaasar ang halakhak niya. Pilit kong pinigilan ang mas mapangiti pa nang nilingon ko siya ulit. Sakto namang isinandal niya sa balikat ko ang noo niya. Naramdaman ko kaagad ang timbang ng ulo niya sa akin. Kasama na ng bawat paghinga niyang tumatama sa braso ko. Naestatwa ako kaagad at hindi nakagalaw. “Gusto mo bang dito na lang matulog? Pwede kong kausapin ang kuya mo…” Lalo akong nanigas sa sinabi niya. Bakit niya ako gustong dito matulog sa kanila? Nag-angat siya ng tingin sa akin nang hindi ako makaimik. Nakita ko na naman ang maaamo niyang mga mata… lagot na. “Nagdududa ka pa rin ba sa ‘min ni Ylona? Galit ka pa rin sa ‘kin?” Umiling ako nang wala sa sarili, iniisip pa rin ang nauna niyang tanong. “Akala ko nagbibiro lang siya no’ng umamin siya sa ‘kin… kalog kasi ‘yon. Isa pa, magkaibigan kami, bukod sa pinsan niya si Yna. That’s why I treated her nicely. Sa gano’ng paraan kasi para bang… parang nakakabawi ako kay Yna, sa nagawa ko sa kaniya… pero mukhang mali ang nagawa ko dahil nasaktan ko rin si Ylona.” Tumango ako dahil dumaan na rin ‘yon sa isip ko ng sinabi niya sa ‘king magpinsan ang dalawa. Masyado nga lang akong galit noon kay Aizel para bigyan ‘yon ng konsiderasyon. “Good intentions doesn’t always guarantee good results…” Mahina siyang ngumiti. “Pero hindi ko itatanggi na… napagsamantalahan ko ang nararamdam niya para sa ‘kin.” May pag-iingat sa seryoso niyang mga mata nang tumitig sa akin, tila sinusukat ang magiging reaksyon ko. Hindi ako nagsalita bagkus ay bahagya na lang ngumiti habang sinusuklian ang mga titig niya. Matagal kaming nagpalitan ng tingin sa tahimik nilang balcony nang walang sinasabing kahit na ano. Hanggang sa dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ko at hinaplos, ang mga mata niya’y nagpalipat-lipat sa bawat parte ng mukha ko matapos. Selfish bang maging masaya sa pagkakataong ito kung alam kong may ibang taong nasaktan? Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin. Nararamdaman ko na ang mainit niyang hininga sa pisngi ko at papikit na ako nang biglang… “Cadence… kuya mo.” Halos magising ang lahat nang natutulog kong organ Pagkarinig sa boses ni Ate Chin. Lumayo ako kaagad kay Aizel pero hindi nawala ang titig niya sa akin. Narinig ko ang tawa ni Ate Chin bago bumalik sa loob. Nataranta ako. Inisip ko kaagad kung ano ang sasabihin kong safe kay Kuya. Nag-isip ako ng mga idadahilan kung bakit ako ginabi rito pero walang pumapasok sa utak ko! Nilingon ko si Aizel at nakitang bahagya lang siyang nakanguso’t kalmadong nakatingin sa akin. Bakit hindi siya naaaligaga kagaya ko? Hindi ba siya guilty? Pareho lang naman kaming guilty dito ah? Bakit ako lang? ‘Wag mong sabihing wala siyang pakialam kung mahuli kami ni Kuya? Ugh! Kasalanan ba ‘tong ginagawa ko? Bakit pakiramdam ko para akong pugante? “Cadence!” Napatayo akong bigla sa boses ni Kuya mula sa loob. Pinagtawanan ako ni Aizel at halos masapak ko siya. Anong nakakatawa? Mahuhuli kami! ‘Di dapat kami makita ni Kuya nang magkasama! Papasok na sana ako sa loob ngunit mabilis nasapo ni Aizel ang kamay ko at hinigit akong pabalik. Pinanlakihan ko siya ng mata’t pilit inialis ang mahigpit niyang hawak sa akin. Makisama kang kulugo ka! Asar! “Cadence… ginabi ka?” Halos mahambalos ko si Aizel nang muntikan na kaming maabutan ni Kuya na magkahawak-kamay. “Uh… hindi ko namalayan ang oras, Kuya. Hinintay kita, ‘kala ko pupunta ka eh…” Sinulyapan ko nang matalim na tingin ang natatawa pa ring si Aizel. Kinagat lamang nito ang labi para pigilin ang ngiti bago pinasadahan ng daliri ang buhok. “Sabi ko r’yan sa kulugong ‘yan ‘di ako makakapunta. Wala ka talagang bisa, Aizel! Bat ‘di mo pa hinatid ‘to?” Kibit-balikat ang isinagot niya kay Kuya. “Dito ko na nga sana patutulugin…” Napalunok ako nang natigilan si Kuya sa narinig. Nalingon nito si Aizel na tamad namang nakangisi at mukhang walang pakialam. Ilang sandali akong mariing napapikit. “Baka kasi wala ka pa sa inyo. ‘Pag hinatid ko ‘to baka iyakan lang ako kasi takot siyang mag-isa!” aniya pa sabay halakhak. Bibigwasan ko na talaga ‘to! Pwede namang tumahimik na lang siya. ‘Wag na lang siyang magsalita hanggang makaalis kami ni Kuya! Mas madali ang buhay ‘pag hindi niya pinagana ‘yang bibig niya. “Di nga pala kita nai-text. Sige na, uwi na kami. Pabati na lang kay Lola ng belated, tulog na ata eh.” Tumango si Aizel kay Kuya bago muling magbaling sa akin. Pumasok si Kuya sa loob. Pasunod na rin sana ako pero inakbayan akong bigla ni Aizel at hinigit nang kaunti pabalik. Nilingon ko siya para sana bigwasan na talaga. Pero nanlaki na lang ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdampi nang mainit niyang labi sa labi ko. Letse. “Opps… ‘di ko kasalanan, ikaw ang lumingon,” bulong niya sa tainga ko bago nagbitiw sa pag-akbay. Para nang uusok ang mukha ko sa init ng pisngi nang habulin ko siya para sapakin. Tinawanan lang niya ako habang tumatakbo pabalik sa loob. Kupal na ‘to! Gugulpihin ko na sana kung hindi lang ako sinalubong nang mapagmasid na mga mata ni Ate Chin. Ito na lang ang tao sa sala at tanging nakaharap sa TV. Mukhang gabi na nga. Pinilit ko na lang pakalmahin ang sarili ko. Punyemas talagang Aizel ‘to! Anong gagawin ko kung bumalik bigla no’n si Kuya tapos naaktuhan kami? Letse. Hindi ko alam! Pero sana alam niya kung gaano kaseryoso ‘to. “Chin, alis na kami. Zel!” Sinulyapan lang ni Ate Chin si Kuya bago ito makalabas ng main door. Samantalang bahagya ako nitong nginitian nang magtama ang tingin namin. “Bye, Cadence… good night.” Pilyo ang ngiti ng kumag na si Aizel sa akin habang nakahalukipkip at tamad na humihilig sa main door. Ang maaamo niyang mata ay tila kumikinang dahil sa munting ilaw na naro’n. Nagbuntonghininga ako nang mapagtantong tapos na ang tagpong ito. “Good night, Aizel.” Sinuklian ko siya nang matamis na ngiti kahit kurimaw siya. Pero hanggang byahe yata’y nabaon ko ang ngiti na ‘yon kasi hindi na ‘yon nawala simula nang mawala sa paningin ko si Aizel. “Nagkausap na kayo ni Aizel?” paakyat na ako nang tinanong sa ‘kin ‘yon ni Kuya. Kinabahan ako agad. Alam niyang nag-away kami? “O-Oo…” Tumango siya sa sinabi ko. Nilingon niya ako matapos mailapag ang helmet sa sofa. “Ano bang pinag-awayan n’yo? ‘Di raw alam nina Luis… kahit ni Kristian.” Kumalabog ang dibdib ko nang obserbahan niya ako ng tingin. “Alam mo, Cadence, ‘yang si Aizel mukha lang good boy. Pero sinasabi ko sa ‘yo, hindi mo pa siya nakikilala katulad ng pagkakakilala ko sa kaniya.” Tumawa siya na para bang may naalalang nakakatawa sabay napapailing na sinabing, “Bata pa lang kami loko-loko na ‘yan…” Anong ibig niyang sabihin sa loko-loko? Anong kalokohan pa ba ang alam ni Aizel bukod sa mga hirit niya? Lumapit si Kuya sa akin at tinapik ang balikat ko. “Pero safe ka sa kumag na ‘yon. Para ka lang namang kapatid no’n. Sinasabi ko lang para alam mo.” Hindi ako tinantanan ng guilt hanggang kinabukasan. Talagang iniisip ni Kuya’ng imposibleng mangyari kami ni Aizel… gano’n kalaki ang tiwala niya rito at hindi ko naman siya masisisi. Halos lumaki kami nang magkakasama. At alam kong kapatid lang din talaga ang tingin sa akin ni Aizel noon. Sa pagtrato pa lang niya sa akin, alam ko naman. Madalas pa nga niya akong tawaging bata o paslit. Magagalit kaya si Kuya kung malaman niyang gusto namin ni Aizel ang isa’t isa? Best friend naman niya ‘yon, ‘di ba? Wala ba siyang tiwala? Pero ‘di ba dapat matuwa siya kasi kilalang-kilala na niya si Aizel? Hindi ko makita kung ano ang mali rito. Pero ayon sa sinabi niya sa akin kagabi, mukhang hindi magandang ideya si Aizel para sa akin… na kung sakaling susubukan ako nito… hindi magugustuhan ni Kuya. Feeling ko kasalanan ko talaga ‘pag nagkaaway sila. Kung hindi naman ako umamin kay Aizel… baka hindi niya ako nagustuhan pabalik… pero… pucha, ano bang gagawin ko kung gusto ko talaga ang kupal na ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD