Line XXIV

1501 Words

Nauna akong bumaba sa kaniya para hindi makahalata si Kuya. Naabutan ko ito sa kusinang busy sa pag-check ng laman ng ref. “Kailangan ko na pa lang mag-grocery,” rinig kong mahinang utas nito sa sarili. Natuon ang pansin nito sa ‘kin matapos isara ang ref. Isang mabilisang pasada ang ginawa nito bago tumaas ang isang sulok ng labi. “Uy naka-dress ang bata. Sinong kulapo ang ka-date mo ha?” Nakangiti ko siyang inirapan. “Tara na!” “Teka, nandito ‘yung kulugo. Nakita mo ba? Nando’n lang sa sala kanina ‘yon eh.” Hinanap nito si Aizel sa baba pero naaninag ko na ang pagbaba sa hagdan ng kulapo. “Tara, brad! Sinong daga hinahanap mo r’yan?” Balewalang naglakad si Aizel patungo sa main door. “Anong ginawa mo sa taas?” kunot-noong puna nang bahagyang natigilan kong kapatid. “Huh? Nag-CR.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD